Love Revenge Game
Napaayos na lang ako nang upo dahil magsisimula na ang panayam, sermon, at debate namin.
Agad s'yang lumapit sa puting pisara at kinuha ang panulat para rito.
“Love Revenge Game,” saad niya sabay sulat sa whiteboard ng pariralang `yon.
“How did you invented that phrase, Ms. Crystal Fernandez?” pagtatanong ko sa kaniya sabay taas ng kilay.
Mabilisan niyang hinampas ang mesa ko kaya napatalon ako sa gulat. “It doesn't matter, Mr. Villaruel. The significance having this game was to get vengeance to a maiden,” pangangatuwiran niyang aniya.