Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Martyr Wife

The Billionaire's Martyr Wife

"Ngayong dumating na siya, saan ako lulugar sa buhay ng aking asawa?" Tatlong taon nang mag-asawa ang kilalang doktor at ObGyne na si Xoe Madrigal at ang CEO ng Accounting Firm na si Jake Aragon. Ngunit ang masayang pagsasama ay napalitan nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Jake na si Kendra Miller. Paano kahaharapin iyon ni Xoe lalo na kung malalaman niyang nagdadalang-tao ang babaeng iyon kay Jake? Hanggang saan susubukin ang kanyang pagmamahal sa lalaki?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
Romance
9.722.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

Nangako si Alessandra na si Fredrinn lamang ang pakamamahalin at aalayan ng sarili habambuhay matapos nitong iligtas siya mula sa isang sunog. Pinakasalan siya ng lalaki, ngunit agad rin sinundan ng trahedya– ang biglaang pagkasawi ng kaniyang ama at madrasta. Sa gitna ng pagdadalamhati, unti-unting lumabas ang tunay na kulay ng kaniyang asawa. Sinaktan, ipinagpalit sa ibang babae, at pinatay para lang makuha ang kaniyang kayamanan. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang kaniyang kapalaran. Pipigilan niya ang sarili na mahulog sa kamay ng lalaking sumira sa kaniya. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, ang mukha ng lalaking pinakaayaw niya ang bumungad sa kaniya– si Rafael Villareal, ang kaniyang stepbrother. Paano kung sa muling pagtibok ng kaniyang puso, ay sa maling tao pa rin siya mapunta? Paano kung handa na siyang piliin ng taong mahal niya, ngunit ang kapalit ay ang pagkasira ng sariling pamilya? Ipaglalaban niya ba ang pag-ibig, o susuko na lang sa itinakda ng tadhana?
Romance
10283 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionairess Ex-Husband

The Billionairess Ex-Husband

Si Asteria Bellamy ang future CEO ng kanilang kompanya, ngunit para makuha niya ang posisyon na hinahangad niyang lakbayin ang iba't ibang bansa at makakuha ng mga bagong kaalaman para sa kanilang negosyo. Kayanin niya kaya ito kung ang magiging tourist guide niya ay walang iba kundi si Gray Anderson, ang dating niyang mister? Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa lalo na at engage na ito sa ibang babae? Makakaya ba niyang isakripisyo ang sariling puso niya para sa posisyon na inaasam, o hahayaan itong mawala sa mga kamay niya at bumalik na lang sa dati niyang negosyo na maliit na flower shop? Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama sa nakaraan ay magdulot kaya ulit ito upang sila ay magkabalikan? O itatapon na lang nila ito na parang walang pinagsamahan noon? Mapigilan kaya nina Asteria at Gray ang kanilang sarili na umibig muli sa isa't isa? O tuluyan na silang tatangayin ng alon ng pag-ibig at pagkasabik sa isa't isa?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unrequited Love

The Billionaire's Unrequited Love

Ang tanging gusto lang ni Hastiana Florence sa buhay niya ay mapansin at mahalin ng isang Connor Sullivan kagaya ng pagmamahal niya para dito kaya naman ibinigay niya ang sarili niya dito sa pag-aakala na magiging parehas ang nararamdaman nilang dalawa pero nangangarap lang pala siya dahil kahit kailan ay hindi nito kayang suklian ang pag-ibig niya. Napuno siya ng lungkot at takot lalo na nung nalaman niya na nagbunga ang ginawa nila ni Connor. Upang maiwas sa kahihiyan ang mga magulang ay mas pinili niyang magpakalayo nalang at kalimutan ang lahat. Paano kung isang araw ay magparamdam si Connor sa kaniya?
Romance
1011.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Honey, I don't want the Crown

Honey, I don't want the Crown

Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa. Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa. Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Romance
10507 viewsOngoing
Read
Add to library
Secret of His Wife

Secret of His Wife

Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Night with My Stepson

Wild Night with My Stepson

Totoy
Isang gabing pagtatagpo, kapwa nahanap ni Chrisia at Errol ang comfort sa isa't isa. Nadala ng init ng gabi at natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't isa. Nagbunga ang gabing iyon at pinili niyang itago ang bata. Lumipas ang limang taon, kasal na siya kay Michael, tinanggap nito ang bata ngunit nalaman niyang si Errol ay ang long lost son ng kaniyang asawa. Hanggang kailan niya itatago ang katotohanan? Paano kung magising na lang siyang nahulog na ang loob niya sa kaniyang stepson? May mga sikretong mabubunyag pero hanggang saan tutungo ang maling pagmamahal?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status