Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secretly Loving You (Tagalog)

Secretly Loving You (Tagalog)

Mark Ivan Barcelon and Eizel Francine Story (Hello, sa nakabasa na po ng Book 1 ng MY STALKER, eto na po ang kwento ni Eizel at Ivan, Bestfriend at kambal ni Kisha. Enjoy Reading!) Si Eizel ay may lihim na pag-ibig kay Ivan, ang kambal ng kanyang matalik na kaibigan. Ang magmahal niya dito ay hindi madali, pero para kay Eizel, walang mahirap pagdating sa pag-ibig. Mula pagkabata, may pagtingin na siya kay Ivan, at habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman niya. Natatakot siyang umamin dahil baka layuan siya nito at hindi na pansinin. O mas takot siyang masaktan sa magiging sagot nito. Kaya't nakukuntento na lang siya sa pagtingin mula sa malayo at pag-silay. Matapang siyang babae, pero pagdating sa nararamdaman niya kay Ivan, wala siyang lakas ng loob na umamin. Pero dahil sa suporta ng kanyang kaibigan sa kabaliwan niya, nakapag-isip siya ng paraan kung paano unti-unting makuha ang atensyon nito. Tinext niya ito at nagpakilala sa ibang pangalan. Hindi siya sumuko kahit napaka-ilap nito sa text at chat. Hindi naman nasayang ang effort na ginawa niya. Napansin din siya nito. Pero paano kung nakuha na niya ang atensyon na matagal na niyang inaasam? At hiniling nito na magpakilala na siya at magpakita? Kaya ba niyang sundin ang hiling nito? Handa na ba siyang harapin ang lalaking mahal niya? Tatanggapin kaya siya nito kapag nalaman na siya si Eizel Francine Evangelista, ang bestfriend ng kambal niya, ang babaeng nasa likod ng lahat? ************************
Romance
9.8101.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Sweetest Downfall (Tagalog)

My Sweetest Downfall (Tagalog)

Buong akala ni Hope Vasquez ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo nang pakasalan siya ni Dr. Isaac Monteverdi, ang lalaking pinapangarap niya simula pa noong bata pa lamang siya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ang dahilan lamang ng pagpapakasal ng lalaki sa kaniya ay para sundin nito ang kagustuhan ng kanilang mga magulang at para na rin takasan nito ang masakit na alaala sa dating kasintahan. Hope gave her all for Isaac para matutunan din siya nitong mahalin. She even gave up her glamorous career in show business and became the kind of wife every man dreams of. Subalit gumuho ang kaniyang pangarap na mamahalin din siya ng asawa nang biglang bumalik sa buhay nito si Angenette, his first love. Kung kailan nagsisimula niya nang makuha ang loob ni Isaac ay saka naman ito bumalik para bawiin ito sa kaniya. Despite of everything Isaac did that could ruin their marriage, Hope remained loyal to him. Handa siyang magpakatanga at tanggapin ang pagtataksil nito as long as na hindi siya iiwanan nito. Subalit isang trahedya ang nagpabago sa kaniyang pananaw at sa pag-ibig niya para rito na buong akala niya ay walang katapusan. She wanted revenge. Gagawin niya ang lahat para iparamdam dito ang sakit na pinaramdam nito sa kaniya. She's willing to risk everything para maisagawa ang paghihiganti niya kahit pa ibig sabihin n'on ay kailangan niyang gamitin si Zeke, ang best friend niya na totoong nagmamahal sa kaniya. Saan kaya hahantong ang paghihiganti niya?
Romance
105.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Thorns Between Two Lovers

Thorns Between Two Lovers

Giovanni is being compromised by his beloved mother to become a full pledge priest someday as his mother's promised when he survived from a terrible accident when he was a 4 year old. Being an obedient and only son of his parents, walang siyang nagawa kundi sundin ang kanyang Mahal na ina. Since he started junior high, he serves as an altar boy on their city parish church. "Are you sure that you want our only son enter the seminary after his graduation? Seryosong tanong ni Don Nicolas sa asawa. "And what makes you think na magababago isip ko Nicolas?" alam ni Donya Esmeralda ang iniisip Ng kanyang Mahal na asawa, nag aalala ito na walang magmamana ng kanilang Multi-million businesses at magpapatuloy Ng kanilang angkan Ng mga Ricablanca. Nasa huling taon na sa pagpapari si Giovanni sa seminaryo at kailangan nyang dumaan sa isang Malaking pagsubok bago siya ordinahan bilang isang pari. Kailangan nyang gugulin ang natitirang isang taon sa labas Ng seminaryo. Eksaktong siyam na taon lumabas siya Ng semenaryo upang subukin kung talagang nasa pagpapari ang kanyang buhay. In his mind and heart, he is already decided in this vocation, but fate seems to be playing him around. Dalawang buwan na lang at oordinahan na siya Ng makilala ang kauna unahang tao na hindi mawala sa isip nya, nakapag papapula sa kanyang mukha pag tinititigan siya, at higit sa lahat Parang tinatambol ang kanyang puso sa bilis nitong pagtibok pag nakikita Niya ito. Ito ay sa katauhan Ng isang babae, si Jessica. Ito na yata pinakamagandang babae na nakita nya. Will he able to fulfill his mother's dream or will he able to satisfy his heart's desire? But deep in his heart, he needs to choose one because loving both of them is breaking all the rules.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
This Marriage Life Is Not Easy!

This Marriage Life Is Not Easy!

S.N.ALIAS
Cire Lishe married into the behemoth head of Vari Family. Sabi-sabi na ang taong mapapangasawa niya ay isang paranoid, neuoropatic at pervert na hindi makatayo habang buhay sa kanyang wheelchair. Ngunit sa harap ng bilyun-bilyon mga salapi, she gritted her teeth turning a blind eye from everyone's ridicule. She is ready to marry the disabled man thinking of future life doing nothing but eat and sleep. But after two years of marriage the next morning she wakes up from a strange dream. Isang panaginip tungkol sa kanya na pinalitan ng ibang soul, isang multo mula sa ibang mundo ay ninakaw ang kanyang katawan, pagkakakilanlan, at kayamanan. Ayon sa panaginip ay nabubuhay sila sa isang nobela na mary sue, may group petting mula sa mga bigwigs, at ang kanyang katawan ang sisidlan ng babaeng bida sa mundong ito. Yakap-yakap ang mahigpit niyang katawan, nakaramdam siya ng krisis sa kanyang buhay na mas nakakatakot pa sa pagpapakasal sa isang paranoid husband, dahil malapit na siyang ilabas sa sariling katawan ngayong gabi. Cire Lishe: Ghost wants to rob my body, help online! Pagkatapos kumonsulta sa isang magaling na shaman sa internet ay pinayuhan siya ng tatlong bagay. Una, dapat niyang hiwalayan ang pangunahing lalaki! Pangalawa, dapat siya ay kasuklaman ng maraming tao! Pangatlo, kailangan niyang subukang patayin ang sarili! Lahat ng mga bagay na ito ay dapat sundin nang naaayon. Matapos halos gawin ang lahat para maiwasang may magnakaw sa kanyang katawan, may nararamdaman siyang mali, is why the male lead's legs are working, and it is very good at overworking every night. Her waist hurt every morning... This is not a life of only eating and sleeping, and she was scam!
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Seeking For His Heir

Seeking For His Heir

DimpleEver
Princess Symphony Tejana came from an average and simple family, she's being hate by her own mother dahil sya ang sinisi nito sa pagkamatay ng kanyang ama. Kinailangan nyang suportahan ang sarili upang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng pait ng kanyang kapalaran. Mabuti na lamang at palaging nasa tabi nya si Arc, ang kanyang bestfriend. Archie Damian Esquivel, a hot bachelor at his age, he's been very obidient to his parents. Ngunit dumating ang puntong nagsawa na syang sundin ang kagustuhan ng mga ito, dahil kahit na ang pagpili ng kanyang mapapangasawa ay pinanghimasukan na ng mga ito, kaya naman napilitan syang umalis sa poder nila at iwan ang karangyaan. He lived independently at naging masaya sya kasama ang matalik na kaibigan. Ngunit tila napasukan ng masamang hangin ang utak ng kanyang kaibigan. She wants to have a child, but don't want to have a relationship with any man. At sya pa talaga ang pinapahanap nito ng lalaking pwedeng makasama hindi lamang isang gabi, kundi hanggang sa makabuo ito ng sanggol sa sinapupunan nito. Will he allow the craziness she had in her mind? Papabayaan nya bang basta na lamang anakan ng kung sino ang babaeng pinahahalagahan nya na higit pa sa sariling kapatid? Dahil sa pag-aalala sa kabaliwan na naisip ni Pris ay nawalan sya ng choice kundi i-offer ang sarili sa dalaga. It would be better kung sa kanya manggagaling ang semilyang itatanim dito. Magtatagumpay ba ang kanilang gagawin para sa sariling kapakanan ni Pris? Kung magkakaanak nga sila, Is he willing to be treated only as co parent? No strings attached. Papayag ba sya sa gusto nito na angkinin ang anak na sarili nya lamang, mula sa apelyido hanggang sa pagbuhay dito? As if he never contributed anything to their child?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
12345
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status