Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
.

.

BUBURAHIN NA PO ITONG STORY INAANTAY LANG NA BURAHIN NI SENIOR EDITOR ANG STORY NA TO PASENSYA NA POOOOOO I
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10683 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
Romance
197 viewsOngoing
Read
Add to library
Anticipating

Anticipating

Tipikal na babae lamang si Sheryll Denubre, masipag, mapagmahal sa magulang pero tila lagi na lang siyang may kaakibat na malasan. Ngunit ni minsan ay hindi iyon naging hadlang para pilitin niya makamtan ang ninanais na kaligayahan. Pero dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa kanyang buhay ay napilitan siyang makagawa ng ilang bagay na hindi niya lubos akalain na makapagbabago sa kanyang buhay.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

LightStarBlue
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
History
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )

Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )

*The Queen And The Freak (Filipino/Taglish Edition)* --- Si Blair ay isang bampira na kakalipat lang mula sa Transylvania upang maranasan ang buhay ng isang normal na tao kasama ang kanyang ina-inahan sa Amerika. Nakilala niya ang isang nakakabighaning dalaga na nagngangalang Pryce, na buong akala nya ay kinasusuklaman siya sa kadahilanang hindi maganda ang kanilang unang pagkikita. Lahat ay nagbago sa buhay ni Blair nang 'di niya inakala na darating ang panahon na mahuhulog siya kay Pryce, na hindi pala isang normal na tao, ngunit isang werewolf na nalalapit na ang awakening. And none of them knew na si Pryce ay hindi lamang isang ordinaryong werewolf kundi ang nakatadhanang reyna.
Other
1016.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Chain the Truth

Chain the Truth

Hannah
Ang SCI ay isang ahensyang humahawak sa mga murder case. Nabuo ang grupo nang Special Crime Investigation na kung saan ay pinangungunahan ni Police Captain Luna Rose Enriquez. Hindi inaasahan nang kapitan na ang unang kasong hahawakan nila ay isang series crime na kung saan sunod-sunod ang pagpapatay nang mga krimal sa mga biktima nito. Noong una ay inakala nang kapitan na isang simpleng tao lang ang mga kriminal. Hanggang sa napagtanto niya na hindi sila katulad nang mga ordinaryong mamamayan. Walo na tauhan ang naatasang lutasin ang karumal-dumal na kasong ito at sila ay sina Police Captain Luna Rose Enriquez na isang investigator, Police Major Alexander Dawson na profiler, Police Major Austin Gray na isang police-lawyer. Kasama na rin si Police Lieutenant Celyn Cruz, Police Corporal Symae Floresca ay mga magaling na computer technician, Patrolman Nicky Romana na isang police-nurse, Patrolman Richard Samili na isang masuring police officer at sa Forensic and Medico-Legal Expert na si Lucy Cooper. Matalino at malupit na mga kriminal ang kailangan nilang hanapin at hulihin. Habang tumatagal ang pag-iimbestiga ay mas lalo pang nagiging agresibo ang mga kriminal. Hanggang sa dumating ang kinakatakot na mangyare ni Police Captain Luna Rose Enriquez…
Mystery/Thriller
3.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status