LOGINOvernight
Nandito pa rin kami sa library, sinakop namin 'yong isang table. Katabi ko si Lucas, kaharapan ko si Seb na katabi naman si Niccolo. Ilang makapal na thesis naman ang nakapatong sa table.
"Tinatamad na ako, malalim na tagalog nga hindi ko maintindihan so how can they expect me to understand this shit!? Hindi ba puwedeng tagalog na lang ang thesis? Kainis." reklamo ni Seb habang padabog na isinara ang isang makapal na thesis.
"Sabihin mo na lang na bobo ka." sabat ni Niccolo.
"Bobo ako, happy ka na?"
"Ulitin mo nga, i-re-record ko lang." itinapat ni Niccolo kay Seb ang cellphone nito.
"Kung bobo ako, Mas bobo ka."
"Pakyu."
"Nag-aaway pa kayong dalawa d'yan, wala naman kayong ambag sa thesis natin." reklamo ko na pabiro lang naman.
"Hoy! Sinagot ko yata 'yong limang sweet and spicy na pancit canton at tatlong RC last time no'ng overnight kina Lucas!" sumbat ni Niccolo.
"Dapat lang, pera lang naman ambag mo sa pagbubuhat namin sa'yo, eh." sabi ni Lucas na pabiro.
"Hay nako Niccolo," sabi ni Seb sabay akbay kay Niccolo. "Buti pa ako hindi pabuhat."
"Gagu isa ka rin! Ambag mo lang kuwento atsaka puro reklamo!" sabi ni Lucas sa kaniya.
"Ha! Tumulong yata ako sa pag assemble no'ng robot!" ani ni seb.
"Hoy ako rin! Ako pa nga namili ng mga gamit doon!" sabat ni Niccolo.
"Hoy basta ako gumagawa ako d'yan, ah!" sabi ko.
Normal na yata sa isang grupo ang magsumbatan lalo na kapag thesis ang pinag-uusapan. Hindi rin naman siguro mawawalan ng pabuhat sa mga ganito, hindi naman din kasi lahat kaya ang isang bagay, minsan napipilitan lang. O sadyang may mahihina lang talaga na kailangan tulungan pero iyong iba kasi abusado. Kapag alam nilang mabait ka't maunawain ay inaabuso.
"Sabi na nga ba nakakasira ng pagkakaibigan itong thesis, eh! Itigil na natin 'to bago pa tuluyang mawasak ang samahan natin." sambit ni Niccolo.
"Gumawa na nga lang tayo...tignan niyo pinapa revise 'yong economic feasibility at risk assessment and analysis sa chapter four." sabi ko sa kanila.
"Pambihira pati rin 'yong objectives of the study; 'Objective naming makapagtapos pero bakit sumasapaw kayo?' gano'n dapat ilagay natin dito, eh!" reklamo ni Seb.
Para saan nga ba ang mga ganito? kung tutuusin ang mahal ng tuition tapos ang mahal pa ng gagastusin mo sa isang capstone project at 'yong mga ilang beses na pagpapaprint dahil sa revision ng ilang chapters. Ang masakit pa roon ibabagsak ka nila after lahat ng ginastos niyo...para saan nga ulit ito? Creativity and knowledge? e di sana nag-drawing o nag-painting na lang ako mas madali pang i-explain 'yon sa mga panel.
Matagal din na katahimikan ang bumalot sa aming apat.
"Bakit ang buhay parang paulit-ulit na cycle?" nang marinig ng tatlo ang sinabi ko, napatigil sila sa kanilang ginagawa at tumingin sa akin.
"Mag-aral ka ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho tapos magtrabaho ka ng mabuti hanggang sa mamatay ka." sabi ko sa kanila.
"May point ka roon, ah? Mag-aral, gru-ma-duate, magtrabaho, mag-asawa, magka-anak, mamatay, tapos uulit, ulit." sabi ni Niccolo
"Kaya nga you only live once!" sabat ni Seb.
"Ahh, kaya pala may isa kang babalikan na subject...tama tama you only live once." sabi ni Lucas kay Seb.
"Atsaka, you only die once; you live every day dapat." sabi ko.
"Pake ko! Hindi pa ba tayo aalis dito? Nabuburyong na ako!" reklamo ulit ni Seb.
"Aalis tayo kapag may nagawa na tayo." sabi ni Lucas sa amin.
"Picturan na lang natin 'yan Lucas tapos overnight na lang ulit kina Niccolo!" alok ni Seb.
"Tapos ano? wala na naman tayo mapapala niyan?"
"Meron 'yan! Dali na!"
Dahil walang nagawa si Lucas, nilabas namin ang mga cellphone namin at pinagpi-picture-an ang mga piling chapters' ng thesis. Oo alam namin bawal ito pero sure naman din kami na ganito rin ginawa ng iba, kaya hindi lang kami ang puwedeng sisihin.
***
Sa isang subdivision nakatira si Niccolo. 'yong kuya niya nasa UK, doon nagtatrabaho bilang isang nurse. 'yong mama naman niya ay isang missionary nurse na naka destino ngayon sa africa. 'yong papa naman niya ay deads na pero dating dentista raw 'yon.
Sabi ni Niccolo kaya lang naman daw siya nag-aral sa isang public university ay dahil kapag sa pang mayaman siyang university nag-aral, hindi na siya puwedeng magyabang na mayaman siya. Hays rich kids and their egos.
"Buti na lang talaga bumili ako ng itlog na maalat kanina!" sabi ni Seb habang nilalabas ang limang itlog na maalat at apat na kamatis na pinag awayan pa nila ni Niccolo sa pagbili.
"Pambihira naman Lance sabing huwag na 'yan eh! Kung hotdog na lang o pancit canton e di mas okay pa!" reklamo ni Niccolo.
"Hotdog? Pancit Canton? Ano ka highschool-er?!" bulyaw ni Seb.
"Pambihira may nag-oovernight bang pagkain nila itlog na maalat? Atsaka hindi ako kumakain niyan!"
"Ang arte mo naman!"
"Kaninong bahay ba 'to? Sa inyo ba?"
"May sinabi ba akong sa amin 'to, ha?"
"Pambihira! Okay na 'yan nandiyan na 'yan, eh!" awat ni Lucas sa dalawa.
Para maiwasan ang maingay nilang bardagulan sa pagkain, eh, pinagluto ko na lamang si Niccolo ng pritong manok. Nadamay pa nga rin ang nananahimik na balut dahil pinipilit ni Seb na pakainin no'n si Niccolo...pampatalino raw kasi 'yon.
Iniwan na ako mag-isa ni Niccolo sa pagluluto dahil nagsaing pa siya gamit ang rice cooker. Si Lucas at Seb naman nasa may lamesa ginagawa na 'yong itlog na maalat na may kamatis. Hindi ko namamalayan na napapangiti ako habang nagluluto dahil siguro nararamdaman ko na hindi ako mag-isa. Hindi ako kakain ng mag-isa ngayong gabi.
Bigla-bigla, eh, nagsimulang kumanta si Seb ng awitin ng parokya ni edgar. Sinabayan naman siya ng dalawa sa pagkanta kaya lalong umingay.
"'wag na nating idaan sa maboteng usapan, lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan..." pagkanta ng tatlo.
Sige, kakalimutan ko muna ang miserable kong buhay. Dapat chillax lang muna Jaq, walang rason para lumabas 'yong demonyo d'yan sa loob mo lalo na sa mga oras na ito. Dapat masaya lang, dapat happy-happy lang.
At ayon na nga, nakisabay na rin ako sa pagkanta nila.
"O, diyos ko! Ano ba naman ito, 'di ba tang ina! Nagmukha akong tanga, pinaasa niya lang ako! Letseng pag-ibig 'to oohh oohh! O, diyos ko! Ano ba namaaaan ito oohh oohh oohh!"
"Para tayong lasing, wala pa naman tayong naiinom hahaha!" sabi ko.
Sana ganito na lang palagi...kakanta ka kasama 'yong mga tropa mo tapos kakalimutan saglit 'yong miserable mong buhay. Sana ganito na lang palagi.
"Pasensya na, sayang boses ko, eh, walang makantahan." sabi ni Seb.
"Ayos lang, kami lang naman nakakatiis d'yan sa pangit mong boses, eh!" bwelta ni Niccolo.
"Gagu, singerist ako! Ikaw pangit na nga pati boses pa!"
"Namemersonal ka na, ah?!"
Tinawanan lang namin si Niccolo, si Seb naman natatawa habang nagsosorry sa kaniya.
"Hindi ba nagkaroon ka ng syota na third year tapos I.T din? anyare pala roon, pre?" tanong ni Lucas kay Seb.
"Alam mo kung bakit sila naghiwalay?" sabi ko.
"Bakit?" tanong no'ng dalawa.
"Ganito raw kasi 'yon...sinabi to sa akin no'ng ex niya, ah! No'ng makasabay ko magbayad ng tuition."
"Pakyu! Subukan mong i-kuwento!" sabi ni Seb habang tinatakot ako sa hawak niyang kutsilyo na ginamit niya sa paghiwa ng kamatis.
"Ganito kasi 'yon...sabi niya...Jaq, kinakausap ko siya nang matino pero hakdog lagi sinasagot sa akin!" sabi ko habang ginagaya 'yong boses ng ex niya.
"HAHAHAHAHAKDOG!" pang-aasar no'ng dalawa kay Seb.
"Pakyu kayo hindi gano'n 'yon! Pakyu ka Jaq!" naiinis na sabi ni Seb.
"Kaya pala ayaw mo ng hotdog, ah!" sabi ni Niccolo pero nag-dirty finger lang sa kaniya si Seb.
"Joke lang 'yon, joke lang 'yon! Biro lang." sabi ko.
"Baka na-realize no'ng babae na bulag siya para magkagusto kay Lance hahahaha!" pang-aasar pa rin ni Niccolo.
"Gagu! Masyado kasi siyang bossy! Bawal ganito, bawal ganiyan! Nagseselos kay Xowie at Maki, huwag ko raw lapitan! Kahit kaklase nating babae na makita niyang binabati ako sa daan nagiging rason ng away namin! Ang dami niya pang pinagbabawal kaysa sa nanay ko! Kaya ayon, kaysa alisin ko 'yong mga pinagbabawal niya, siya na lang inalis ko sa buhay ko!"
"Utut mo Lance, 'di mo kami maloloko!" bwelta ni Lucas na nang-aasar.
"Mas kapani-paniwala pa rin 'yong hakdog ang dahilan, tanga!" sabi ni Niccolo.
"Tangina e di 'wag kayo maniwala d'yan!"
"HAKDOG!" sabay naming tatlong bigkas kay Seb.
***
Friendship Rule #1 During Overnight: Kung kaninong bahay, siya ang maghuhugas ng pinagkainan.
"Kayo na nga pinatuloy rito tapos ako pa maghuhugas?! Asan naman 'yong hiya niyo?!" reklamo ni Niccolo sa amin.
"Kung ayaw mo maghugas e di kumuha ka ng katulong! Akala ko ba mayaman ka?" sambit ni Seb.
"May trust issues ako! Pake mo! Atsaka nakakailang, kaming dalawa lang dito!"
"Bahala ka d'yan bisita kami tapos paghuhugasin mo ng plato? Where's your manner?" bwelta ko.
"Anong bisita, BWISITA kamo!"
Pero dahil tatlo laban sa isa, naghugas siya ng pinggan.
Nasa sala kaming apat ngayon. Si Lucas nakaupo sa sopa, hawak-hawak ang laptop niya at nagco-code. Si Niccolo rin nakaupo sa sopa hawak-hawak din 'yong laptop niya at ni-re-revise 'yong docu at kaming dalawa ni Seb ay nasa lapag nag-aassemble ng robot habang nanonood kaming apat sa smart tv nila Niccolo ng Great Teacher Onizuka sa N*****x.
"Baka si sir gray dating hoodlum din, ano?" sabi ni Seb sa akin.
"Mukha bang hoodlum 'yong gano'n itsura?"
Mukha kasing hindi sanay sa pakikipaglaban si sir gray. Para siyang taong bahay lang noon na babad sa computer games. Mukha lang siyang average man na gustong kumita ng pera dahil nandoon na siya sa part ng buhay niya...kumita para sa pamilya niya.
"Hoy don't judge a person if you're not a judge!" sambit ni Seb sa akin.
"Hinusgahan ko ba siya? Ikaw 'yong nanghusga d'yan! Sabi mo mukhang hoodlum."
"Don't judge a person if you're not a gum pala 'yon."
"Tanga! Don't judge a person if you don't know them 'yon!"
"Don't judge a book if you're not a cover din!" pagpapatuloy niya.
"Alam mo, bahala ka sa kasabihan na 'yan. Kung ayan ang paniniwala mo, sige, tanggap pa rin kita."
Pinagpatuloy namin ang aming gawain, nanonood habang nag-co-code pero mas lamang ang panonood.
"Try ko kaya maging hoodlum, sali ako ng frat sa school...'yong Tao-Gama ba 'yon?" sambit ni Niccolo biglaan.
"Tigilan mo nga, anong mapapala mo do'n?" sabi ko sa kaniya kasi naman si Jorge nga wala namang napapala do'n puro away lang.
"Ewan, feeling matapang lang gano'n,"
"Kapag 'yong alcohol nga nilalagay sa sugat mo naduduwag ka na, eh! Paano pa kaya kapag nag live-action bardagulan na? Wawa ka tanga! Atsaka anong Tao-Gama? Mukha kang Taong goma!" sambit ni Seb kay Niccolo.
"Feeling matapang nga lang 'di ba? nagbago na isip ko huwag na lang pala!"
"Basta ako kapag magiging prof ako gusto ko maging kagaya ni onizuka sensei" sabi ni Lucas.
"Ex-hoodlum?" tanong ko sa kaniya.
"Gagu, hindi! 'yong tipong loko-loko pero may matututunan 'yong mga estudyante."
"Gusto mo talaga magturo ano, dapat nag-educ ka na lang, pre." sabi naman ni Seb kay Lucas.
"Gagawin ko lang part time ang pagtuturo, sa tingin ko mas malaki pa ang kinikita sa field ng I.T kaysa sa pagiging guro."
"Sabagay..." pagsang-ayon ko.
"Balak ko rin mag-prof kaso naalala ko, ano naman ituturo ko? Puwede bang magturo ng wala? Atsaka hindi yata ako magiging mabuting prof kaya pass muna ako sa gano'ng kagustuhan." sabi ni Niccolo.
"Ako nga, ayoko sa school eh, tapos magtuturo pa ako?! Ang lakas naman yata ng amats ko no'n? Basta ako babawasan ko na lang pagsali sa mga rambulan sa kanto ta's magpapayaman ako para mapaayos ng bongga bahay namin na kagaya nito kala niccolo!" sabi ni Seb.
"Ang hilig mo kasing makisasaw kahit saan kaya napapaaway ka, attention seeker." sabi ni Niccolo na nakatanggap naman ng dirty finger mula kay Seb at binawian din niya ito ng dirty finger din.
Itong dalawa talaga parang aso't pusa.
"Alam niyo d'yan nag-umpisa magka-inlaban ang lolo't lola ko, sa asaran." sabi ko sa dalawa.
"Kung kay Lance lang, yuck!" pandidiri ni Niccolo.
"Puwede rin! Love wins na ngayon." pagsang-ayon sa akin ni Lucas at nag-apir pa kaming dalawa.
"Si Niccolo may lihim na pagtingin 'to sa akin ayaw lang umamin, eh!" sabi ni Seb na nakangisi.
"Gagu, pakyu!" tugon ni Niccolo sa kaniya.
Natawa lang kami ni Lucas sa dalawa.
"Hay nako, ako talaga source of happiness sa grupo natin, eh! Ngayon alam ko na purpose ko sa life hahahaha!" sabi ni Seb.
"Kahit wala ka, masaya kami!" bwelta ni Niccolo.
"Lul! Siguro nga kapag wala ako palagi mo akong naiisip at namimiss?"
Binato ni Niccolo ng unan si Seb sa mukha ng malakas.
"Tangina ka manahimik ka ngang h*******k ka!" bigkas pa nito.
Malakas na halakhak lamang ang nagagawa namin ni Lucas sa mumunting bardagulan ng dalawa.
Sana ganito palagi kasaya ang gabi ko, hindi 'yong kung ano-ano iniisip ko. Tama nga si Hubert Humphrey no'ng sinabi niyang; 'The greatest gift of life is friendship.' sana lang tumagal ang samahan namin na ito.
***
TBC.
I Am Not Nice To Anyone But You••After that event, sabay sabay kami umuwi no'n. I was so happy I finally got a picture of Parokya ni Edgar band with me. I was checking my phone gallery and watching a video I took around at no'ng makita ko ro'n si jaq ay bigla kong naalala iyong picture niya sa camera ko."Oh, yeah, I have to send that to him!"Ibinagsak ko ang aking iphone sa kama. Agad kong kinuha ang camera ko sa loob ng aking bag na nakasabit sa may pinto ng aking kwarto. Kinalas ko ang aking camera at kinuha ang memory card nito. Binuksan ko ang aking lappy na nakapatong sa aking study table. Mabilis ang pagtingin ko sa file para makita agad ang pakay ko."Should I edit this a little o huwag na?" I was talking to myself and the screen of my lappy.Masuri kong tinignan muli ang picture ni jaq na nakablack and white filter. Good profile...side view. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, mata'y bilugin at kahit itim ang kulay ng mata niya alam kong kayumangg
I saw you looking at someone else••At sa hindi ko alam na dahilan...sa tuwing nakikita ko 'yong apat sa canteen ay ginugulo ko na ang buhay nila. Jaq and I made a joke about sa nangyari sa amin ni Aaron, kesyo may gusto kami sa isa't isa na naging dahilan ng pagiging malapit namin sa isa't isa...but not that close na i-co-consider ko siyang friend like maki, but close enough to make jokes with each other. And of course sa iba rin...except kay lance...sama ng loob ang binibigay niya sa akin palagi na sinasabayan minsan nila lucas at jaq kaya mas lalong lumalakas ang loob ng bwisit!"Xowie, I know its a good thing na close ka sa mga friends ng pinsan mo pero...its making noises and chismis na naman about you!" maki said habang naglalakad kami papuntang library."I heard, and I don't care. Sila lang ba may karapatan na maging close sa opposite sex? Tss.""Tinatawag ka nilang malandi..." mahina ang pagkakasabi no'n ni maki."Pfft! They keep calling me such, and I don't fucking care. I h
Like teenagers in a novel book••Nagkita pa ulit kami no'ng sining...same pa kami ng team sa pagtakbo bilang SSC. I don't know why destiny keeps making the same mistake twice na? I see myself not being her friend pero parang pinagtutulakan siya sa akin ng tadhana. My gosh!"Hala! Nagkita na naman tayo, xowie! Still remember me?" masaya niyang sambit.Ano akala nito? May amnesia ako? E, ilang araw pa lang lumilipas no'ng huli naming kita."No, who are you again?" I sarcastiacally told her."Sining, iyon ang name ko. We met at the debate competion last last week!"Patola naman ang isang 'to. Can't read the air."Ohh! Right."Tapos hindi ko na siya pinansin pero siya itong daldal ng daldal pa rin sa akin habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng building ng mga business major."Sining, I bet you know a lot of students here. Ang daldal mo kasi." sambit ko para naman hindi siya magmukhang stupid na nagsasalita sa walang may pake sa mga sinasabi niya."I have lots of friends kasi madal
Every encounter with you••I tried my best na hindi magkasalubong ang landas ko kala niccolo sa univ. Kapag nakikita ko sila sa canteen sa favorite spot nila ay tinatalikuran ko iyon and then sit somewhere else o sa malapit na fastfood sa labas ng school kami kumakain ni maki. She never asks naman kung bakit nilalayuan ko ang pinsan ko. I guess she thinks I'm not close with him...which is the total opposite.After ng pangyayaring iyon tinadtad ako ni niccolo ng chat na nagsosorry at huwag ko raw siya isumbong kala daddy at sa mommy niya. Wala naman akong balak magsumbong dahil ayoko mag-explain at naiinis lang ako kapag naaalala ko ang humiliation na iyon sa harapan nila!"Alam mo xowie, narinig ko lang 'to kala athena..." maki started saying out of nowhere.Nasa CR kami at naghuhugas ng kamay. After no'n kaunting ayos sa mukha at buhok. Sa salamin kami nag e-eye contact. Kaming dalawa lang naman ang tao rito."What?""Alam mo ba na may isang varsity player daw na nagkakagusto sa'yo?
(Based on Salem's own story - SiguradoA sneek peek of chapters onwards.)The Boys••The first semester went well, and the second semester came out like a bullet in target. Ang bilis ng panahon. Maki was still with me, and she was the only friend I made. Iyong iba, I just treat them as blockmates and groupmates. There are times when I see Niccolo in the canteen with his friends, but I don't approach him because I don't want to know his friends that much o hindi lang ako gano'n kainteresado sakanila. I know Niccolo well enough; he gives his all, lalo na't mayroon naman siyang maibibigay, and that was his weakness. He gives his all for friendship and love, na hindi niya namamalayan na inaabuso na pala siya. At iyong katangahan niyang iyon ay minsan hinahayaan ko lang hanggang sa isang araw ay matuto siya."Nakatingin ka na naman sakanila...kilala mo ba mga 'yon?" tanong ni maki.We are drinking our shake na binili namin dito sa canteen."Have I told you na cousin ko 'yong isa sa mga 'y
Surprise••Niccolo's POV"Nandiyan na siya! Ready na, ready na!" sigaw ni lance pagkapasok sa bahay.After ng graduation, nagimpake na si jaq upang tumira sa bahay nila. Wala naman siyang halos gamit kaya mabilis lang siyang nakapag impake. Sa huli, iniwan din niya ako at mag-isa na naman ako sa bahay. Ang lungkot tuloy! Fifty-Five days ang tinagal ni Arroz caldo na akala namin hanggang Forty-nine lang. Close yata sila ng Diyos kasi it's a miracle!"Patayin mo na 'yong ilaw, niccolo!" utos ni lucas sa akin na agad ko naman sinunod.Dalawang linggo na rin ang nakakalipas no'ng tuluyang graduate na kami sa college at nag-aayos nang resume para makapag apply next month. Next month aalis na rin sina xowie at si maki papuntang spain. Badtrip kapag iinisin mo si xowie ngayon, kung dati ini-ingles niya kami, ngayon naman nag-espanyol na siya! Lumelebel up ang super katarayan niya! Anong laban ko sa spanish skills niya, eh, spanish bread lang alam ko!Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano







