The Sugar Baby
“Ipinapangako kong mamahalin kita, aalagaan, iintindihan sa abot ng aking makakaya. Mag-uusap tayo palagi, hindi lalayasan ang problema. Magpapatawad palagi. Hanggang sa pagtanda natin, ikaw at ikaw lang ang aking mamahalin kahit na ano man ang mangyari. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Xian Pierce Herrera.”
Umiiyak pa rin na isinuot ko ang singsing sa daliri nito. Isinuot nito ang kamay sa belo para pahirin ang luha ko na ikinangiti ng lahat ng nanonood. Nagtawanan ang lahat ng tumikhim ito at mula sa bulsa ay may inilabas ding papel.
“Advance sorry na rin po sa lahat dahil hindi lang po si Xylca ang may kodigong dala. Ako rin po at mahaba-haba rin po itong akin.”
الفصول الرائجة