Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1031.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Love on the Chilling Breeze

Love on the Chilling Breeze

Line_Evanss
Bianca Samonte is a famous college instructor in department of nursing. Pinili niyang magturo kaysa ituloy ay propesyon bilang isang nurse dahil sa trahedyang nangyari noon sa kanya. Naging mailap sa lalaki, dahil rito sa edad na bente-nwebe anyos ay tinanggap na niyang tatanda na siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya sa iniisip nang alukin siya ni Mayor Madrigal na maging tutor at personal assistant ng kanyang nag-iisang tagapagmanang anak na si Darius Rhyl Frio Madrigal na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo bilang isang civil engineering student. Kararating lamang nito ng bansa at doble ang pag-iingat sa kanya dahil ito ay may amnesia dahil sa kinasangkutan na trahedyo noong bata pa. Marami nang natanggal na personal assistant ni Darius dahil kalaunay nagiging babae niya na ang mga ito at iyon ang labis na ayaw ni Mayor Madrigal. Sa isip ni Bianca na malayong matutulad siya sa mga babaeng iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila. 'Di hamak na mas matanda siya ng limang taon kay Darius. Bianca was confident na kaya niyang sanggahin ang lahat kapilyuhan at kalandian ng binata, ngunit kalaunay unti-unti na itong bumibigay sa karisma na hatak ni Darius. Laging may pangamba sa kanyang isip na makakasama ito sa kanyang iniingatang trabaho at imahe sa lipunan. Iniisip din ni Bianca na masyadong malayo ang edad nilang dalawa at maraming tao na huhusga sa kanila. Mapaglaro ang tadhana, na ang kahapong bangungot ni Bianca ay muling bumalik sa pagpasok ni Darius sa kanyang buhay. Na ang lalaking pinaglilingkuran niya ngayon ay siyang bata na kasama niya noon nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Paano kung unti-unting mauungkat ang kahapong bangungot na sisira sa kanyang pagkatao at ang nabuong pagmamahalan nila ni Darius? Taktakbo ba siya uli o lalaban na para sa hustisya at pag-ibig?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
202122232425
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status