Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)
"Nathan, paano mo nalaman ang tungkol sa boxing? I mean, paano ka napunta roon?"
Napatingin si Nathan sa kanya habang nagmamaneho, tila nagulat sa tanong. "Hmm, matagal na ‘yon. Bata pa lang ako, mahilig na akong makipagsuntukan. Hindi sa pagiging basagulero ha, pero natutunan ko na kailangan mong ipaglaban ang sarili mo. Hanggang sa may isang coach na nakakita sa akin at hinila ako sa gym."