Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

Isang salitang “diborsyo” ang wawasak sa pitong taong kasal ni Mariel Benning. Sa loob ng isang iglap, ang asawang si Billie Walter—ang lalaking minsang nangakong “habambuhay”—ay humiling ng kalayaan para pakasalan ang ibang babae: si Vicky Singson, ang babaeng sinasabing may anim na buwang taning ang buhay. Habang pinupuri ng mundo si Vicky, unti-unting naglalaho si Mariel sa mga anino ng kasinungalingan. Ngunit sa ilalim ng kanyang katahimikan, may lihim siyang tangan—isang lihim na mag payanig sa lahat. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti—isang kwento ng babaeng iniwan, ngunit hindi natalo. Dahil kapag ang puso’y minsang sinugatan, matututunan nitong tumibok muli—hindi para sa iba, kundi para sa sarili. “Hindi ko kailangan maging perpekto para manatili ka. Pero sa pag-alis mo, doon ko natagpuan kung sino talaga ako.”
Romance
10380 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
WHEN DESIRE BECOMES A SIN

WHEN DESIRE BECOMES A SIN

Caleb Villarreal ang batang CEO ng Villarreal Empire ay isang lalaking sanay sa kontrol. Kontrol sa negosyo. Sa oras. Sa sarili. Pero ang tahimik at disiplinadong mundo niya ay gumuho nang muling mag-asawa ang kanyang ama sa isang babaeng may dalagang anak na si Lyra. Hindi inaasahan ni Lyra na ang pagtira nila sa mansyon ng mga Villarreal ay magbubukas ng pinto sa isang damdaming bawal. Sa bawat tagpong dapat ay simpleng pag-uusap lamang, may kuryenteng hindi nila maipaliwanag. Sa likod ng malamig na titig ni Caleb ay may apoy na unti-unting lumalamon sa kanila pareho. Hanggang sa ang mga tinging dapat ay iwasan ay maging tukso, at ang katahimikan ay maging kasalanan. At kapag ang pagnanais ay naging apoy, sino ang may karapatang magpatay nito ang konsensya o ang puso?
Romance
10237 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
3.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Ang boyfriend ko ay itinuturing na prince charming sa aming social circle, ngunit sa selebrasyon ng kaarawan ko sa isang yate, tinulak niya ako sa dagat para lang magpakitang-gilas sa isa pang babae mula sa aming university, pinagtawanan nila ang takot ko sa tubig. Lingid sa kaalaman niya, mayroon akong aquaphobia. Dahil dito, sinugod ako sa ICU habang nagawa naman niyang makuha ang puso ng campus belle. Noong nagising ako, nasa tabi ko siya at humihingi ng kapatawaran, ngunit wala akong ideya kung sino siya. “Pasensya na, kilala ba kita?” Tanong ko, takang-taka ako. Pinaliwanag ng doktor na nawala ang ibang alaala ko. Subalit, patuloy niyang ipinagpilitan na siya ang boyfriend ko. Hindi ko napigilang makipagtalo sa kanya. “Imposible! Si Raleigh Landon ang boyfriend ko!” Alam ng lahat na si Raleigh Landon ang pinakamumuhian niyang kaaway.
Read
Idagdag sa library
Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Hindi alam ni Cheska Vega kung kamalasan ba o tadhana ang naglapit sa kanya sa apat na gwapong propesor ng campus. Ang plano lang niya ay makatapos nang tahimik, pero napasok siya sa isang lihim na set up na puno ng tukso at bawal na pagnanasa. Ngunit paano kung sa gitna ng larong bawal ang puso, siya mismo ang unang madapa? Sa bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog siya sa apoy ng kanilang lihim na relasyon. Ang mga lalaking dati’y simpleng pantasya lang, unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. Ngunit sa likod ng halakhak at init, hanggang kailan niya kakayaning itago ang kasalanang ito? At sa apat na lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal sa paraang bawal… sino ang pipiliin ni Cheska sa dulo ng lahat ng tukso?
Romance
188 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Escape Marriage

Escape Marriage

vintaegexmc
Talulla Fay Zelda, nag-iisang anak ng isang sikat na mag-asawa na may-ari ng malaking kumpanya sa may Cavite. Lagi siyang sunod-sunuran sa bawat sabihin ng mga magulang niya at alam niya sa sarili na nakakasakal na ang gano'n na sitwasyon o sistema, kaya nang sabihin sa kaniya ng mga magulang niya na ikakasal siya sa isang anak ng mga Osvaldo, ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya 'yon. At ang lalaking iyon ay si Sebastian Kenji Osvaldo, na siyang magiging Heir ng isang sikat na magazine company sa buong bansa at kilala rin internationally na, Dazzle Company. Kilala si Sebastian na mabagsik at hindi napapaamo sa kahit sino man. Wala itong pinapansin kung hindi naman trabaho ang usapan. Giginhawa kaya ang buhay niya sa piling ni Sebastian? O mas lalo lang gugulo ang inaasam niyang kalayaan sa buhay?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO & Secret Mafia Wedding Dare

CEO & Secret Mafia Wedding Dare

Si Kiashandra Eal Yie na mas kilala sa tawag na Kiey, ay anak ng dalawang bilyonaryo sa iba't-ibang bansa, subalit isang malaking sindikato ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag ina, na naging dahilan kaya nabuhay sa mahirap na pamilya si Kiey. Inalagaan siya ng dalawang mag kasintahan hanggang sa magkaroon na ito ng tamang pag iisip, at nag decision na tumira mag isa sa ibang unit, sa murang edad ay binuhay niya ang kaniyang sarili at tinustusan ang kaniyang pag-aaral. Sa ngayun siya ay kasalukuyang 23 y.o at malapit naring matapus ang kaniyang kurso sa kolehiyo, mayroon siyang boyfriend na halos 5 years narin ang relasyon nila kung kaya tiwala na siya dito, nag decision na silang mag pakasal ngunit isang secreto ang natuklasan niya, isang araw sa hindi inaasahan naabutan niya ang isang kababalaghan sa pagitan ng kaniyang boyfriend at ng matalik niyang kaibigan na naging dahilan ng kanilang pag hihiwalay, dahil naintindihan na niyang hindi talaga siya ang mahal ni Jhave at ginagamit lang ang mga disinyo niya para ma promote si Jhave bilang isang derector designer, masakit para kay Kiey ang mga nalaman niya, pero wala siyang pinag sisisihan doon, dahil iyun ang tama. Ngunit sinong mag -aakala na magbabagu ang lahat sa buhay ko dahil lang sa pangyayaring iyon? At dahil lang sa isang laro makikilala ko ang taong totoo akong mahal at kayang gawin lahat para saakin, dahil lang sa isang kasunduan sa laro ay magbabago ng malaki ang takbo ng buhay ko, sino ang mag aakala na ang isang CEO at Secret Mafia ay mahuhulog saakin, dahil lang sa isang aksedenting pag kikita ay mag babagu ang lahat na kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahan. Muntik konang isumpa na hindi na ako magmamahal ulit, dahil naniniwala ako na lahat ng lalaki ay pa
Mafia
304 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HIRAM NA PAGMAMAHAL

HIRAM NA PAGMAMAHAL

Matagal ng pinapantasya ni elena si IVAN MONTANEGRO isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang bayan.bata pa sila crush na niya si ivan..Subalit malayo ang kanilang antas sa buhay at hindi rin sia pinapansin nito..dahil sa mahirap lng ang pamilya nila.ang nanay nia ay kusinera ng pamilya Montanegro at ang tatay nia ay dito rin nagtatrabaho bilang magsasaka.May pag asa pa ba ang puso niya sa binata..,?makakaahon pa ba sila sa kahirapan..?
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

Mican
Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangahasan nila, nagising nila ito at napakawalan nila ang sumpa na lumulukob sa dalagang naandoon. Sa pag-gising ng dalaga sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa bakasyon nilang iyon at sinisisi ng dalagang si Cassandra, na natagpuan nila sa ilalim ng basement, ang mga kababalaghang iyon sa mangkukulam na nagkulong sa kaniya sa sumpang pagtulog sa mahabang panahon. Paano nila matatakasan ang kababalaghang kalakip ng dalagang nagising nila? At sino nga kaya ang mangkukulam na gumugulo sa kanila at pati buhay nila, ay nasa bingit na ng kamatayan? Makakatakas pa nga ba sila kapahamakang iyon? O kamatayan din nila ang kahihinatnan ng kapangahasan nila? Dark Fantasy CollectionSLEEPING BEAUTY@KamijoMican
9.655.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status