Healing The Billionaire's Broken Heart
Si Ivan Alejandro Montenegro ay isang matagumpay na negosyante na lihim na nagtatag ng sarili niyang kumpanya—isang imperyo na walang nakakaalam, kahit ang sarili niyang pamilya. Nasa rurok na siya ng tagumpay at handa nang magsimula ng bagong buhay kasama ang babaeng mahal niya, nang isang trahedya ang sumira sa lahat.
Sa isang malagim na aksidente, nawalan si Ivan ng kakayahang makalakad. Kasabay nito, nawala rin ang respeto ng kanyang pamilya at ang pagmamahal ng kanyang fiancée na agad siyang iniwan nang makita ang kanyang kalagayan. Isa-isa ring kinuha sa kanya ang lahat ng proyekto at responsibilidad sa kumpanya, na para bang wala na siyang silbi.
Sa desperasyon na mailigtas ang apo, kumuha ang matanda ng isang caregiver mula sa probinsya—si Ayesha Dela Cruz, isang simpleng babae na may matapang na puso at hindi natitinag sa sungit ni Ivan. Sa kabila ng malamig na pagtanggap nito, pinili ni Ayesha na manatili at alagaan siya, kahit paulit-ulit siyang itaboy.
Dahil sa nakakalason na kapaligiran ng mansyon, dinala si Ivan sa probinsya kung saan nagsimula ang kanyang paghilom—hindi lamang sa katawan kundi pati sa puso. Sa katahimikan ng lugar at sa malasakit ni Ayesha, unti-unti niyang natutunang magtiwala muli, harapin ang sakit ng nakaraan, at muling lumaban sa buhay.
Ngunit habang siya ay nagpapagaling, lihim din niyang binubuo ang plano ng kanyang pagbabalik. Hindi alam ng kanyang pamilya na ang lalaking kanilang minamaliit ay siya ring may hawak ng tunay na kapangyarihan.
Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, may isang tanong na mas mahalaga kaysa sa kayamanan o kapangyarihan:
Pipiliin ba ni Ivan ang galit… o ang pag-ibig ng babaeng naghilom sa kanyang pusong wasak?