Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Perfectly Imperfect Love

Perfectly Imperfect Love

Sa mundong puno ng kasinungalingan, pipiliin mo pa rin ba ang taong paulit- ulit ka nalang niloloko? Magiging sapat ba para sa iyo ang mga matatamis na salita na halos walang katapusan niyang binabanggit sa iyo? Si Mikaela Sabino, ang babaeng pinangakuan ng lahat ng bagay. Ang babaeng naniniwala na ang taong kaniyang minamahal ay magbabago para sa kaniya. Ang lahat ng sakit, pagkadurog, kawalan ng tiwala, karupukan, at paghihirap na mararanasan ay mapapalitan ba ng salitang "patawad"? "Handa akong mahalin ka hanggang sa maubos ako, palagi lang akong nasa tabi mo kapag ako na ang kailangan mo. At handa akong masaktan kung ikaliligaya mo" Ang lalaking magpapabago sa buhay ni Mika, ang taong dudurog sa puso ng babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Si Renrem Reyes, ay isang tao na lubos na pinipilit baguhin ang lahat ng pagkakamali na mayroon siya ngunit nang dahil sa tukso ay nagiging mahina ito. May pagkakataon pa ba na maging malakas siya para sa taong pinakamamahal niya? Hahayaan ba niyang mawala ito nang tuluyan sa kaniya at makuha ng iba ang babaeng pinangangarap niya? "Pinipilit kong magbago, pangako. Pero tao lang din ako at may kahinaan, patawarin mo ako." Magkakaroon ba ng masayang wakas ang dalawang tao na nakakaranas ng sakit? It is true that love can conquer everything?
Romance
9.34.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
Romance
1023.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang asawa kong Bilyonaryo

Ang asawa kong Bilyonaryo

Walang magagawa si Stella kundi ang sumunod sa huling hiling ng kumupkop sa kaniya at tumayong ina na pakasalan ang kaisa-isa nitong anak. Mayroon itong malubhang sakit at may taning na ang buhay ngunit ang hindi niya inaasahan na ang lalaking anak nito—si Ace Alcantara—ang ama ng kaniyang anak. Apat na taon na ‘rin ang nakakaraan mag-mula ng magkita ang dalawa. Magagawa ba nilang lutasin ang problema sa nakaraan ng magkasama o hahayaan nila na lamunin sila ng nakaraan at tuluyan nang magkalayo?
Romance
10142.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Manang at Pikon ( Filipino )

Manang at Pikon ( Filipino )

Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully. Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin. Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan. Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya. Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang. Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa? Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito? Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
YA/TEEN
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
In The Name Of Love

In The Name Of Love

Venice's married life was like an empty bottle.Hindi niya kailanman naramdaman ang tunay na pagmamahal ng kaniyang asawa.She can't escaped herself from asking kung saan siya nagkulang.She gives everything, her eternal love but still, not enough.Until their marriage was suddenly turned upside down.Nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang asawang si Diego.Hindi niya matanggap ang kinahinantnan ng pagsasama nila.Hindi niya alam kung paano iibsan ang sakit na naidulot ni Diego sa kaniyang puso. Hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahan.Muling nagbalik si Diego asking for forgiveness and begging to love him back again. Tatanggapin pa kaya niya ito sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot nito sa puso niya? What if one day she find out na, ang lalaking bumalik at nagmakaawa sa kanya ay hindi naman pala ang dati niyang asawa? Sino ito? At bakit kamukhang-kamukha nito ang kaniyang asawa? Ano nga ba ang itinatagong sikreto sa likod ng dalawang magkaparehong mukha? Paano kung napamahal na siya sa mapagpanggap na binata?Will she let go of him ngayong ilang beses niya nang ibinigay ang kaniyang sarili dito?
Romance
76.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Romance
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Seduced By The Billionaire

Seduced By The Billionaire

Luna Marie
Si Annika Blevine ay isang fashion designer na niloko ng kanyang kasintahan. Sa labis na sakit ay nilunod niya ang sarili sa alak. Kinaumagahan ay nagising na lamang siya sa tabi ng isang gwapong lalaki. Tinakbuhan niya ito at inabala na lamang ang sarili sa pagtatrabaho. Isang umaga ay nagulat na lamang siya ng makita muli niya ang lalaki at sinabing sila ay mag asawa na. Ano ang gagawin ni Annika upang matakasan ang isang gabi ng kanyang pagkakamali?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

Dahil sa sakit ni Rosie na autism, hindi niya akalain na ito ang magdadala sa kanya sa kanyang bulag na mapapangasawa. — Hindi akalain ni Rosie Samaniego na siya ang ipapadala ng kanyang mga kinalakihang magulang upang ikasal sa bulag na si Sebastian Villfuerte, ang dapat na papakasalan ng kanyang stepsister na si Ivy. Ngunit dahil siya’y may autism, wala siyang nagawa kundi sumang-ayon at para na rin makalaya sa mga ito. Magkasundo kaya ang isang bulag at autistic? Makakabuo ba sila ng isang pamilya gaya ng matagal nang inaasam ng lolo ni Sebastian?
Romance
1037.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status