Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Painful love

Painful love

“First Love Never Dies,” sabi nila. Kaya naman kahit lumipas na ang ilang taon ay iisang babae pa rin ang nasa puso't isipan si Andrew Herras, iyon ay ang ex-girlfriend niyang si Mara Salandanan. Ikakasal na sana ang dalawa noon, ngunit hindi sumipot ang nobyo sa araw ng kanilang kasal at simula noong araw na iyon ay hindi na nagpakita o nagparamdam pa si Andrew kay Mara. Nagsimula siyang magalit sa kanya. Kinamumuhian niya ito na halos gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na sana hindi na lang niya nakilala si Andrew. Pagkatapos ng maraming araw, buwan at taon. Pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pero sa mga sandaling iyon, nakahanap na siya ng iba. Alam niyang ikakasal ito sa ibang lalaki at alam din niyang mas better ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Ngunit hindi pa ito ang huling kabanata para sa kanilang dalawa ni Mara. Dahil si Andrew, naniniwala na hindi pa huli ang lahat para makabawi siya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon sa dating kasintahan. Mapipigilan ba niya si Mara na magpakasal sa iba? O tuluyan na siyang buburahin ni Mara sa kanyang puso at alaala? *** PAINFULLOVE 2021AllRightsReserved_CAT LYN
Romance
109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
He's My Sinful Salvation

He's My Sinful Salvation

Si Seraphina ay isang waitress na nagtatrabaho sa isang marangyang hotel sa Maynila. Isang gabi, nakilala niya si Damien, isang misteryosong bilyonaryo na umuwi sa Pilipinas. Agad silang nagkagustuhan sa isa't isa, ngunit may mga hadlang na kailangan nilang harapin. Si Damien ay may madilim na nakaraan na humahabol sa kanya. May mga taong gustong siyang saktan, at handa silang gamitin si Seraphina para makamit ang kanilang layunin. Kailangan nilang magtulungan para malampasan ang mga pagsubok na ito. Sa gitna ng panganib at intriga, matutuklasan nina Damien at Seraphina ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligtasan. Ang kanilang pagmamahalan ang magiging daan para sa kanilang pagbabago at paglaya.
Romance
158 viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Flowers (Tagalog)

Wild Flowers (Tagalog)

Taglish story. Si Marisse Dela Fuente ay naninirahan sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. mahal na mahal sya ng lahat dahil sa angking kagandahan at kabaitan kaya naman ay inggit na inggit sa kaniya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vanessa. Dahil rito, nagawang agawin ni Vanessa ang nobyo ni Marisse, pinahirapan nito si Marisse na maging miserable ang buhay. Nakipagsabwatan sya sa mga taong may balak na masama kay Marisse para sa pera. Sa pagkawala ni Marisse, ilang taon ang lumipas ay may babaeng mayaman na basta na lamang nakilala. Siya si Ivy. Ngunit, may kinalaman ba itong taong ito kay Marisse? sino nga ba siya?
Romance
1016.6K viewsCompleted
Read
Add to library
BOSS BABY: Pregnant With My Boss

BOSS BABY: Pregnant With My Boss

Tahimik lang si Rina Alonzo sa nararamdaman niya para sa boss niyang si Elian Mercado. Matagal na siyang may gusto rito, pero alam naman niyang hanggang doon lang ’yon—lalo na’t ikakasal na si Elian sa long-time girlfriend nito. Kaya pinilit na lang ni Rina na umiwas. Sinabi niya sa sarili na wala siyang lugar sa buhay ng lalaki. Pero isang gabi ang nagbago ng lahat. Isang gabing hindi niya inasahan. At sa gabing ’yon, nagsimula ang sikreto na kahit anong iwas niya… hindi basta maitatago.
Romance
772 viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Patuloy parin umaasa at naghihintay si Melisa na balang araw ay magkikita muli sila ng kanyang kaibigan na si Albert. Simula kasing nag aral si Albert ng kolehiyo ay Manila ay wala na itong balita pa. Pero alam niyang babalikan siya ni Albert upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapag patayo ng Dream House sa lugar na kanilanh tagpuan. Ngunit isang araw ay nabalitaan niyang magpapakasal na si Albert kay Devina. Gumuho ang mundo ni Melisa ng malaman niyang ang pinagawa ni Albert na Dream House ay magiging bahay na pala nila ni Devina. Ngunit lingid sa kaalaman ni Melisa na ito ay para talaga sa kanya at hindi para kay Devina. Gustong kausapin ni Albert ang dalaga upang maintindihan niya kung paano at ano ang nangyari sa kanya noong siya ay nag tatrabaho sa America. Ngunit hindi ito nagpapakita sa kanya. Nagpakalayo muna si Melisa upang makalimutan ang bangungot na kanyang naranaaan. Lumipas ang taon ng malaman ni Melisa na hanggang ngayon ay hindi pa kasal si Albert at Devina. Nabalitaan din niya sa kanyang ina na araw-araw siyang hinahanap ni Albert upang magpaliwanag at muling mag balik ang kanilang pagkakaibigan at (Pagmamahalan). Bumalik si Melisa. At ibang Melisa na iyon hindi na mahina hindi na iyakin at hindi na kailan pa matatalo at masasaktan. Nagkita sila ni Albert sa hindi inaasahang lugar. Dahil sa pananabik ni Albert kay Melisa ay bigla niya itong hinalikan sa mga labi. Kapwa sila nagulat sa nangyari. Isang malakas na palad ang dumapo sa pisngi ni Albert. Magiging huli naba ang lahat para kay Melisa? Maipaglalaban pa kaya niya ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kaibigan? Lalo na at magpapakasal na ito kay Devina.
Romance
9.817.2K viewsOngoing
Read
Add to library
ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Si Maya ay isang bilanggo sa mansion ng mga Gustin dahil sa malaking pagkakautang. Tanggap niya ang kapalaran niya na habang buhay magbayad ng pagkakautang sa mga ito kapalit ng kanyang paninilbihan... Isa lang ang hiling niya, iyon ang bumalik ang nanay niya na bigla nalang siyang iniwan sampong taon na ang nakakaraan. Nang bumalik si Hannah galing sa America, ang apo ng mga Gustin ay agad na ipinagkasundo ito sa isang mayamang binata na si Tyler Montemayor; Ngunit nagmatigas si Hannah. Sa takot ng mga Gustin na baka i-pull-out ng binata ang investment nito sa kanilang kumpanya ay naisip nilang si Maya ang ipakasal kay Tyler dala ang kanilang apelido. Walang nagawa si Maya kundi ang pumayag na ma-ikasal sa mayamang binata. Hinanda niya ang sarili na masaktan at pagmalupitan ng mayamang binata ngunit hindi iyon ang nangyari... "Araw-araw kitang mamahalin, Maya.” Katagang sinabi ni Tyler na labis n'yang ikinagulat. Mapanindigan kaya ni Tyler ang pangako gayong maraming tutol at hadlang sa pag iibigan nilang dalawa? O sa bandang huli ay magkakahiwalay din sila?
Romance
1035.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bestfriend's Possession

My Bestfriend's Possession

Mula nung 15 taon pa lamang si Carlo, minahal na niya si Michael. Mas pinili niya lang itago na lamang ang nararamdaman niya sa kaibigan dahil sa takot na lumayo ang loob nito sa kanya. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama nila, mas nahihirapan si Carlo na itago ang pagtingin niya sa kaibigan. Nais niya man lumayo, di naman siya hayaan ni Michael na gawin ito. “You are mine!” He said. But then he’ll say, “But I am not gay!” Labis na naguguluhan si Carlo sa bestfriend niya. But he knew that all along, even without saying it… He is his best friend's possession…
LGBTQ+
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Romance
1016.4K viewsOngoing
Show Reviews (10)
Read
Add to library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Read All Reviews
The CEO's Unseen Wife

The CEO's Unseen Wife

Si Heather ay isang maybahay at hands-on sa lahat ng kailangan ng pamilya niya. Siya ay isang asawa ng CEO na nagmamay-ari ng Madrigal Group of Companies at ilang mga resort sa kamaynilaan na si Cregan Madrigal. May isang anak sila na ang pangalan ay Erryc, walong taong gulang na at palaging sakitin. Mas gusto nitong kasama ang Tita Febbie na kapatid ni Heather dahil spoiled na spoiled ang bata sa dalaga. Samantalang si Heather ay isang stirktang ina at lahat pinagbabawalan ang anak. Hanggang sa nagka-anak ulit sila ni Cregan at ni isa sa pamilya nila ay walang nag-asikaso habang nasa labor siya, naroon kasi ang mga ito sa birthday party ng kanyang kapatid na si Febbie. Doon niya na-realize na wala siyang halaga sa pamilya niya lalo na sa asawa at anak niya. Makakaya pa ba niyang pakisamahan si Cregan at Erryc gayong hindi naman siya ang gusto nitong makasama? o mag-fi-file na lamang siya ng dibursyo sa asawa at magbagong buhay kasama ang pangalawang anak nila?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
 A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

10ShyGirl
Si Seraphina ay isang Reincarnated soul at isang Bilyonaryang CEO na Suplada at Allergic sa mga kalalakihan ang mahuhulog at mababaliw sa isang sikat at gwapong Celebrity Billionaire na si Elias Tan. Ang kanilang kasalukuyang kwento ay maraming katanongan na ang tanging mga kasagotan ay nasa nakaraang buhay. Magsisimula ang kwento dahil sa dalawang magkasintahan na kinitil ang sariling mga buhay. Matapos magpakamatay ni Brent ay nagpakamatay din si Amelia.Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng Binata kaya nagpasya din siyang taposin ang sariling buhay. Samantala, matapos ang 27 na taon ay unti unting nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip si Seraphina,mga panaginip na para bang konektado sa kanyang nakaraang buhay. Si Elias naman ay ganoon din ang nararanasan, ang managinip ng mga kakaibang scenario na puno ng mga katanongan. What if mag meet si Seraphina at Elias? Ano kaya ang mararamdaman nila sa isat-isa? Magkakaroon na ba ng mga sagot sa kanilang mga katanongan? Si Seraphina at Elias nga ba ang reincarnation ni Amelia at Brent? Mauulit ba ang nakaraang pangyayari tragically sa kasalukuyan? Sino-sino ang mga reincarnated souls?Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit natapos ang buhay Pag-ibig ni Brent at Amelia tragically? Handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang mga reincarnated souls na magpapainit ng inyong mga katawan at mapapakilig ng inyong mga puso? Alamin natin ang buong kwento.
Romance
830 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status