Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BAD ROMANCE, SWEET VENGEANCE

BAD ROMANCE, SWEET VENGEANCE

All she dream of is to marry a man she loves, and to build a complete family with that man. Ngunit sa araw ng pinapangarap na kasal, hindi niya alam na mababago ang lahat. Sinira ng babaeng minsan na niyang pinagselosan ang araw na matagal nilang pinaghandaan, at nabunyag ang kataksilan ng lalaking sana ay siya niyang makatutuwang sa buhay. Alam ni Caroline ang pakiramdam na maging unwanted child, dahil siya mismo, naranasan iyon. Kaya nang sabihin ng babaeng iyon na ipinagbubuntis nito ang bunga ng kataksilan ng nobyo niya—itinigil niya ang kasal. Pirma na lang sana ang kulang. Pipirma na lang sana si Jordan… Pero luhaan niyang nilisan ang lugar. Ipinaubaya niya ang lalaking minamahal, at nagpakalango siya sa alak. Para lang magising sa estrangherong lugar, at mabuntis ng estrangherong iniligtas niya sa inaakalang pagpapatiwakal. Sino nga ba ang ama ng dalawang supling na naging bunga ng isang gabing pagpapakalunoy niya sa kabiguan, na nag-take advantage sa kaniyang kalasingan? Darating pa kaya ang panahong may maipakilala siyang ama sa kambal na naging bunga ng isang gabing kapabayaan, gayong ni hindi niya maalala ang pagmumukha ng lalaking iyon?
1010.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 334 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
Oops! Our Accidental Babies Made Us One

Oops! Our Accidental Babies Made Us One

Isang beses lang na nakatalik ni Eiden si Kiara at nabuntis niya ito pero inakala niyang isa itong bayarang babae kaya nagpasya siyang nakawin ang kanilang anak dito. Buong akala naman ni Kiara ay namatay ang kaniyang kambal dahil sa kumplikasyon. Pagkalipas ng limang taon, nagtagpong muli ang kanilang mga landas. Natipuhan ng kambal si Kiara kaya inalok siya ng mga ito ng trabaho bilang “Mommy” nila. Kailangan naman ni Kiara ng sariling pamilya upang mapanatili ang kaniyang trabaho at sa wakas ay makuha ang promosyon na pinaghirapan niya nang husto. Nagkaroon sila ng kasunduan at naganap ang isang biglaang kasal sa pagitan nina Kiara at Eiden. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng katotohanang si Kiara ang ina ng kambal at si Eiden naman ang lalaking sumira sa buhay nito. Sa oras na lumabas ang katotohanan, may pag-asa pa kayang mabuo ang isang masaya at kumpletong pamilyang ninanais ng kambal o magiging mitsa iyon ng tuluyang pagkawasak ng kanilang pangarap? Paano nila tutulungan ang daddy nila na mapaibig ang kanilang totoong mommy? Magtagumpay kaya silang pag-isahin ang mga taong dahilan kung bakit sila nabuo?
15 viewsOngoing
Read
+Library
The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER

The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER

Tinakasan ni Valeen Alicia Flores ang plano ng ama niya na ipakasal siya sa anak ng matalik nitong kaibigan. Matagal ng may gusto sa kanya si Allan pero hindi niya ito gusto kaya lumayas siya at napadpad sa Maynila sa tulong ng dating yaya niya. Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya at nakilala niya ang kaibigan ng amo niya na si Anton Drake Samaniego. Isang gwapo, batang bilyonaryo, mayabang, arogante at higit sa lahat galit sa pangit. Balatkayo lang ang lahat para makapagtago si Valeen dahil sa likod ng pangit na mukhang yun ay nagtatago ang isang dalagang kaakit akit at gumulo sa mundo ni Drake. May pag-asa bang magkaroon ng happy ending ang kwento ni Valeen at ng Bully niyang lover?
1021.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 626 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
Love is Dead

Love is Dead

TheCatWhoDoesntMeow
DE GUIA SERIES 2: Love is Dead Cheating is never in Alyson's dictionary. Kilala siya sa angkan ng mga De Guia bilang dakilang Ambassadress ng Pag-ibig. Kaya naman emotera siyang nag-itim at nagpa-reserve ng puntod nang madiskubreng niloloko siya ng nobyong si Ramon - ang lalaking tunog-kanto ang pangalan pero may abs. Ang malaking problema niya: Paano siya magwawala at maghihisterya sa pait ng pag-ibig gayong Triple A lang ang karakas ng baterya niya? Sino ang tutulong sa kanya sa paglilibing ng feelings kung buntis at baliwag ang masasandalan niyang pinsan na si Erin? At paano siyang hindi madi-distract sa aali-aligid na bigote at abs ni Noonie Valderrama? Love is dead. Or does it really die?
101.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 61 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
103.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 83 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
The Billionaire's Masked Desire

The Billionaire's Masked Desire

Isang bagyo ang saksi sa pagkawala ni Saphira, ang batang isinilang pero agad ding nawala sa piling ng pamilya niya. Lumaki siyang ampon ng mga Imperial, tagabantay lamang ng anak nilang si Danica ang dalagang bulag na muling nakakita pagdating ng ika-labingwalo nitong kaarawan dahil sumailalim sa isang operasyon. Sa araw ng pagbabalik ng liwanag ni Danica, natagpuan naman ni Saphira ang tunay niyang pamilya… at ang lalaking magpapabago sa buhay ni Saphira, si Lior Del Fierro, isang business tycoon na masyadong misteryoso para pagkatiwalaan, ngunit imposibleng hindi maramdaman. Ngunit paano kung sa pagbalik ng kanyang nakaraan… ay ang lalaking minamahal niya rin ang dahilan kung bakit siya nawala noon?
496 viewsOngoingIdinagdag sa Library 12 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

Warning ⚠️ SPG 🔞 Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa fiancée nitong si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay?
108.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 245 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

SAAN KA NGA BA DADALHIN NG TAPANG MO KUNG PUSO MO NA ANG MAGING DUWAG AT MAGING MAHINA ? MAGPEPRETEND KA PARIN BANG MATAPANG KUNG SA LOOB MO AY PINANGHIHINAAN KANA NG LOOB? TULUYAN KA PARIN BANG MAGTATAGO SA PAGKATAONG KAHIT IKAW ALAM MO SA SARILI MO NA NAGTATAGO KA SA ANYO NG KATAPANGAN PERO KABALIKTARAN NAMAN NG NAKIKITA NG KARAMIHAN?  PAANO KUNG DUMATING YUNG TAONG MAGPAPALAMBOT AT MAGPAPADAMA SAYO NG TUNAY NA PAGMAMAHAL PERO LAHAT NG IYON AY MAY HANGGANAN? SUSUGAL KA BA O PATULOY MO NALANG IDADAAN SA KATAPANGAN KAHIT ALAM MONG IKAW LANG ANG MASASAKTAN?
10899 viewsOngoingIdinagdag sa Library 24 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
Destined to be Hurt

Destined to be Hurt

Eli
Si Paul ay anak ng isang Pastor kaya takot siyang gumawa ng mga bagay na hindi maganda sa paningin ng tao at ng Diyos. Ngunit nang nagsimula siyang umibig at nabigo ng maraming beses ay nagbago ang lahat sa kanya. "I was destined to be hurt," he said. Then he became a black sheep of the Family. He met a beautiful woman with a good heart and God -fearing. Isang babaeng wala ng magulang ngunit nanatiling matatag para mabuhay. Mababago kaya ng babaeng ito ang pananaw ni Paul sa kanyang buhay? o maging dahilan siya upang tanggapin na lang ni Paul na naitadhana talaga siyang masaktan.
102.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 70 Beses bilang pagsakit ng puson
Read
+Library
The CEO's Virgin Whore (SSPG)

The CEO's Virgin Whore (SSPG)

Sa umaga, isa siyang tahimik at masipag na sekretarya na parang anghel kung tignan. Pero pagsapit ng gabi, nagiging Virgin Whore siya—isang babaeng kilala sa ilalim ng mundo ng luho at tukso, kung saan katawan at kasiyahan ang puhunan para mabuhay. Walang nakakaalam ng kanyang lihim. Hanggang sa mahuli siya ng kanyang mapaglarong boss. Akala niya katapusan na ng lahat. Ngunit imbes na isumbong siya, inalok siya nito ng isang delikadong kasunduan. Mula sa pagiging boss at empleyado, magiging sila ba ang perpektong magka-FUBO? O ang larong nagsimula sa tukso ang sisira sa mga pusong hindi dapat umibig?
15 viewsOngoing
Read
+Library
PREV
1
...
3940414243
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status