กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.9K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1066.6K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”
Romance
1011.8K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
THE MAFIA'S MISTAKEN WIFE

THE MAFIA'S MISTAKEN WIFE

MATECA
Tumakas si Florence sa kasal niya sa lalaking hindi niya mahal ngunit para lamang maging bride ng isang estrangherong lalaki sa araw ng kasal nito. No choice si Florence kundi ang magpakasal sa lalaking Joaquin El Greeco ang pangalan dahil nasa harapan na siya ng pari at ng guwapong groom. Ngunit paano kung malaman niya na ang lalaking pinakasalan niya ay isa palang pinuno ng mafia at kaya siya pinakasalan ay para paghigantihan dahil iniisip nitong anak siya ng taong kinamumuhian nito? Ano ang gagawin niya sakaling bumalik ang totoong bride nito gayong nararamdaman niyang umiibig na siya rito sa kabila ng paiba-ibang ugaling ipinapakita nito sa kanya? At bakit kamukha niya ang babaeng dapat sana ay bride ni Joaquin El Greeco?
Romance
101.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Accidentally Inlove with Mr. President

Accidentally Inlove with Mr. President

Kung ilarawan ng mga tao si Raya Digo, siya ay masayahin, maganda, at matalino. Taglay niya rin ang buhay na kinaiinggitan ng marami. Ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng mga ngiti ay may nakatago na matinding lungkot sa kaniyang dibdib, na nagpapa miserable rito sa araw-araw. Lumaki si Raya sa puder ng kaniyang lola dahil sa trabahong tinahak ng kaniyang mga magulang. Sadya nga namang malupit ang tandhana. Makakayanan pa kaya ng dalaga ang ibabatong unos kung haharapin niya ito ng mag-isa, at kung siya ay wasak na wasak pa?
YA/TEEN
102.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Throne of Glass

Throne of Glass

"Angelica San Andres" Isa ito sa mga pangalang hinahangaan at kinakatakutan ng buong mundo. Her influence rules the world of business or perhaps our world. She change the landscape of every sector of any industry with her creativity, intelligence, and wisdom. "She was glorified by the world" ika nga ng karamihan ngunit sa gitna ng kaniyang pamamayagpag ay kailangan niyang lumisan at bumalik sa pinanggalingan dahil sa isang tungkulin na kailangan niyang gampanan. Si Angelica ang tagapagmana ng kahariang Xeria sa planetang Sedus kung kaya't sinigurado ng kaniyang ama na babalik ang kaniyang anak upang gampanan ito subalit labis ang pagkamuhi ni Agelica sa kanilang planeta dahil ito ang kaniyang sinisisi kung bakit hindi niya nararanasan ang kaniyang mga kagustuhan at ito ang attensyon at oras ng kaniyang ina at mas lalong umusbong ang kaniyang galit nang mamatay ang kaniyang ama. Pilit na tinatanggihan ni Angelica ang kaniyang tungkulin at nilabag ang ilan sa mahihigpit na batas ng Xeria. Ginawa nito ang lahat upang makaalis sa kanilang planeta, nakipagkasundo ito sa mga kalaban o mga aktibista ng kanilang kaharian upang makabalik sa planeta ng mga tao. At nang siya ay magtagumpay, isang hindi inaasahagan nilalang ang kaniyang makikilala sa mundo ng mga tao na kawangis na kawangis nito. Isang bata na magpapalabas ng kaniyang mga kahinaan. Isang bata na susukatin ang kaniyang mga paninindigan. Isang bata na magpapaalala kung sino siya sa nakaraan. Isang bata na poprotektahan niya hanggang kamatayan. Isang bata na magiging daan upang manumbalik ang kaniyang pagmamahal sa pinanggalingan. At isang bata na tatapos sa kaniyang buhay.
Other
2.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Sipsipin Mo Mr. Billionaire

Sipsipin Mo Mr. Billionaire

Isang pagkamuhi na nauwi sa kakaibang init ng temptasyon. Magagawa ba niyang iwasan ang init ng mga halik ng lalaking kinamumuhian? Saan hahantung ang kakaibang init kung mismo ang kanyang katawan ay napapaso sa kakaibang sipsip na ginawa ng naturang kinaiinisan? Abangan ang kwento ng pag-ibig na magbibigay init sa bawat buntong-hininga ng mga mambabasa.
Romance
231 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Babysitter

The Billionaire's Babysitter

Novie May
️WARNING: MATURE CONTENT AHEAD️! Inakala ni Malaya Emmanuel Sandoval nang matapos siyang pakasalan ng lalaking nakabuntis sa kanya ay magiging happy ending na, katulad ng mga napapanood niya sa mga palabas sa TV o mga nababasang nobela. Ngunit katulad din pala ng mga palabas, mayroong paghihirap na mararanasan. Kinailangan niyang umalis para sa kapakanan ng kanyang mga minamahal kapalit ang kanyang sariling pagkadurog, matapos ang ilang taon ay nakabalik na siya. Sa kanyang pagbabalik, handa na ba siyang sumugal ulit? Handa na ba niyang harapin ang pagsubok ng buhay? Handa na ba niyang ipaglaban ang dapat sa kanya, lalo na ang lalaking kanyang minamahal? Paano kung kung kailan handa na siya sa lahat, at saka naman ito napagod?
Romance
103.0K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET

EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET

itsmeaze
Si Arielle Natividad o mas kilala bilang AGENT RED, ay isang miyembro ng JUSTICE CREED. Ang samahang kinabibilangan niya ay konektado sa mga Government Agencies na nagpapatupad ng kaayusan sa bansa kagaya ng mga Police at NBI Agents. Dahil sa pagiging mainipin nito ay muntikan ng mapahamak ang mga kasama niya sa isang mission. Kaya napagpasiyahan ng mga nasa higher ups na bigyan siya ng sariling mission bilang parusa—EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET. Nagpanggap siya bilang tatanga-tanga na babae. Sa pagpapanggap na iyon ay nalaman niya ang natatagong pag-uugali ng lalaki—ni Ace Raiden Benedict. Mailap at masungit ito ayon sa deskripsiyon ng iba ngunit para sa kaniya, ang lalaki ay isang arogante at mahilig makipagbangayan sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari sa kaniyang mission? Ano nga ba ang itinatago na sekreto ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10853 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
 THE SCHOLAR (TAGALOG)

THE SCHOLAR (TAGALOG)

Hanggang saan ka magsisikap na maabot ang iyong layunin? Nagawa mo bang ipagkanulo ang iyong mga kaibigan- kahit na hindi ka kamukha ng taong gagawa ng ganoong bagay? Gutom sa tagumpay at papuri, si Lily Jenkins ay tumanggap ng alok mula sa isang napakatagumpay na paaralan. Dahil sa kasakiman at pananabik ay nagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin, na kung saan ang kanyang pagkakasala ay aatake sa kanya mamaya. Papayagan ba niya ang isang punong guro na ayusin ang kanyang kapalaran? O subukang umasa sa kanyang mga kaibigan kahit na hindi sila masyadong mapagkakatiwalaan? Alamin sa SCHOLAR, isang memoir kung paano makukuha ng paaralang ito ang kanilang mga estudyante sa kanilang mga marahas na bersyon. Batay sa totoong buhay na mga sitwasyong pang-akademiko, dadalhin ka ng maikling novella na ito sa isang kapanapanabik na paglalakbay nang walang mga bobong karakter, ngunit may mga taong mapaglihim na maaaring maging ang pangunahing tauhan, o maging ang may-akda mismo. Is she really a psychopath?
Mystery/Thriller
5.8K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
2930313233
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status