The Billionaire Soldier and the Heiress Doctor
The Billionaire Soldier & The Heiress Doctor
Dalawang bilyonaryo. Isang maputik na bundok. Isang malaking kasinungalingan.
Si Dr. Seraphina Villaraza ay ang nag-iisang prinsesa ng pinakamalaking medical empire sa bansa. Para takasan ang isang arranged marriage, nagtago siya at nag-volunteer sa isang liblib at mapanganib na military outpost sa kabundukan ng Lopez, Quezon. Ang kwento niya sa lahat? Isa siyang dukhang iskolar na baon sa utang.
Si Captain Niguel Arandia ay ang kinatatakutang lider ng Special Forces. Ang hindi alam ng kanyang mga tauhan, siya ang "black sheep" at tagapagmana ng bilyun-bilyong halaga ng Arandia Conglomerate. Ang kwento niya sa kampo? Araw-araw siyang nagbubuwis ng buhay sa mga delikadong misyon para may maipakain sa kanyang pamilya.
Nang magkrus ang landas nila sa gitna ng digmaan at putik, sumiklab ang isang laro ng asaran at pagpapanggap. Nagtitiyaga sila sa sardinas at instant noodles para mapanatili ang kanilang mga sikreto, habang pilit nilalabanan ang nakakapasong tensyon sa tuwing magsasara ang flap ng kanilang medical tent.
Sa gitna ng ulan, panganib, at mga nakaw na sandali, tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Nangako silang aahon sa "kahirapan" nang magkasama.
Ngunit pinaghiwalay sila ng isang madugong trahedya.
Dalawang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang mga landas—hindi sa isang madungis na kampo, kundi sa isang marangyang VIP Charity Auction sa Maynila. Wala nang mga pekeng utang at butas na uniporme. Dalawang bilyonaryong puno ng pride, galit, at matagal nang naipong pagnanasa ang maghaharap.
Handa na ba silang isuko ang kanilang mga ego, o ang paghihiganti ba ang magiging bagong laro nila sa ibabaw ng kama?