Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)
Siya si Natalie Flores-Vergara. Dating 18 years old, ngunit pagkatapos ng isang trahedya, bigla itong nagising sa ospital—may asawa, dalawang anak, at isang kasal na nasa bingit ng pagkawasak. Sa isang idlap, siya na si Natalie Vergara na 24 years old, anim na taon ang nakalipas.
Ang dating mahina at bulag sa pag-ibig na babae ay nawala na. Sa halip, bumalik ang isang babaeng muling ipinanganak sa bagong panahon—matapang, matalino, at handang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya.
Habang unti-unti niyang binabawi ang tiwala ng kanyang mga anak at ginagamot ang mga sugat ng nakaraan, natuklasan niyang ang lalaking kaniyang minsa’y nasaktan—si Alexander Vergara, ang misteryosong CEO na minsang minahal niya—ang tunay na nagligtas sa kanya anim na taon na ang nakalipas.
Ngunit habang isinusulat ni Natalie ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang ang Miracle Doctor Thalie at bilang Ms. Flores, ang pinakamakapangyarihang babaeng negosyante sa industriya, muling lilitaw ang lalaking minsang sinira siya—Dominic Almeda, ang lalaking minsan niyang minahal nang buong puso.
Sa pagitan ng paghihiganti, paghilom, at pag-ibig, pipiliin ni Natalie kung sino ang karapat-dapat manatili sa kanyang muling nabubuong mundo…
Ang lalaking minsan siyang nilason, o ang lalaking minsan niyang nasaktan?