Brother-in-Law's Wrong Bed
“Masarap ba ang asawa ko?” ito ang mga katagang binitawan ng kakambal ko na si Ada pagkatapos kong makipagniig sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal, kasabay ng pagbitaw niya ng isang malakas na sampal sa mukha ko.
Ang sagot ko? Mag-asawa at mas malakas din na sampal sa magkabilaan niyang pisngi sabay ngisi. “Oo naman, Ada. Napakasarap ng asawa mo.”
*****
Grade one ang kambal na sina Ava at Ada noong maghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa pambababae ng kanilang ama. Si Ava ay naiwan sa kanyang ina, samantalang si Ada naman ay sumama sa tatay nila. Pero pagkatapos ng labing-anim na taon, muling nagbalik ang mag-ama. Hindi upang bumalik sa kanilang pamilya, kung hindi dahil may kailangan sila kay Ava. At ito ay ang kanyang pagka-birhen. Ang kapalit nito ay ang kidney ni Ada para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa bato. Dahil si Ada lang ang ka-match nito, no choice si Ava kung hindi ang pumayag para madugtungan pa ang buhay ng kanyang minamahal na ina.
Pero paano kung mahulog ang loob niya kay Daniel, na asawa ng kakambal niya? Paano kung kahit anong iwas niya dito ay palagi pa rin silang pinagtatagpo ng tadhana?
Noong namatay ang nanay niya dahil hindi tumupad sa usapan nila si Ada na ibigay dito ang kanyang kidney, nagdesisyon si Ava na ipaghiganti ang kanyang ina. Aagawin niya si Daniel sa kanyang kakambal. Iniba niya ng kaunti ang kanyang itsura at pumasok siya bilang assistant nito, at ipinakita dito ang isang video kung saan siya ang kaniig nito noong gabi ng kanyang kasal at hindi si Ada.