Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
VENGEANCE AND DESIRE

VENGEANCE AND DESIRE

Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay nawalay si Kiana sa kakambal. Nangako siyang babalik ngunit natagalan dahil nawalan ng alaala. Sa kaniyang pagbabalik ay maniningil at nagpanggap na si Karen—ang kakambal upang maipaghigante rin ito mula sa pang-aapi ng pamilya ng napangasawa nito. Upang magtagumpay sa misyon, kailangan ni Kiana gamitin ang katawan upang mapalapit sa taong may malaking influence sa oraganisasyong may kasalanan sa kanilang pamilya. Ngunit nagulo ang plano niya dahil dominante at mapang-angkin si Xavier, ang lalaking gusto lang sanang gamitin. Lahat ay nakukuha ni Xavier kahit hindi na gumamit ng dahas o bakal na kamay. Ngunit pagdating sa babaeng naka one night stand ay nagbago ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mapaamo ang babae, kahit ang kapalit ay pagkabuwag ng organisation na pilit na pinagbubuklod ng abuelo at pagkasira sa relasyon ng kapamilya. Paano pagtagpuin ng tadhana ang landas ng dalawang taong may pusong bato at ang isa ay namamahay ang puot sa puso para sa mga taong may kasalanan dito? Alin ang pipiliin ni Kiana sa bandang huli, ang paghihiganti o reputasyon?
Romance
1011.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.5K viewsCompleted
Read
Add to library
When We Collide

When We Collide

Margaux Andrea dela Paz, mapag-mahal at mabait na ate sa kaniyang kapatid. Iniwan sila sa kanilang magulang kaya kailangan tumigil ni Margaux sa pag-aaral para mag-trabaho para may pang-tustos sa pang araw-araw na kakainin nila at sa pag-aaral ng kaniyang kapatid. Hanggang sa hindi na sapat ang kaniyang suweldo at kailangan niyang humanap ng trabaho na malaki ang sahod. Isa sa mga ka-trabaho niya ay nag-suggest na mag-trabaho bilang stripper. Noong una ay nag-alinlangan pa ito pero kalaunan ay pumayag din. Naging maganda naman 'yong unang linggo niya hanggang sa isang gabi ay may bigla nalang lumapit sa kaniya na lalaki. Hindi niya alam na 'yon pala ang gugulo sa kaniyang buhay. Araw-araw silang nagkikita sa bar. HangganUg sa nagkakamabutihan at naging sila na nga. Isang araw, nagulat nalang si Margaux nang mabalitaan na may nakatakda na palang magiging asawa ang kaniyang nobyo. At sa araw din na iyon ay nalaman niya buntis pala siya.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG SENYORITONG BILYONARYO

ANG SENYORITONG BILYONARYO

Si *Amilia Guerrero* ay isang ulila na lumaki sa simpleng bayan ng San Rafael. Dahil sa kabutihan ni *Don Manuel San Sebastian*, isa sa pinakamayayamang tao sa bayan, nakapag-aral si Amilia bilang iskolar. Kilala siya sa paaralan bilang maganda, matalino, at palaban sa mga patimpalak, ngunit kahit marami ang humahanga at nanliligaw sa kanya, wala siyang pinapansin. Samantala, si *Daniel San Sebastian*, ang kaisa-isang apo ni Don Manuel, ay isang 32-anyos na binatang kilala sa kanyang yaman at kakisigan. Bagaman maraming kababaihan ang nahuhulog sa kanya, wala pa ni isa ang nakasungkit ng kanyang puso—hanggang sa makilala niya si Amilia. --- Please Read With your own risks.. Story written by: Dwivirain02
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10689 viewsOngoing
Read
Add to library
The Desire of a CEO

The Desire of a CEO

Simula't-sapul, inlove na si Graziana Iglesias sa boss na si Thunder Santillan. Ang CEO ng Santillan Group of Companies. Dahil sa pagkamatay ng asawa nito, ibinuro nito ang sarili sa isang lugar sa bicol. Namuhay ito ng normal. At siya, na sekretarya nito, sa kan'ya iniatang nito ang responsibilidad nito bilang CEO. Lahat kinaya niya mapansin lang ng boss.Lahat ginagawa niya ma-appreciate lang siya ng boss. Ang buong akala ni Graziana, tutugunin na nito ang matagal na niyang pinapangarap na pagmamahal mula sa boss. Hindi pa pala. Umibig na naman ang boss niya sa isang babaeng estrangherang, na sadyang pinapalitan nito ang mukha, at isinunod sa dating asawa nito. Isang araw, nagising na lang siyang pagod na. Pagod na sa kakahintay sa boss. Nag-resign siya sa kompanya nito. Dalawang araw bago ang flight niya papuntang US, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Thunder. Dinamayan na naman niya ito sa problema nito sa babae. Nagpakalasing sila, hanggang sa dumating sa puntong isinuko niya ang pagkababae dito at hindi niya akalaing magbubunga iyon... Ano nga ba ang gagawin ni Thunder kapag nalaman nitong nagbunga ang isang maiinit na gabi nila ng sekretarya?
Romance
10169.8K viewsCompleted
Show Reviews (32)
Read
Add to library
Rizalyn Joy Borres
this story will teach you what love really means. that love should be patience, understanding and unconditional. patience interms of kung paano at kailan ka susuko at lalaban.understanding interms of understand the situation whether its good or bad but then again chose to be right and be kind.
Che Dee
mat,gal na akong silent reader ni Miss Ava nah, ang pinka una kong nabsa sa knya yung My secretary owns me, dun nagumpisa na mahook aq sa mga story ni missA, natigil lang ako nong nabsa ko ung Chasing Magda ...... natrauma ako dun, ksi nwala ung FL, pero nakita ko meron pla si mssA dito sa GN, kya
Read All Reviews
MR. SABERON Sextuplets Unexpected Pregnancy

MR. SABERON Sextuplets Unexpected Pregnancy

Hindi inaasahan ni Rasheedah na ang kanyang asawa, na kanyang minahal at taos pusong pinagkatiwalaan sa loob ng maraming taon, ay lokohin siya sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Nang harapin siya nito, kinutya at kinutya siya ng kanyang sekretarya, na tinawag siyang baog sa kanilang Beth. , kung tutuusin, hindi siya naglihi sa huling tatlong taon na ikinasal siya sa kanyang asawang si CJ. Lubhang nadurog ang puso niya. nagsampa siya ng annulment sa kanyang asawa at napunta sa club, pumili ng isang random na gigolo, nagkaroon ng one night stand With it, binayaran niya at nawala sa isang maliit na bayan. Bumalik siya sa bansa pagkalipas ng anim na taon kasama ang anim niyang anak tatlong cute na magkakaparehong lalaki at tatlong cute na magkakaparehong batang babae sa parehong edad. Siya ay nanirahan at nakakuha ng trabaho, ngunit sa lalong madaling panahon natuklasan niya na ang CEO ng kompanyang pinag tatrabahoan niya ay ang gigolo na kanyang nakatalik anim na taon na ang nakalipas sa club. Magagawa ba niyang itago ang kanyang anim na anak sa kanyang CEO, na nagkataong ang pinaka makapangyarihang tao sa CDO at pinaniniwalaang baog? Maaari bang magkasundo si Rasheedah ang lalaking pinaka makapangyarihang tao sa CDO kung isa alang alang ang panlipunang agwat sa pagitan nila?
Romance
108.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Crazy Inlove To My Ninong

Crazy Inlove To My Ninong

"Be my gift sa birthday ko." 'I love my ninong, Ryke Carlos Ferrero' Para sa kaniya totoo ang naramdaman niya para sa kaniyang ninong na si Ryke Carlos. Alam ni Elaine na malaki ang agwat ng edad nila ni Ryke ngunit para sa kaniya age doesn't matter. Unang pagtibok sa puso ni Elaine na magpapagulo sa isip at puso niya at Pagsisimulan ng mga kakaibang pantasiya na inaasam na maganap. Ryke Carlos, kaya ba niyang pangatawanan ang lahat ng mga sinimulan? Nagsimula sa isang halik hanggang sa hindi na kayang mapigilan. WARNING ALERT!! SPG! R-18
Romance
105.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Ibinigay ni Keziah Quinn Palmer ang kanyang puri sa isang estrangherong lalaking nakilala niya sa bar—isang hakbang na dulot ng galit at tampo niya sa kanyang mga magulang matapos siyang ipagkasundo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. Ngunit ang galit niya ay lalo pang nadagdagan nang makilala niya si Cael Xandros Lozano, ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Sa kabila ng kanyang matinding pagkasuklam, hindi siya tinantanan ni Cael, determinado itong mapalapit sa kanyang puso. Paano kung malaman ni Keziah na ang estrangherong nakasama niya sa gabing iyon ay si Cael din? Magbabago kaya ang kanyang damdamin, o mananatili siyang nakakulong sa galit at pagtanggi habang buhay?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status