Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1011.2K viewsOngoing
Read
Add to library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Badboy's Pleasure

Badboy's Pleasure

mamamia
Maymay Saavedra is one of the hottest chick sa university at siya rin ang pinag-aagawan ng lahat ng lalaki doon. She can lure boys with her charisma and witty personality. Maldita siya kung maldita rin ang kaharap niya, ang sabi pa nga niya, her personality will depend to what attitude you give to her. And because of that, naging takaw-pansin siya sa nag-iisang multi-billionaire bachelor ng bayan nila, no other than Monching Valderama. He is one of a type na hinulma yata sa pinakamataas na uri ng species ng mga kalalakihan, gwapo, mayaman, very masculine and freaking playboy! Siya ang isa sa mga tagapagmana nina Don Alejandro at Donya Brigida Valderama, at dahil sa estado nila, he always get what he wants, at ang isa sa listahan niya...ay si Maymay, the woman he wants to taste, not just once...not twice, because he will be addictive to her. Abangan ang Badboy's Pleasure!
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Life Debt Repaid

A Life Debt Repaid

”Kinuha mo ang lahat ng minahal ko simula pa noong bata tayo! Congratulations, ginawa mo na naman ito!” Si Cordy Sachs ay sumuko na sa minamahal niya ng tatlong taon, nagdesisyon siya na magdiwang at hindi na ulit magmahal… ngunit may dumating na isang anim na taong gulang na bata na dumating sa buhay niya, malambing siyang kinumbinsi na ‘umuwi’ kasama nito. Habang kaharap ang mayaman, gwapo pero malupit na CEO ‘husband’, siya ay naging tapat. “Nasaktan na ako ng mga lalaki dati. Hindi ako nagtitiwala.” Tumaas ang kilay ni Mr. Levine. “‘Wag mo akong ikumpara sa ibang lalaki!” Kahit na sabihin ng lahat na malamig siya at hindi siya maabot ng mga tao, si Cordy lang ang may alam kung gaano kasama ang lalaking ito sa loob!
Romance
8.884.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Blossoming Seduction

Blossoming Seduction

Rawring
“I-I ran away,” hagulgol ko na tuluyan na ngang bumigay nang makalayo na sa Twin Towers ng Atkinson. “You what?!” gulat akong tinignan ni Franz mula sa salamin sa harap. Hindi ko na nga lang siya nakausap ng maayos dahil tanging luha ko na lamang ang naghahari sa akin ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Gustong-gusto ko pang ipaglaban si Alaric at maikasal sa kanya pero ayaw kong madamay siya sa gulo ng buhay ko. Kung ikapapahamak niya lang din, ay huwag na lang. Yes, I am the billionaire’s runaway bride... --•❦•-- Si Myrthala Zachra Armani Laurenco ay namulat sa isang marangyang pamilya. Puno ng pagmamahal ng mga tao sa kanyang paligid kaya gano'n na lamang siya nalugmok nang sa isang iglap ay natuon ang atensyon ng lahat sa kanyang bruhang pinsan. Nawala ang lahat sa kanya: pagiging heiress, atensiyon ng ama at ang mismong fiance. She became a murder suspect and she's been hated by everyone around her. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan at inabandona na siya ng mundo. Not until she met Alaric Atkinson. Ang tusong bilyonaryo at tagapagmana ng mga Atkinsons. Kaya ng malamang half-brother siya ng dating fiance, kinuha niya ang oportunidad na ito upang alukin siya ng kasal. 'Yon nga lang, ang kasal para kay Alaric ay sakal. Ngunit paano kung sa gitna ng kanilang laro ay may mabuo? Malilinis pa kaya ni Thala ang kanyang pangalan o mauuwi lamang siya sa kapahamakan? Where will Thala be taken by her impulsiveness and her blossoming seduction towards her brother-in-law? Is Alaric Atkinson a predator or a prey? An ally or an enemy?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A PART OF ME

A PART OF ME

dser
Kahit halos hindi na makatayo sa kalasingan ay agad na pumunta si Maya sa dance floor at doon ay parang wala sa sariling umindak sa tugtugin. Ito ang paborito nilang kanta ng ate niya. Napaluha siya, at napaupo sa sahig, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kayang kalimutan. Pakiramdam niya ay siya nalang ang nag iisang tao sa mundo. "Miss, are you okay?" boses ng isang lalaki Tumingala siya rito habang inaabot nito sa kanya ang isang panyo. "Ate Riza?" hilam sa luhang tawag niya rito.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Nawalan ng trabaho si Atasha Charlotte Diaz matapos magsara ang BPO company na pinagtatrabahuan niya. Habang ang mga dati niyang officemates ay nakahanap agad ng bagong trabaho, siya naman ay naiwan na walang income, baon sa utang, at hinahabol ng bills at loan collectors. Out of desperation, sinubukan niyang lumapit sa mga kaibigan—ang iba para singilin, ang iba para manghiram. Pero lahat sila, wala ring maibigay. Hanggang sa dumating ang isang offer na hindi niya akalaing tatanggapin niya: ang maging mistress ng nag-iisang Rev Kurozawa Alcantara. Siya ang taong pinaka-kinamumuhian ni Atasha. They met once before. Isang gabi lang. Isang pagkakamali na kumitil sa kanyang pagkabirhen, at pagkatapos noon ay iniwan siya ni Rev na parang wala lang nangyari. Simula noon, isinumpa na niya ang pangalan ng lalaki. Pero ngayong lugmok siya, siya rin ang taong muling kahaharapin niya. Sa huli, Atasha was forced to be Rev's mistress… kahit para kay Atasha, mas katanggap-tanggap pa sana kung maging legal na asawa na lang ang inalok sa kanya ng lalaki. “I only want a mistress… ’cause I already have a fiancée.” —Rev
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status