Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
109.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 215 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Perpekto na sana ang buhay ni Aria bilang tagapagmana ng isang mayamang angkan at mapapangasawa bilyonaryong at future Mayor na si Paulo Santillanes. Ngunit sumabog ang isang madilim na lihim: hindi siya ang tunay na anak. Pinalayas, inalisan ng yaman, at pilit inilalayo kay Paulo. Ipinaglaban nila ang isa't isa, ngunit isang sinadyang aksidente ang tuluyang naghiwalay sa kanila. Inakala ng lahat na patay na si Aria. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkrus ang landas nila. Si Paulo ay isa nang malamig, walang-awa, at kinatatakutang Alkalde. Samantala, si Aria ay nabubuhay na bilang si "Melissa"—isang mahirap na dalagang walang alaala sa nakaraan at may ibang lalaking nagpoprotekta. Hindi man siya makilala ni Melissa, hinding-hindi makakalimutan ng katawan ni Paulo ang nag-iisang babaeng pag-aari niya. Dahil sa matinding selos at obsesyon, gagamitin ng Alkalde ang lahat ng kanyang kapangyarihan at yaman para ibaon sa utang ang pamilya ni Melissa at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon. Wala siyang pakialam kung limot na nito ang nakaraan. Aariin niya ito gabi-gabi, hanggang sa ang mismong katawan ni Melissa ang makaalala kung sino ang nag-iisang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Hanggang langit.
106.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 125 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Langit Sa Piling Mo

Langit Sa Piling Mo

(WARNING: MATURED CONTENT!) Buong akala niya ay nagawa niya nang kalimutan ang kanyang ex boyfriend nang iwan niya ito para makipag sapalaran sa ibang bansa. Ngunit nang hindi sinasadyang magkita sila ulit ay hindi na niya nagawa pang pigilin ang sarili nang minsang may mangyari sa kanila, isang gabi lamang noong una, hanggang sa sumunod na gabi, namalayan niya na lamang na ang bawat gabi sa piling nito ay unti-unti niya nang nakasanayan. Ngunit paano kung isang araw, malalaman nila pareho na nakatakda na palang ikasal ang kanilang mga magulang? Paano kung isang araw ay malaman niyang nakatakda silang maging magkapatid? Magagawa niya kayang patuloy na mahalin ang lalaki, gayong sa mata ng lahat ay bawal ang relasyong namamagitan sa kanila?
104.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 192 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
AKALA KO AY LANGIT

AKALA KO AY LANGIT

Warning! Bawal po sa bata! ---------- Walang pagdadalawang-isip na inialok ni Leia ang sarili niya sa sundalong si Bryle na maging asawa nito. Umasa siyang iyon ang magiging susi upang matakasan niya ang kahirapan. Subalit ang hindi alam ni Leia ay mas mararanasan pa pala niya ang hirap ng buhay kapag siya ay may asawa na. Gayunman, dahil mahal na mahal na niya ang kanyang asawa ay hindi niya ito sinukuan. Sunod-sunod man ang naging dagok ng kanilang pagsasama ay nanatili siyang tapat sa kanilang pangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang hindi inasahan ng mag-asawa ay biglang darating sa buhay nila ang isang bilyonaryo at gustong maging asawa si Leia. Ginawa nito ang lahat maagaw lamang si Leia kay Bryle. Paano kaya haharapin ng mag-asawa ang pinakamatinding hamon ng kanilang pagsasama? Malalagpasan pa kaya nila kung si Leia ay may kapansanan na at si Bryle naman ay may problema sa pag-iisip at wanted pa sa batas? Magkikita pa kaya sila at bubuo pa kaya nila ang kanilang pamilya?
108.2K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 326 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
9.925.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 976 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Ganti Ng Isang Inapi (SPG)

Ganti Ng Isang Inapi (SPG)

‎Paano kung ang babaeng itinuring mong basura noon ang siya palang magpapaluhod sa'yo ngayon? ‎ ‎"You're nothing without me." Ito ang huling sinabi ni Miguel sa asawa niyang si Betty bago niya ito ipagpalit sa ibang babae. ‎ ‎Matapos ang lahat ng sakripisyo, pagmamahal, at taon na ibinigay ni Betty, isang pagtataksil lang ang sumira sa lahat. Ang mas masakit? Nangyari iyon habang dala niya ang pinakamalaking himala ng buhay nila. ‎ ‎Akala ni Miguel tapos na ang kwento niya. Pero, nagkamali siya. Dahil nang bumalik si Betty, hindi na siya ang dating babaeng madaling apihin at balewalain. Isa na siyang Moretti-Bergman, tagapagmana ng isang billion dollar empire na kinatatakutan sa mundo ng negosyo, at may dalang sikretong kayang wasakin ang lahat ng pinaghirapan ni Miguel. ‎ ‎Ngayon, baliktad na ang laro. ‎ ‎Habang desperadong pinoprotektahan ni Miguel ang kanyang kumpanya, reputasyon, at mga kasinungalingan, isa-isa namang winawasak ni Betty ang pundasyon ng kanyang mundo. At sa bawat hakbang niya palapit sa paghihiganti, mas lumalalim ang tanong: ‎ ‎Paano kung ang babaeng itinapon mo noon ang siya palang may hawak ng susi sa iyong tagumpay at sa iyong tuluyang pagkawasak? ‎ ‎Sa larong ito ng kapangyarihan at pagtataksil, may isang bagay na hindi alam ni Miguel: Hindi lang si Betty ang bumalik. Pati ang nakaraan na pilit niyang nilibing.
27 DibacaOngoing
Baca
+Pustaka
Kung Pwede Lang

Kung Pwede Lang

Si Trixie ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at ang tanging nais ay ang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Hindi niya inakalang makikilala niya si Derrick, ang anak ng may-ari ng kompanyang kalaban ng kanyang kinilalang pamilya simula pagkabata. May pag-asa ba para sa pagmamahalan ng dalawang taong naipit sa gitna ng magkalabang pamilya? Ipaglalaban ba nila ang pagmamahalan para sa isa't-isa? O kakalimutan na lamang ito para sa katahimikan ng mga buhay nila?
1019.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 663 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Anghel de Puta

Anghel de Puta

Si Margarita Pelaez o Greta ay namamayagpag bilang most sellable prostitute sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang pangyayari ang nagpatigil sa kaniya sa pagbebenta ng aliw. Nabuntis siya ng kustomer niya na akala niya'y may pagtingin din sa kaniya. Sinubukan niyang ipakilala ang bata sa sinapupunan niya kay Parker Sherlock na nakabuntis sa kaniya. Sa halip na tanggapin ay ginahasa at sinaktan siya ng lalaki sa araw na iyon. Limang taon niyang tinago ang anak niya sa lalaking nagwasak ng puso niya at nagdulot ng trauma sa kaniya. Subalit, ano ang mangyayari kung tadhana na ang magpapasya sa muling pagku-krus ng landas nina Greta at Parker? Sa pagkakataong ito, ipapakilala pa ba ni Greta ang bata sa ama nito o ibabaon niya ang katotohanang anak ni Parker sa kaniya na isang Anghel de Puta ang bata?
1013.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 510 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Pahiram ng Isang Sandali

Pahiram ng Isang Sandali

All these years ay napaniwala si Aubrey sa isang malaking kasinungalingan. Mahal pa rin pala niya si Anthony, ang lalaking tinalikuran niya sa araw ng kanilang kasal. Ngunit paano niya maibabalik ang tiwala at pagmamahal nito kung may iba ng nagmamay ari ng puso nito? Ang kanyang Ate Lindsay, ang kanyang kapatid na sumagip sa buhay niya nuong siya ay fifteen years old pa lamang. Makakaya ba niyang traydurin ang taong pinagkakautangan niya ng kanyang buhay? At paano kung ang lahat ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ay ang siya rin palang sumisira sa buhay niya?
10741 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 20 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
1029.7K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 832 kali sebagai paano palakihin ang are
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
1516171819
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status