Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
RESCUED BY A MAFIA LEADER

RESCUED BY A MAFIA LEADER

Azuus
CASSY ALONTO, isang ulilang dalaga na nagmula sa bahay ampunan ang mapipilitang magtrabaho sa isang drug assossiation matapos siyang malinlang na bibigyan siya ng maayos na trabaho. Hindi siya makakatanggi sapagkat, buhay niya ang kapalit. Magiging tagahatid siya ng droga. At dahil sa angking ganda nito’y mapapansin siya ng kanilang druglord. Kaya naman, plano niya itong gawing babae. Na siya namang, hinding hindi masisikmura ni Cassy. Ayaw niyang maging parausan ng may edad na lalaki. Lalo pa at, nasa labing pitong taong gulang pa siya. Dahil sa nalamang plano ng kaniyang amo’y magbabalak siyang tumakas. Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa maging parausan lang. Sa kaniyang pagtakas ay hahabulin siya ng mga tauhan ni Don Alfonso. At dahil makapangyarihan nga ito’y mahihirapan siyang magtago rito. Kalaunan nga’y mahahanap rin siya ng mga tauhan nito. Ang inaakala niyang, tuluyan siyang mabibihag nang sapilitan siyang hatakin sa van ay siya namang dating ng isang itim na sasakyan. Kung saan, iluluwa nun ang di pamilyar na mukha ng lalaki. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, ay makikitang, pinagpapatay ng estrangherong lalaki ang kikidnap sa kaniya. Paano kung, ang inakala niyang nakatakas siya sa sindikato ay siyang mas lalong pagmulat niya. Lalo pa at, ang lalaking nagligtas sa kaniya'y isa palang Mafia Leader. Gagawin rin ba siyang tauhan nito, o palalayain? Ano ang dahilan nito para iligtas siya sa mga taong kagaya rin naman niyang druglord. Abangang ang kuwentong pag-ibig ni Cassy at Kaizer sa Rescued By A Mafia Leader.
Romance
722 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Endless Affection

Endless Affection

Princerandell
Si Zach mismo ang nag-umpisa ng laro sa pagitan nilang tatlo. Siya mismo ang nagpahamak sa sarili. Ang akala niya'y sa pamamagitan ni Zayra ay maibabalik niya sa kaniyang piling ang pinakamamahal niyang babae na si Mageline. Nang una'y umayon ang lahat sa plano ngunit 'di nagtagal, bigla na lamang lumihis ang lahat sa ibang direksyon. Marami siyang nalaman na katotohanan na alam niyang magiging dahilan ng pagkasira nilang lahat. Alam niyang kapag ipinagpatuloy niya pa ang pakikipaglaro kay Zayra ay siya lang din ang mahihirapan. Handa niya pa rin bang sabayan ang laro kahit na alam niyang sakit lang sa puso ang dulot nito? O titigil na lamang siya? Dahil sa patibong na ginawa niya'y siya mismo ang nahulog dito.
103.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Heartless CEO (Tagalog Version)

The Heartless CEO (Tagalog Version)

Wala nang sasakit pa ang itakwil ka ng sarili mong mga magulang dahil mas pinaniniwalaan ng mga ito ang taong itinuring niyang tunay na kaibigan. Ang akala ni Nicole na mapabuti ang buhay sa tulong ni Danica ay kabaliktaran ang nangyari. Ginamit siya nito upang matupad ang ambisyon sa buhay—ang maikasal sa isang arogante at may pusong bato na si Steven. Hindi na nagtaka si Nicole kung bakit nagawa siyang traidurin ng kaibigan dahil sa lalaking ito. Bukod sa milyonaryo na, angkin pa nito ang katangiang kinababaliwan ng kababaihan sa isang lalaki. After six years, babalik si Nicole upang agawin ang bagay na inangkin ni Danica, kasama na ang lalaking nagbitaw ng isang salitang hindi siya karapat-dapat maging ina ng anak nito.
Romance
10197.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
I Will Take Back What's Originally Mine

I Will Take Back What's Originally Mine

FireQUEEN
Si Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang makatakas sa posibleng pagkamatay na sinabi ng pamilya ng biktima, sinubukan niyang maglakbay nang hindi nililinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, sa halip na makalaya mula sa kamatayan, siya ay talagang namatay. Well, parang ganun nga. Pero bigla siyang nagising sa katawan ni Estacie Somyls. Ang pinakamasama pa, talagang mahirap din ang buhay ng may-ari ng katawan na sinapian niya! Isang babae na iniwan ng sariling ama para makasama ang bagong pamilya. Hindi lang iyon, ginamit pa ang sarili niyang mana mula sa yumaong ina! Ngayong siya na ang bagong may-ari ng katawan na ito, makukuha na ba niya ang orihinal na sa kanya?
Romance
101.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Personal Maid

His Personal Maid

MAHIRAP ang buhay kaya't ang ulilang lubos na si Karina ay handang magtiis na manirahan sa kaniyang tiya kahit madalas siyang pagmalupitan nito. Ang tiya niya mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho upang mag waitress sa isang bar na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Sa edad na dalawampo, natuto na si Karina na maging malakas para sa kaniyang sarili dahil wala naman itong maaasahan bukod sa kanyang sarili lamang. Bata pa lang ay hindi na ito namulat sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay tila hinahanap niya pa rin. Pagmamahal na hindi maibigay ng kanyang Tiya Alicia at kahit ng mga kaibigan nito sa bar. Isang araw, sa kanyang pagtatrabaho sa bar ay isang bagong customer ang nagligtas sa kanya mula sa isang bastos na lalaki. Nagpakilala ito bilang si Winston Miller gamit ang binigay niyang business card. Naging interisado sa kanya ang binata dahil nakikita nitong pursigido ang dalaga sa kanyang trabaho at halatang kailangang-kailangan ng dalaga ng pera, bukod doon ay may kung anong malakas na enerhiya siyang naramdaman sa dalaga. He asked her to be his personal maid. Iyon ang usapan nila. Sa laki ng halagang in-offer ni Winston ay hindi na nakapag-hindi pa si Karina. Tinanggap niya agad ito. Iniwan niya ang kanyang tiya na naghihimutok sa galit.
Romance
9.7365.5K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (81)
Read
Idagdag sa library
Rai
OMG!! nakakakilig naman nitong story worth it na worth it ganito gusto kong basahin Hindi boring enjoy na enjoy ako. Hayssst ganda sobra Hindi ka talaga magpagawa kapag ganitong flow na story. Love na love ko ito support kita author...
Kim francine Botor
hina ap ko ito sa novelah na Sabi ng author soon siya sa novelah mag sususlat.. nag ikawalang chapter Pero wala.. gusto ulit.. ma dugtungan ang pagmamahalan nila Winston at Karina pls po.... Dahil napaganda ng ginawa mong kwento
Basahin ang Lahat ng Review
Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio

Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio

Nadurog ang puso ni Analyn nang matuklasan niya ang relasyon ng nobyo niyang si Josh at ng matalik niyang kaibigang si Cristina ilang araw na lang bago ang kasal niya sa binata. And the worst of all, binaliktad pa siya ng dalawa at pinalabas na siya ang nagloko para hindi masira ang imahe ng mga ito. Brokenhearted, she went to a resort and spent one week there to pick up the broken pieces of her life. Sa pananatili niya sa resort ay nakilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki— si Romano Silerio. Dahil sa labis na pighati ay nagpakalasing siya sa resort hanggang sa nagising na lang siya nang sumunod na araw sa hotel suite ng binata, naked and feeling the soreness in between her thighs. It was when she realized that she had a one-night stand with the man! Ang buhay niyang dati nang magulo ay sadya pang nagimbal dahil sa pagdating nito sa buhay niya. At may pakiramdam siyang mas magugulo pa iyon lalo pa't muling pinagtagpo ang mga landas nila ni Romano pagkatapos ng mainit na gabing pinagsaluhan nila sa resort. May tiyansa pa bang bumalik sa normal ang buhay niya ngayong may isang proposition na inaalok sa kanya si Romano? "Don't stay broken because of what your cheater boyfriend did. Forget him and just marry me instead..." Would Analyn accept it?
Romance
1042.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Me And My Husband's Paramour

Me And My Husband's Paramour

Buong akala ni Azariah na magiging masaya ang pagsasama nila ni Damon bilang bagong mag asawa pero magiging impyerno pala ang buhay niya kasama ito. Napaka babaero nang asawa niya kahit pa noong nobyo niya pa lamang ito. Hindi siya nag atubili nang binigyan niya ito nang maraming chance sa pag aakalang mag babago pa ito. Kaya niyang mag tiis sa lahat nang pananakit nito sa kaniya at mga pambababae nito pero ang hindi niya ma atim nang ibinahay nito ang isa sa mga babae sa sarili nilang pamamahay. Kaya kahit na masakit para sa kaniya ay siya na ang kusang lumayo at iniwan ang asawa niya. Kung hindi nito kayang mag bago para sa ikaaayos nang pag sasama nila wala nang halaga ang manatili pa sa tabi nito. Hanggang sa muling pag tagpuin nang tandahana ang landas nila nang dati niyang kaibigan. Nang mag tapat ito nang nararamdaman sa kaniya ay hindi niya na ito pinakawalan pa. Mabait ito at masasabi niyang malayong malayo ang ugali nito sa ex-husband niya. Ito na nga ba ang lalaking mag mamahal sa kaniya nang totoo at hindi siya sasaktan? mahanap niya kaya rito ang pag mamahal na matagal niya nang inasam asam? o katulad lang din ba ito nang dati niyang asawa na sasaktan lang siya at lolokohin.
Romance
104.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Owned You

Owned You

Hindi inakala ni Sapphira na mag-mamahal ito ng lalaking higit pa sa buhay niya, mamahalin ba siya nito ng lubos o paglalaruan lamang ang marupok na puso nito.
Romance
1043.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Forbidden Affair With My Uncle Thomas

Forbidden Affair With My Uncle Thomas

Margaritha Go aka Marga isang magandang teenager na babae na nagsimulang umibig sa kanyang Uncle Thomas kapatid ng kanyang namayapang ama. Sabay na nawala ang kanyang mga magulang kaya ang Uncle na lamang niya ang nag malasakit sa kanya. Pero paano kung isang araw nasumpungan mo na lang ang sarili mo na may lihim ka ng pagtingin rito. At sa habang tumatagal ang pag tinging iyon ay mas lumalim pa ng lumalim hanggang sa ma-in-love ka na. At ang dating teenager noon na mahiyain na may lihim ay lalaking isang magandang dalaga na agresibo. Hanggang saan hahantong ang kanyang pantasya sa pinakamamahal na Uncle Thomas. Gayong nagpumilit ito na maging secretary niya sa law firm since graduate ito nang Political Science courses. Anong gagawin niya kung araw-araw at oras na silang nagkikita ng kanyang pamangkin. Masupil pa kaya ni Uncle Thomas ang kanyang sarili kung ito na mismo ang lumalapit sa kanya.
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
Romance
1016.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3031323334
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status