Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Tagapagmana na Naging Intern

Ang Tagapagmana na Naging Intern

Sa unang araw ko ng trabaho, isa sa mga bago kong katrabaho ang nagpapakita sa amin ng mga senyales na siya ang anak ng chairman. Sumipsip at pinuri siya ng lahat nang marinig nila iyon. At hindi pa rito nagtatapos ang lahat—dahil pinalabas din nila na isa akong sugar baby ng isang mayamang matanda! Galit akong tumawag sa chairman. “Tinawag ka nilang matanda na may sugar baby, Dad!”
Read
Add to library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Language (Queen and CEO)

Love Language (Queen and CEO)

LOVE and HATE are sometimes considered to have the same feeling and effect. It requires the same amount of intensity. When you fall in love you always think about that person while when you hate someone you also do the same. Is it possible that hatred could turn into love? Can love forgive and forget the pain of the past? Queensley Hernandez ay kilalang-kilala sa industry na kinabibilangan niya. Brand ambassador kasi siya ng isang kilalang clothing line at cosmetic company. Magandang mukha, makinis, katawan na may magandang kurbada at marangyang buhay. Halos lahat ay nasa kanya na pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin sa buhay niya. Kaakibat ng kasikatan niya ay ang panghuhusga ng mga tao sa paligid niya. Kinababaliwan siya ng mga kalalakihan samantalang sinusumpa naman siya ng mga kababaihan. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao dahil alam niya na wala naman siyang tinatapakan na tao. Marami ang nagagalit sa kanya at hinusgahan siya ng hindi muna siya kinikilala. Isa sa mga taong iyon ay ang nag-iisang anak ng taong kumupkop sa kanya si Mark Joseph Donovan. Kinababaliwan at hinahabol siya ng mga kababaihan dahil sa taglay niyang kagwapuhan pati na rin sa kanyang reputasyon. Wala siyang panahon makipagrelasyon dahil mas naka-focus siya sa pagpapalago ng negosyo. Kinatatakutan naman siya ng mga tao sa industriya na ginagalawan niya dahil sa pagiging matalino, agresibo at strikto. Iniwan niya ang kumpanya ng magulang niya at nagtayo ng sarili niyang kumpanya. Galit siya sa Papa niya kaya umalis siya at nabuhay mag-isa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kailangan harapin niya ang Papa pati na rin ang babaeng kinasusuklaman niya. Ano ang kalalabasan ng paghaharap nila? Posible ba na mabago pa ang pagtingin ni Mark kapag na kasama niya si Queensley?
Romance
104.8K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10612 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving His Vengeance

Loving His Vengeance

Ang buhay ni Alecia ay parang giyera. Kailangan magsakripisyo kundi'y may mawawala. Sa tanang buhay niya'y lumaki siyang mag-isa, natutong tumayo sa kanyang sariling mga paa at mabuhay ng tahimik sa malaking mansyon. Wala ni isang sumubok makipagkaibigan sa kanya o lumapit man lang dahil lahat ng nakakasalamuha niya'y tinatawag siyang mangkukulam o 'di kaya'y demonyo. Totoo kaya ang akusa ng mga tao sa kanya? Totoo kaya ang usap-usapan na isa siyang demonyo o mangkukulam? Ano kaya ang nasa likod ng mga kwentong ito? Gusto mong malaman? Halika at sabay tayong buklatin ang kwento ng isang babaeng pinagkaitan ng saya sa mundo.
Romance
8.81.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Hidden Princess

The Hidden Princess

Aziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa ang kalbaryo ng kaniyang buhay na takbuhan ang mga bodyguards ng kaniyang tatay. Itago ang totoong pagkatao at umaktong hindi kilala ng lahat.Tago nang tago ang dalaga hanggang siya na mismo ang sumuko. Ano na naman bang magiging buhay niya kapag nasa poder na naman siya ng kaniyang mga magulang? Lalago ba ang kaniyang galit dito? O permanente na siyang hawak-hawak ng kaniyang mga tinataguan?Ang paaralan ang magpapahirap sa kaniya ngunit doon niya rin makikita ang taong hindi niya inakalang mamahalin niya. Mali ba ang kaniyang pagdedesisyon? Mali ba ang tinatahak niyang daan? Ang katigasan ba ng kaniyang ulo ang magpapahamak sa kaniya?Ms. Aziria Izzy Sullvian, hide!
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
Romance
10152.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Heir

Carrying the Billionaire's Heir

Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
Romance
1029.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
Romance
1061.8K viewsCompleted
Show Reviews (58)
Read
Add to library
Morianne Joy Tayamora
So far so good mr.A...First time ever na mgbasa ako ng romance novel na lalaki ang author.And ur doing great....I love the flow of da story,the emotions were there at mgnda ang pagkaedit.The character's attitude had been introduce slowly dat made me hooked and curious at da same time...Nice work...
xhhxchcj
I like the plot of the story. It was unique for me. Isa sa mga gusto ko sa kuwento ay ’yong linis ng narrations and this novel get me there. Sobrang linis din dialogue, walang sabaw na batuhan ng linya. Congratulations sa author nitong kuwento. keep it up the good work...
Read All Reviews
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status