Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Amanda, ngunit ito rin ang nagdala sa kanya sa masaya at magandang buhay. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkalimot niya sa kanyang nakaraan at mabuhay ng iba ang katauhan. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang niya nakilala ang isang Jeremy Dawson. Ang Hot and Gorgeous Hotelier na isa rin sa Founder ng Hotel sa Venice Italy kung saan siya nag-attend ng OJT. Dahilan rin ito kung bakit nagsimulang malito ang kanyang puso. Ngunit hindi niya maitatanggi na ito rin ang nagturo sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nanaisin pa ba niyang balikan ang kanyang nakaraan upang makilala ang sarili o mananatili na lang sa buhay na puno ng kasinungalingan? Paano kung ang katotohanan pa lang ito ang mas higit na sisira sa kanyang pagkatao? Gugustuhin pa ba niyang malaman ang totoo o mas gugustuhin pa niyang baguhin na lang ang kanyang kapalaran? ___ Kaya ating tunghayan ang laban ng dalawang pusong nagmamahal. Ngunit walang kalayaang ibigin ang isa't-isa. Dahil sa pag-ibig palaging may nasasaktan at nagdurusa. ***** By: LadyGem25 06-28-22
Romance
7.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
Romance
9.241.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1021.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Passionate Hunter

The Passionate Hunter

Ellie Kim
Kinailangan ni Yuan ang tulong ni Pamela dahil tanging ito lamang ang nakakaalam ng pasikut-sikot bundok na ibig niyang akyatin. Noong una ay duda pa siya sa motibo ng lalaki pero kalaunan ay napapayag siya nitong maging guide. May hinahanap ito ngunit hindi nito sinasabi sa kaniya kung ano iyon. Inis siya kay Yuan ngunit sa kalaunan ay nahulog ang loob niya rito, lalo na nang sabihin nito sa kaniyang maganda siya. Wala pang nagsasabi ng ganoon sa kaniya dahil baguhan siya sa larangan ng purihan at bolahan. Ang munting paglalakbay nila ay nauwi sa sandamakmak na peligro. Lalo tuloy silang naging malapit sa isa’t isa… Hanggang sa dalhin siya nito sa Maynila. Pero pagdating nila roon, tila hindi na ito nagagandahan sa kaniya. Pangkabundukan lang yata ang kaniyang alindog.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
 THE SCHOLAR (TAGALOG)

THE SCHOLAR (TAGALOG)

Hanggang saan ka magsisikap na maabot ang iyong layunin? Nagawa mo bang ipagkanulo ang iyong mga kaibigan- kahit na hindi ka kamukha ng taong gagawa ng ganoong bagay? Gutom sa tagumpay at papuri, si Lily Jenkins ay tumanggap ng alok mula sa isang napakatagumpay na paaralan. Dahil sa kasakiman at pananabik ay nagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin, na kung saan ang kanyang pagkakasala ay aatake sa kanya mamaya. Papayagan ba niya ang isang punong guro na ayusin ang kanyang kapalaran? O subukang umasa sa kanyang mga kaibigan kahit na hindi sila masyadong mapagkakatiwalaan? Alamin sa SCHOLAR, isang memoir kung paano makukuha ng paaralang ito ang kanilang mga estudyante sa kanilang mga marahas na bersyon. Batay sa totoong buhay na mga sitwasyong pang-akademiko, dadalhin ka ng maikling novella na ito sa isang kapanapanabik na paglalakbay nang walang mga bobong karakter, ngunit may mga taong mapaglihim na maaaring maging ang pangunahing tauhan, o maging ang may-akda mismo. Is she really a psychopath?
Mystery/Thriller
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Lost in the Maze: Elias de Marcel

Lost in the Maze: Elias de Marcel

Si Atasha Celestine ay isang dalagang hindi nagpapahiwatig ng anumang damdamin o interes sa ibang mga lalaki. Sa loob ng labing-apat na taon, buong puso niyang inilaan ang kanyang pagmamahal kay Elias Al Tiera de Marcel. Mula pa noong sila'y nasa high school hanggang sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo, at maging sa panahon na sila'y may kanya-kanyang trabaho, hindi nagbago ang kanilang pagsasama. Para kay Atasha, ang pag-iisang dibdib na lamang ang hinihintay sa kanilang relasyon, at kuntento na siya sa buhay na mayroon sila. Subalit, sa kabila ng labing-apat na taong pagsasama, hindi pa rin niya nakakamtan ang anumang pangako ng panghabambuhay na pagsasama. Dahil wala pang singsing na nagbibigay katiyakan, maaaring isipin ng iba na hindi sila magkakatuluyan. Nag-alay siya ng lahat para kay Elias, ngunit sa kanilang mahabang paglalakbay, dito niya nadama ang kakulangan.
Romance
6.56.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Pulang Kuwintas

Ang Pulang Kuwintas

Whiteknight Magico
Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, senorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? ‘Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian… Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?
History
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Disguised Billionaire

The Disguised Billionaire

Sa mismong araw ng masaya niyang kaarawan, excited si Jessica na ianunsyo ang kanyang engagement. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang magiging fiancé, ngunit nang dumating ito, hindi siya nag-iisa. Sa harap ng lahat, ipinakilala ng lalaki ang babaeng kasama niya—hindi bilang fiancée, kundi bilang kanyang tunay na kasintahan. Napahiya at pinag-usapan si Jessica ng kanyang mga bisita. Dahil sa matinding kahihiyan, tumakas siya palayo. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa isang malayong probinsya, kung saan nakilala niya ang isang simpleng mangingisda na si Darius. Sa kabila ng sakit ng nakaraan, unti-unting gumaan ang kanyang loob kay Darius. Dahil sa kabutihang ipinapakita nito, hindi niya napigilang mahulog sa kanya. Ngunit isang araw, natuklasan niya ang matagal nang lihim ni Darius—isang rebelasyong lubos na ikinagulat niya. Ipagpapatuloy pa rin ba ni Jessica ang pagmamahal sa lalaking bumago sa kanyang buhay? O tatakasan niya ito, tulad ng pagtakas niya sa kanyang engagement party?
Romance
1080.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status