Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?
Romance
1014.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8713 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Best Friend's Baby

My Best Friend's Baby

Hindi akalain ni Gwin na ang pagdamay sa matalik na kaibigang bigo sa pag-ibig ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali. Nagkunwari siyang walang nangyari no'ng gabing nalasing sila, sa kagustuhang ayaw masira ang pagkakaibigan nila. Pero hindi niya pala kayang magkunwari ng matagal. Sa araw na handa na siyang sabihin ang totoo ay siya namang pagbalik ng girlfriend nito. Ramdam at kita niya kung gaano kasaya ang matalik na kaibigan sa pagbalik ng babaeng mahal. Kaya sa huli ay pinili na lamang niya na lumayo at nangako sa sarili na habangbuhay na ilihim ang nangyari sa kanila. Pero paano kung muling mag-cross ang landas nila? Magagawa niya pa bang ilihim ang nangyari gayong nagbunga pala ang pagkakamaling nagawa nila?
Romance
1081.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
For The Love Of Fiona

For The Love Of Fiona

Tutol si Fiona sa ideya na magkaroon siya ng personal bodyguard. Hindi niya nais na may isang taong bubuntot sa kanya saan man siya magpunta. But she has no choice. Dahil sa problema sa kanilang pamilya ay napilitan siyang sang-ayunan ang nais ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lucas. She met Randall Mondejar, her bodyguard--- ang lalaking una pa lang ay masamang babae na ang tingin sa kanya. Paano niya matatagalan na makasama ang lalaking wala na yatang ginawa sa araw-araw kundi ang pakuluin ang dugo niya? Paano niya pakikisamahan ang binatang sa kabila ng magaspang na pakikitungo sa kanya ay may binubuhay na isang banyagang damdamin sa kanyang dibdib--- damdamin na tanging dito niya lamang nadarama.
Romance
1010.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

itsmeaze
Dahil sa kagustuhan ni Xavier Collins na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, hinanap at pinilit niyang pinaamin ang babaeng maaaring may kinalaman sa kaso—si Ashley Fate Anderson, isang hindi kilalang manunulat na gustong maibahagi ang kaniyang mga akda sa buong mundo kahit hindi pabor sa kaniya ang tadhana. Matapos mahanap ang kopya ng manuscript ni Fate sa mismong pinangyarihan ng krimen ay naisipan ni Xavier Collins na ipadukot at ikulong ito sa mala palasyo niyang bahay. Noong una ay ginawa lang ito ni Xavier para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit habang tumatagal ang pananatili ni Fate sa pamamahay niya ay hindi niya namalayang umiibig na siya sa dalaga.
Romance
102.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Hot Billionaire Husband

My Hot Billionaire Husband

Gustong ipakasal si Yvette Villafuerte ng ama niya sa lalaking hindi pa niya nakikita kaya naman gusto na niyang yayain ang boyfriend niyang kinaaayawan ng ama niya na magtanan kaya nagpunta siya sa condo nito subalit nakita naman niya itong nakikipag sex sa kanyang mortal na kaaway. Dahil masamang masama ang kanyang loob ay nagpunta siya sa bar. Gusto niyang magwala at dahil sa ibig nga niyang magwala ay ipinagkaloob niya ang kanyang sarili sa isang estranghero. Sa tingin niya ay masisira rin ang buhay niya kung papayag siyang magpakasal sa lalaking nagugustuhan ng tatay niya para sa kanya kaya lang ang hindi niya napaghandaan ay ang paghaharap nilang muli ng hot na lalaking nakasiping niya ng 12 hours.
Romance
109.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Contract With The Gay Billionaire

The Contract With The Gay Billionaire

Livre
Si Sofia Ramos lumaki sa isang orphanage. Musmos pa lamang, naintindihan niya na kung gaano kaimportante ang pera sa mundo. Kaya naman, nang makalabas na sa kinalakihang orphanage, napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa syudad kahit ano pang trabaho ang pasukin niya. Pero isang lalaki lang pala ang mag-iiba at magaangat sa kaniya sa buhay. Sino nga ba ang lalaking ito na nagbigay ng kulay sa kaniyang walang kulay na buhay?
Romance
106.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)

EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)

‼️ Warning : R-18 SSPG ‼️ Velora Venice, mabuting empleyada sa Solara Essence. Sa kabila niyon ay mayroon silang lihim na kasunduan ng kanyang boss na si Dewei Hughes. Isang araw sa piling ni Mr. Dewei Hughes, singkwenta mil ang ibinabayad nito sa kanya. Pangdagdag sa pang-dialysis ng kanyang kapatid at para sa gastusin nila sa bahay. Inalok siya ng boss niya ng isang gabing pagt@t*lik at babayaran siya ng malaking halaga. Pumayag din siyang maging isang exclusive escort ng isang mayamang estrangherong lalaki. Ginawa ni Velora ang magsakripisyo para mabuo ang malaking halagang kailangan sa kidney transplant ng kanyang nakakababatang kapatid na si Vanna.
Romance
10137.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Win Me Back, My CEO Husband!

Win Me Back, My CEO Husband!

Si Maxine Garcia ay tatlong taon ng kasal sa CEO na si Shawn Velasco. Wala siyang ibang ginawa sa taong iyan kung hindi alagaan, pagsilbihan, at mahalin ang lalaki hanggang sa tuluyan itong gumaling mula sa kanyang pagkaka-aksidente. Ngunit pagkatapos ng lahat, malalaman niyang may iba pala itong babae at ang masakit, bumalik siya sa dati nitong minahal na iniwanan siya habang pansamantalang naging inutil. Nasagad na si Maxine sa sakit na idinulot ng lalaki sa kanya kaya nagdesisyon siyang hiwalayan ito at ayusin ang sarili niya. Subalit sa kanyang paglisan ay siya namang biglang pagsimula ng asawang CEO na ipanalo siya pabalik…
Romance
9.1995.5K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (273)
Baca
Tambahkan
Ronie Balon
sobra Kong panghihinayangan ang story na ito pag hindi tinapos ng author. kasabik sabik bawat chapter.. ... alam Kong hindi ganun kadali ang sumulat ng storya dahil nag try ako minsan na bumuo ng isang kwento pero hindi ko natapos. hindi sapat ang malikhaing kaisipan kung kulang sa kaalaman...
Rhed Germino-Magtalas Echipare
sana maging palaban si Maxine,tapos mas maging exciting lhat na makilala nila si legend master...na makalaglag panga nila na xa pla un...sa tgal n ksama nila ndi nila akalain...tapos maghabol si shawn... kagastos p nmn magbasa ng nobel..,mauubos n gcash q...mdals nagbabawas khit ndi pq bumibili ...,
Baca Semua Ulasan
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
622 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3738394041
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status