Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02
Spring’s POV
Sa loob ng Syzygy Axis Headquarters, napatitig ako sa digital control panel na nasa gilid ng p***o. Sa gitna ng screen, nagniningning ang obra ng minimalist monochrome logo ng Syzygy Axis. Napakaganda nito—ang Stellar Silver na monogram ng titik 'A' ay tila isang matikas na baluti, habang ang Nova Gold na diagonal line na tumatagos sa gitna nito ay nagpapaalala sa akin ng limang lalaking handang itaya ang lahat para sa kanilang mga bituin. Ang limang nagniningning na tuldok—sina Sirius, Orion, Neptune, Rigel, at Archer—ay tila mga bantay sa gitna ng Obsidian Matte Black na background.