REVENGEFUL HEART
Sheena Santillian, isang simpleng guro na mula sa mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang nalasing sya sa isang kasiyahan na naganap sa kanilang eskwelahan kasama ang ibang guro at kaibigan.
Dinala sya ng mga ito sa isang pribadong opisina ng kanilang boss, upang mahimasmasan dahil sa pag aakalang out of the country ito.
Ngunit bigla itong sumulpot at nakita ang dalagang natutulog sa kanyang opisina. Dahilan upang di sinasadyang may mangyari sa kanila at nag bunga ang minsan nilang pag sasama ng triplets na babae.
Matapos maka panganak si Sheena ay nasunog naman ang hospital at sinabing kasama ang kanyang triplets sa mga nasawi. Masuwerteng naka ligtas sya, ngunit sunog naman ang kanyang kalahati ng mukha at katawan.
Halos mawalan na sya ng pag asa ng may isang taong nag alok sa kanya ng tulong.
Makalipas ang ilang taon ay muli syang nag balik upang maningil sa mga taong dapat pag bayarin sa nangyari sa kanyang anak. Ngunit natuklasan nyang buhay ang mga ito.
Mabawi pa kaya nya ang kanyang triplets? Paano sya lalapit sa mga ito kung hindi naman sya kilala ng kanyang mga anak? At malaman pa kaya ng ama ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanya kung may isang tao na palaging hadlang sa mga plano nya?