LOGINNalaman ni Eloise De Vega na niloloko siya ng kanyang fiancee na si Atticus. Labis ang sakit na kanyang nararamdaman ng mga panahon na iyon kaya naman walang pag-aalinlangang ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa isang lalaking hindi niya kilala. Samantala, nakiusap naman ang kanyang kaibigan na si Brynne na akitin at paibigin niya ang lalaking nanloko dito. Naawa siya sa kanyang kaibigan kaya pumayag siya sa gusto nito. Maganda at sexy siya kaya impossibleng hindi mahuhulog sa bitag niya ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang malaman niyang ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan ay ang lalaking naka One night stand niya na si Elijah Montereal. Ang ama ng kanyang anak. Ngunit kailangan niyang tuparin ang naipangako niya sa kanyang kaibigan na iiwanan niya si Elijah sa mismong araw ng kanilang kasal. Paano kung sa muling pagkikita nilang dalawa ay hindi na siya maalala ng lalaki? May pag-asa pa kaya si Eloise sa puso ni Elijah gayong Ikakasal na ito sa kanyang kaibigan na si Brynne?
View MoreEloise's Point of View Magkahalong kaba at pag-aalala ang aking nararamdaman ngayon. Katatapos lamang nang aming pag-uusap ni Brynne sa telepono. Umiiyak ito dahil sa kanyang natuklasan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano kung malaman niyang ako ang ina ni Avery? Tiyak na malaking gulo ito. "Oh ate, okay ka lang? Bakit tila namumutla ka diyan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "O-okay lang ako, Nicole." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at tinungo ang aking kwarto. Nagtataka namang sumunod sa akin si Nicole. "Saan ka pupunta, ate?" Usisa nito nang maabutan niya akong nagbibihis. "May pupuntahan lang ako, Nicole. Pakisabi na rin kay Elijah na wag na nila akong intaying umuwi mamaya." Usal ko dito habang ina-ayos ko ang suot kong damit. Simpleng bestida lamang ang sinuot ko dahil doon ako mas kumportable. "Pero ate, alam ba ni sir Elijah kung saan ka pupunta?" Isang b
Third Person's Point of View"I love you too, Elijah." Ani ni Eloise sa kabilang linya.Malapad naman na napangiti si Elijah sa naging tugon ni Eloise. Tila isang musika iyon sa kanyang pandinig. Nararamdaman niyang unti-unti na rin nahuhulog sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyon upang mabuo ang kanilang pamilya."Good morning, sir Elijah. Remind ko lang po ang appointment ninyo kay Mr. Sandoval mamayang Ala una." Ani ni Mary na bahagya lamang nakasilip ang kanyang ulo sa pintuan. Hindi siya nag-atubiling pumasok sa opisina dahil tila malalim ang iniisip ng kanyang boss kaya hindi nito narinig ang kanyang pagkatok. "Cancel mo na lahat ng meeting ko ngayon, Mary. Susunduin ko ang aking anak sa school niya mamaya." Walang ka emo-emosyong usal ni Elijah sa kanyang secretary.Bahagya namang nagtaka si Mary dahil sa kanyang narinig. 'Anak? May anak na pala si sir Elijah?' Usal ni Mary sa kanyang isipan.Hindi na nagtanong pa si Mary dahil natatako
Eloise's Point of ViewNaramdaman ko ang kanyang dila na pilit pinaghihiwalay ang aking mga labi kaya naman inawang ko iyon ng bahagya.At tuluyan na nga niyang naangkin ang aking mga labi. Ang mga dila nito ay unti-unti nang nilalaro ang aking dila sa loob. Tila nawalan na ako nang lakas na pigilan siya dahil trinaydor na ako ng sarili kong katawan. Kusa na akong tumugon sa maiinit niyang mga halik. Mahigpit akong napayakap sa lalaki ng mas lumalim pa ang mga bawat halik nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng mga halik niya na tila ba mawawala na ako sa aking sarili."Ahhmm.. t-teka lang." Pigil ko kay Elijah nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Sandaling bumalik ang aking katinuan dahil doon.Hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin.Kunot-noo naman na napatingin ang lalaki sa akin ngunit maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito."I'm sorry, Sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin nito. "Matulog na tayo."Nakaramdam
Eloise's Point of ViewAwang ang aking mga labing napatitig na lamang sa kanya. God! Seryoso ba siya? At sa harap pa ng aming anak sinabi."N-nagbibiro ka ba? Hindi mo naman kailangan sabihin iyon dahil gusto ng anak-" Napatigil ako sa aking sasabihin nang ilapat niya ang kanyang daliri sa aking bibig."Shhh.. I love you, baby." Mahinang bulong ni Elijah sa akin. "Mahal ko kayo ng anak natin." "Pero Mr. Montereal-" Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang idampi ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Mabilis lamang ang pangyayaring iyon ngunit nag-iwan iyon sa aking katawan ng libo-libong kiliti."Yey! Love nila mommy at daddy ang isa't isa." Kinikilig na usal ni Avery nang makita niyang hinalikan ako ni Elijah.Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng pisngi dahil sa nakaramdam ako nang kaunting hiya."Love na love ka namin ng mommy mo, My Princess." Nakangiting usal naman ni Elijah saka mahigpit na niyakap si Avery. "Gusto mo bang makiyakap sa amin?" Baling naman nito sa akin.Wala












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.