Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Deck Of Cards (Filipino)

Deck Of Cards (Filipino)

Red Auza
Si Azrael na kindhearted. Si Alexa na seryso at apo ng sindikato. Kailangan ni Alexa na makahanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon para sa kanya ibigay ng kanyang Lolo ang posisyon bilang susunod na Queen ng Shadow Syndicate. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Azrael na isang side walk vendor. Pinaimbestigahan niya ang lalaki at napag-alaman na akma ito upang maging asawa niya. Sa isiping mapapaikot niya ito gamit ang pera ay inalok niya ang binata na pakasalan siya. Ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing maghanap na lang siya ng iba dahil may iba ng nagmamay-ari ng puso niya. Lahat ginawa ni Alexa para mapa-oo si Azrael dahil kailangan na niyang magpakasal bago dumating ang takdang araw. Ngunit lagi siyang nabibigo dahil bukod sa ayaw nito sa kanya, may mahal na rin itong iba. Pero buo na ang desisyon ng dalaga na kukunin niya si Azrael sa kahit anong paraan. Dahil pa rin ba sa posisyon kaya gusto ni Alexa na makasal kay Azrael o may ibang hinahangad ang dalaga bukod sa titulong Queen ng sindikatong kinabibilangan niya na kay Azrael lang niya nakita?
104.8K viewsOngoingAdded to Library 157 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
My Billionaire Ex-husband Regrets

My Billionaire Ex-husband Regrets

"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?" Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot! Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta. Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na. "Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!" Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
9.530.5K viewsCompletedAdded to Library 641 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
One Night Stand With My President

One Night Stand With My President

Isang gabi ng pagkakamali. Isang lalaking walang maalala. Isang babaeng kailangang magpanggap na walang alam. Si Adeline Hensley ay isang tahimik at masipag na assistant sa Thomson Group—isang babaeng sanay ilagay sa huli ang sariling damdamin. Si Harrison Thomson naman ay isang makapangyarihan, malamig, at perpektong CEO na hinahangaan ng lahat… ngunit walang sinumang tunay na nakakakilala. Isang gabi, dahil sa isang madilim na sabwatan, nagtagpo ang kanilang mga mundo sa isang paraang hindi nila kailanman inakala. Para kay Harrison, isa lamang itong gabing wala sa alaala. Para kay Adeline, isang gabing tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Habang inuutusan siyang imbestigahan kung sino ang babaeng nakasama ng kanyang boss, unti-unti namang nahuhulog ang loob ni Adeline sa lalaking hindi niya maaaring angkinin. At habang unti-unting nararamdaman ni Harrison ang kakaibang paghila ng damdamin patungo sa sarili niyang assistant, hindi niya alam na ang babaeng hinahanap niya… ay matagal na niyang kasama araw-araw. Sa gitna ng mga lihim, intriga sa opisina, at mga pusong takot umamin— Magiging sapat ba ang pag-ibig upang labanan ang katotohanang itinago? O tuluyang mawawasak ang lahat kapag lumabas ang sikreto? Isang kwento ng pag-ibig na isinilang mula sa pagkakamali… at susubukin ng tadhana.
539 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
1021.4K viewsCompletedAdded to Library 857 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

Miss Virgo
Dahil sa pamimilit ng magulang ni Griffin Zale Kellneer na ipakasal siya sa babaeng hindi naman nito minahal ay napilitan siyang pakasalan ang babaeng si Samantha Lagdamiyo.  Isang pekeng kasal kapalit ng limang milyong peso.  Sa loob ng isang buwan na nagsama sila sa iisang bubong, hindi man aminin ng dalawa ay minahal nila ang isa't-isa.  Walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya nung malaman ng magulang ni Griffin na peke lang ang kanilang pagsasama ay lumayo si Samantha dala ang perang kapalit ng kasal.  Makalipas ang limang taon nagbalik si Samantha dala ang batang babae, ipinakilala itong anak ni Griffin.  Ngunit sa hindi inaasahan ay ito rin ang naging hudyat ng pagkamatay ng ama ng binata.  Labis ang pagsisi ni Samantha dahil kinamuhian siya ng lalaki at ito rin ang dahilan upang hindi tanggapin ng binata ang pinakilala nitong anak. Ngunit tila mapaglaro ang panahon, dahil isang pagkakamali ang ginawa na paghihiganti ni Griffin kay Samantha. Mapapatawad pa kaya niya ang babae? Maibabalik pa ba niya ang kanyang pagmamahal kay Samantha? O mananatili na lang ang kanyang pagkamuhi sa babae? Gayong kailangan siya ng babae ng magbalik ito sa kanyang buhay. 
101.1K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Pangarap Kong Matikman Ka

Pangarap Kong Matikman Ka

Ikakasal na lang ang bachelorette na si Alina Lovia, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang napunta sa tapat ng isang lumang apartment habang nakasuot pa rin ng wedding gown. Laking-gulat niya nang tumagos siya sa dingding ng apartment na ‘yon at doon niya nakita ang isang lalaking hubu’t hubad habang nilalaro ang sarili nitong ari. Doon niya napagtanto na para bang isa na lamang siyang kaluluwa. Hindi niya alam kung paano siya namatay o kung may pumatay ba sa kaniya. Habang kaluluwa na lang siya, doon niya nalaman kung sino sa pamilya niya ang kakampi, kaaway at kung sino ang nagmamahal sa kaniya. Habang tumatagal din na palagi siyang nakabuntot kay Corvus Ferrara at napapanuod niya ang ginawa nito habang nakahubu’t hubad ay tila ba natatakam na siya sa rito. Naging pangarap niyang mabuhay ulit para kay Corvus. Naging pangarap niya na matikman ito. Ano ang magiging koneksyon ni Corvus Ferrara sa kaniya? Bakit siya lang ang nakarinig at nakikita sa kaniya? Ito ba ang makakatulong sa kaniya para malaman kung ano ang nangyari sa kaniya at kung sino ang pumatay sa kaniya? Pero ang magandang tanong, tutulungan kaya siya ni Corvus?
1083.0K viewsCompletedAdded to Library 2.7K Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Miss Runaway Bride Meets Mister Billionaire

Miss Runaway Bride Meets Mister Billionaire

"Alejandro Mercado Tan tinatangap mo ba si Daniella Cris Aguadar Delvante na maging iyong kabiyak habang buhay sa hirap man o sa ginhawa?" tanong ng pare kay Alejandro. "Yes Father." Deretsong sagut ni Alejandro. "Ikaw naman Daniella Cris Aguadar Delvante tinatangap mo ba si Alejandro Mercado Tan na maging iyong kabiyak habang buhay sa hirap man o sa ginhawa?" tanong ng pare kay Alejandro. Tama ba ako, ako ba na ba yong tinanong ng pare?? Sandali lang hindi ako ma kapag isip kung ano ang sasabihin ko. Tinignan ko lang si Alejandro at hinihintay nya kung ano ang sagot ko. Yes din ba??? bigla ulit na may kong anong ala-ala ang bumalik sa isipan ko, ano tong mga naaalala ko kasal ako sa iba " I Do, I love you pag papakasal ako sayo ---" Naputol ang pag iisip ko ng mapukaw ako ng boses ni Alejandro. "Daniella tinatanong ka ni Father." Nakangiting sabi ni Alejandro sakin. Hindi aka maka pag salita may mga ala-alang bumabalik sakin at hindi sya yont taong damat na papakasalan ko alam ng puso ko dati pa kinasal nano sa iba. Miss Runaway Bride finally meet her Mister Billionaire. Her great love Mister Lazaro.
1.1K viewsOngoingAdded to Library 21 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
1030.2K viewsCompletedAdded to Library 966 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
The Ruthless Mafia

The Ruthless Mafia

Sherly Sherly
At a young age, Maxwell has a lot of responsibilities on his shoulder left by his dead parents. He has to take care of his sister and the Mafia organization. He grew up being a ruthless. He can kill you in just one snap... Until Tessa came. Sa kabila ng paghihiganti ay hindi na namamalayan ni Maxwell na mahuhulog na pala siya kay Tessa. Maxwell will risk everything for Tessa. Sabi nila, ang pagmamahalndaw ang pinakamakapangyarihang sandata, totoo iyon. Maxwell will risk everything for Tessa, kahit pa kapalit non ay buhay niya.
1.6K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
The Rich Man's Fall

The Rich Man's Fall

A marriage of convenience sa pagitan ni Issa at real-estate billionaire na si Vince Sevilla. She's left with no choice but to come to terms with the devil. Upang isalba ang magulang sa pagkakabaon sa utang sa binata'y pinakasalan niya ito. But the Sevilla was a thorn in the past. Nangakong hindi siya iibig kay Vince, but not until Lucy—ang babaeng susukat sa tunay na kahulugan ng salitang "karibal" sa puso ng kanyang asawa. Nagising siya isang umaga na tila siya estranghero sa paningin ni Vince at si Lucy ang bukod-tanging naaalala nito...
941 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status