Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger

Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger

Tinaguriang most eligble bachelor in town, owned a multi billionaire company pero iyon nga lang wala sa vocabulary ni Archer ang salitang "Relasyon o Marriage" para sa kaniya laro-laru lang ang lahat. Hindi niya na raw kailangan ng babaeng makakasama niya pera lang ang mahalaga sa kaniya. Kung usapang tawag ng laman madali lang sa kaniya iyan dahil may pera siya. Nagbabayad siya ng mga babaeng pera lang ang habol at basta na lang binibenta ang laman para lang sa pera. Pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang gabi ng pagtatalik nila ng isang babaeng bayaran, sa lahat ng babaeng naikama niya iyong babaeng iyon lamang na may butterfly tattoo sa likod ang kakaiba para sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam ng gabing iyon. Kakaibang sarap ang pinaramdam sa kaniya na hindi niya kailanman natikman sa mga naunang naikama niya. Ngunit nagising siya nang wala na ito sa tabi niya at nag-iwan na lamang ng isang sulat bilang pasasalamat sa isang gabi na puno ng ligaya. Binalikan ni Archer kung saang bar niya nakuha ang babae ngunit bigo siyang makita pa ulit ito at hanggang sa kasalukuyan ay pinapahanap niya pa rin ito. Hanggang sa nag-krus ang landas nila ni Choleen, ang pamangkin ng isa sa mga katulong nila. Pinasok ito bilang katulong sa isa sa mga resort nila, Doon na nagsimula ang kwento nila, noong una ay akala niya nangbu-bwesit lang ito dahil sa mga sunod-sunod na kapalpakang ginagawa sa trabaho. Doon niya lang nalaman na wala pala talaga itong alam sa kahit anong trabaho at gawaing bahay. Sa tinatagal-tagal nakayanang pagtiisan ni Archer ang pagiging inosente ni Choleen. Ngunit isang madilim na sekreto pala ang nakabalot sa pagkatao nito, malalaman kaya ni Archer na ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay nasa harapan niya na mismo.
Romance
10917 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
101112131415
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status