BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)
Kung hindi dahil sa inyo, kung hindi niyo tinatangkilik ang mga kwento ko lalo na itong HIS VILE CRAVING, wala ako rito ngayon.
Hindi po ganun kalaki ang kinikita naming mga non-exclusive writer kapag kami ay nagsusulat kaya bukod po sa pagsusulat ay nagtatrabaho rin po ako. Isa po akong ina na may responsibilidad kaya't sa mga nagbabasa po ng BEHIND THE BLINDFOLD, humihingi po ako ng mahabang pasensya kung hindi ako palaging nakakapag-update. Ginagawa ko naman po ang aking makakaya lalo na sa pagsusulat kapag ako ay may libreng oras. Sa mga working mom po na tulad ko, alam naman po natin na pag-uwi sa bahay mula trabaho ay hindi pa roon natatapos ang pagiging isang ina. Kaya sa lahat ng wor