Midnight Rain
“Hindi mo siya kilala, Levi. Isa siyang lobo na nagpapanggap na maamong tupa. Magaling siyang magtago at umarte pero ang totoo, napakadilim ng kanyang pagkatao. Wala naman kaming plano na patayin si Ernesto. Gaya ng sinabi ko kanina, pera lang ang pakay ko sa daddy mo at kapag nakuha ko na ang kailangan ko ay aalis din kami ng mga anak ko. Pero isang gabi na sinubukan kong kunin ang alahas ng mommy mo, nahuli niya ako. Doon na nagsimula ang pangba-blackmail niya. Kung gaano siya kabait at mahinahon sa harap ninyo ay kabaligtaran niyon ang totoong kulay niya. Magaling mambilog ng ulo si Elsa. Maabilidad siya at maparaan. Sinilaw niya kami sa laki ng kayamanan ng mga Serrano. Siya ang nagplano
ตอนยอดนิยม