Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving You Is A Mistake

Loving You Is A Mistake

Wala nang mas sasakit pa sa nalaman ni Erin na mayroong iba ang boyfriend niya. Para makalimot ay nagtungo siya sa Maynila, nagtrabaho sa bar hanggang sa nakilala ang lalaking inakalang mag-aahon sa kaniya sa kabiguan. Ngunit, nalaman niyang ginawa lamang siya nitong panakip-butas. Bumalik siya sa bayang kinagisnang luhaan, at doon nalamang nagbunga ang pakikipagrelasyon niya sa lalaking nakasama. Dapat ba niyang ipaalam ang kalagayan kay Tyler gayung masaya na ito sa piling ng dating asawa?
105.4K viewsOngoingAdded to Library 134 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
1024.4K viewsCompletedAdded to Library 634 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
102.0K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 133 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
1016.0K viewsCompletedAdded to Library 433 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
101.3K viewsCompletedAdded to Library 39 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 96 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
2.0K viewsOngoingAdded to Library 79 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
Destined to Mr. Playboy

Destined to Mr. Playboy

Nabibilang si Rhea Alvarez sa kilalang pamilya sa bansa dahil ang ama nito ay isang tanyag na businessman.Pag-aari ng pamilya nila ang ang sikat na bakeshop na halos may isang daang bra by nches na sa bansa.Kaya't lumaki siyang mariwasa ang buhay.Ganunpaman, para sa kanya ay may kakulangan pa rin sa kanyang buhay dahil maaga siyang naulila sa ina.Dahil naging abala si Don Ricardo, ang kanyang ama sa pagpapalago ng kanilang negosyo ay naiwan siya sa pangangalaga ng mga katulong.She is rich but poor in love.She dream of finding her destiny someday at ipinangako niya sa sarili na magpapakasal lang siya sa taong iniibig niya.Ngunit, nagulo ang inaasam niyang pangarap ng itinakda siya ng ama na ipakasal sa anak ng matalik na kaibigan nito.Dahil sa paghihimagsik ng kanyang puso ay naggawa niyang tumakas sa pagmamanipula ng kanyang ama.Nakarating siya sa Isla Verde kung saan niya nakilala si Rowan Madrigal.Malakas ang karisma nito sa mga babae at isa siya sa nahumaling agad sa unang pagkikita pa lang nila.Agad may namuong spark sa kanilang dalawa at natitiyak niya sa kanyang sarili na nahanap niya na ang kanyang destiny.Paano kaya kung mahulog ang loob niya sa isang womanizer na tulad ni Rowan na walang balak magseryoso sa mga babae?Paano na lang kung malaman niyang tinakbuhan nito ang sariling kasal dahil hindi pa ito handa sa pag-aasawa?Ano ang kaya niyang gawin upang mapaniwala si Rowan sa destined love kung hindi ito naniniwala sa pag-ibig?Ano kaya ang gagawin ni Rowan kapag nalaman niyang si Rhea pala ang babaeng gusto ng amang ipakasal sa kanya? Magiging huli na ba si Rowan upang ipaglaban ang napagtanto niyang pagtingin kung naggawa niya itong saktan at iwanan nalang ng basta basta pagkatapos na pagsawaan?
381 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
Surrendering to the Billionaire's Seduction

Surrendering to the Billionaire's Seduction

Si Lev Lawson Valdemar ay walang habag o awa sa mga nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, isang babae ang tumagos sa kanyang malamig na puso. Ngunit isang babae ang nagpapabaliw sa kaniya- si Clementine Lecaroz. Makakahanap kaya sila ng tunay na kaligayahan at pagmamahal sa isa't isa? O masisira nila ang buhay ng isa't isa? Ito ba ay tadhana na nagmula sa langit—o impiyerno—para sa sa kanilang dalawa?
1025.2K viewsCompletedAdded to Library 957 Times as sa kubyerta buod
Read
+Library
PREV
1
...
1011121314
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status