กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

The first time Daphne and Steven met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita sa isla na pagmamay-ari ni Steven sa Albay ay kinailangan pa niyang magtahi ng kwento para lamang manatili siya roon ng matagal. Bukod dun ay may matinding atraso siya rito. Ngunit mas lalong nagalit si Steven sa ginawa niya kaya balak siya nitong ipakulong. Paano kung unti-unti na siyang napapamahal rito pero balak pala na ibenta ni Steven ang isla na tila paraiso na nagugustuhan niya na? Sapat na kaya ang pag-ibig ni Ryse para iligtas ang kanilang paraiso at ayusin ang kanilang mga nabasag na nakaraan, o ang mga anino ng panlilinlang ay maghihiwalay sa kanila magpakailanman?---
Romance
720 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10255 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The One Night Stand

The One Night Stand

This story has an adult activities that prohibited from minors 🔞 you can read this with your own risk. Ito ang kwento ng isang babae na niloko ng kan'yang kasintahan at ng isang lalaking na in love agad sa kan'ya nang una n'ya itong makita sa isang bar. Ang simula ng kanilang kwento ay nagsimula sa isang bar kung saan sila unang nagkasiping. Tunghayan ang kwento nila Frederick Santiago at Freya Fuentabella. Enjoy readings! Note: My work is not really perfect so expect those typological and grammatical errors inside sa story.
Romance
3.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.6K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Romance
103.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Pervert husband is a boss

My Pervert husband is a boss

Para kay Xian Leem, ang salitang patawad ay higit pa sa simpleng pagbibigay-laya at isa itong pangako na hinihintay niyang marinig mula sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Katharine Orteza. Isang matapang at pursigidong babae na walang takot humarap sa kahit anong pagsubok sa buhay. Ngunit ang kanilang unang pagkikita ay hindi naging maganda. Isang hindi inaasahang insidente ang naganap. Isang kilos na hindi napigilan, na nagbago ng takbo ng kanilang buhay. Sa gitna ng inis, hiya, at mga lihim na damdamin, sisimulan nila ang isang kwento ng pagkamuhi... na maaaring magtapos sa pag-ibig.
Romance
10232 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Mafia Boss and His Muse

The Mafia Boss and His Muse

"The Mafia Boss and His Muse" Si Ysabella Fuentes ay isang ambisyosong babae na handang gawin ang lahat upang maiahon ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Nang matanggap siya bilang personal secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro, ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries, hindi niya inaasahan na mabubuksan ang pinto ng isang madilim at mapanganib na mundo. Si Zachariel ay hindi lamang isang makapangyarihang negosyante—siya rin ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa bansa, ang Montenegro Mafia. Sa kabila ng kanyang malamig na ugali at walang-awang reputasyon, natagpuan ni Bella ang isang lalaking puno ng sugat mula sa kanyang nakaraan, naghahanap ng dahilan upang muling magtiwala at magmahal. Habang nalalapit ang dalawa sa isa’t isa, unti-unting nalantad ang mga lihim na bumabalot sa buhay ni Zachariel, at si Bella ay naipit sa gitna ng alitan ng kapangyarihan, taksil na alyado, at mga kalabang walang awa. Ang kanilang pagmamahalan ay sinubok ng panganib at pagdududa—isang relasyon na maaaring magdulot ng kaligtasan o kapahamakan. Sa gitna ng baril, dugo, at pag-iibigan, mapapatunayan ba ni Bella na siya ang muse na magpapabago sa takbo ng madilim na mundo ni Zachariel? O masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim na hindi kayang takasan ng Mafia Boss? "The Mafia Boss and His Muse" ay kwento ng laban para sa pagmamahal, pagtitiwala, at pag-asa sa kabila ng dilim at panganib.
Mafia
711 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Guarding the Badboy

Guarding the Badboy

Everybody wants to be protected. Everybody wants to be secured. Sa bawat kwento, pag isa kang "importanteng" tao, your life will be filled with threats kaya may mga taong papaligid sa iyo para protektahan ka, the guardians. Minsan, o di kaya halos lagi nalang, the damsel in distress ang laging prinoprotektahan. Nangangarap ng kanilang "Prince Charming" o di kaya ng isang "Knight in Shining Armor" ...pero ngayon, papatunayan ko sa inyo na ang isang babae ay kaya ring protektahan ang isang "importanteng" tao... yun nga lang... ...he's a badboy. I am guarding the badboy at ito ang aking kwento.
Romance
106.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
MY EX-UNCLE OWN ME

MY EX-UNCLE OWN ME

"From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Zamara Lopez ang mga salitang ito, mula pagkabata hanggang sa siya ay maging ganap na dalaga. Anak siya ng isang simpleng magsasaka, namuhay nang payak, ngunit isang lalaki ang nagpabago sa takbo ng kanyang kapalaran—si Davis Santillian. Dating itinuring niyang tiyuhin, ngayon ay tinatawag niyang "ex-uncle." Ngunit bakit? Ano ang nangyari sa pagitan nila na nagpabago sa kanilang relasyon? Sa edad na 30, si Davis ay isang makapangyarihang negosyante na may madilim na nakaraan, at si Zamara, na ngayo’y 22, ay isang babaeng pilit iniiwasan ang anino ng kanyang nakaraan. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, hindi na siya bibitawan ni Davis. Isang kwento ng pag-ibig, pag-aari, at mga lihim na pilit itinatago ng nakaraan. Totoo bang may kalayaan si Zamara, o sadyang hindi niya matatakasan ang lalaking minsan niyang itinuring na pamilya?
Romance
103.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Exes Secrets (Love ko Ex ni Misis)

Exes Secrets (Love ko Ex ni Misis)

Romcom Family Story Ang Nakakatuwa at Nakakaiyak na kwento ng pag ibig Sadya bang mapaglaro ang tadhana? O' sadyang hindi ito ang itinidhana. Sabi nila tayo ang gumagawa ng tadhana natin pero bat ganun minsan di naayon sa gusto mangyari ang dapat na mangyari. Kaya mo bang sumabay sa agos ng buhay pano kung ang agos ay nasa dalawang ilog kaya mo bang mamangka ng sabay . Hanggang kailan kaya ka lalaban Hanggang kailan kaya mong tiisin. Kasinungalingan nga ba ang paraan ng matibay na relasyon. Si Ace or Francisco Baltazar ay galing sa broken family .Nag aral eto sa Perpetual Novaliches Integrity School dito niya nakilala si Isay o Ysabelle kanyang unang pag ibig at pagkabigo at si Alex o Alexander isang lalaki na dati ay mortal na magkaaway na kinaulanan ay nagkaroon sila ng relasyon ilang pangyayari ang nagibg dahilan para si Alex at ace ay magkahiwalay,may gusto na si Alex kay Isay dati pa. Kinalaunan ay nagpakasal si Ysabelle at Ace , mahabang pangyayari at nagkaroon din ng relasyon na si Alexander/Alex at Ysay . Ano nga ba ang sikreto na maluluntad ano nga ba ang rebelasyon na ikakasakit para isa.Magkakaroon nga ba ng happy ending si Ace or Ysabelle? Ating subaybayan ang kwento na makakapagbigay Ngiti at Magbibigay ng hapdi sa ating mga puso. Mabigyan ng aral ang bawat magbabasa neto.
Romance
102.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
454647484950
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status