The Billionaire's Sassy Maid
"Sir, working pa po ba ito? Bakit kasama sa mamahaling inventory? Mukha kailangan nito ng double A battery."
"No, the internal gears are broken," sagot niya habang isinusulat ko ang description.
"Eh, bakit po ang mahal pa rin?"
"Because it's one of the only three remaining pieces in the world. It's rare."
Napailing na lang ako habang nagsusulat. Grabe talaga ang mundo ng mga mayayaman. Kahit pala sira na ang gamit, basta kakaiba at gawa sa ginto, milyonaryo pa rin ang status. Samantala, iyong mga gamit namin sa bahay kapag sira na, tinatapon na.