Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Game With The Billionaire Twins

Love Game With The Billionaire Twins

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Thank God I Found You

Thank God I Found You

si Bryan Calvin des conde," ay isang governor nag lalawigan Ng Quezon, Siya ang pumalit SA kanyang ama na nag retired na bilang gobernador? SA edad niyang 38 year's old masasabi na stable na ang pamumuhay niya bilang isang negosyante at gobernador, nang bayan, my hoping Lang Siya SA mAy kapal na madagal na niya dinarasal na Sana mahanap na niya ang babaeng para SA kanya!, si sandy Valera Lorenzo napadpad SA Pilipinas para takasan ang tungkulin niya at ipaubaya SA kanyang Mahal na kapatid ang nais Lang niya ay semple pamumuhay, Pano kaya Kung pag dagpuin sila Ng tadhana?
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly Owned By The Hot Mayor

Secretly Owned By The Hot Mayor

CONTENT WARNING: This story contains mature/adult content, violence, swears or curses, murder, and disturbing scenes. He has power and he rules people. Ludwick Dargan has nothing to lose. Bilang panganay sa limang magkakapatid, walang ibang role sa kaniyang buhay si Ludwick kung hindi ang maging perpekto—perpektong anak at public servant. At para manatiling perpekto sa mata ng pamilya at nasasakupan, gagawin niya ang lahat para mapanatili ang paghanga ng karamihan, kabilang na doon ang pagtago sa kaniyang kasintahang si Sadie. Pero isa lang si Sadie sa mga itinatago niya. Sa likod ng napakaguwapo niyang mukha at napakabangong pangalan ay ang ilan pang sekretong walang sino man ang puwedeng makaalam.
Romance
109.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.
Romance
10438 viewsOngoing
Read
Add to library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Florist In Dangwa

The Florist In Dangwa

MissJAM
Bata pa lang ay namulat na si Alie sa kahirapan ng buhay. Naiwan sa pangangalaga niya ang kapatid na may kapansanan dahil maagang nawala ang Tatay niya at iniwan naman sila ng Nanay niya para sumama sa mayamang lalaki. Hindi niya gustong lahatin pero ang tingin ng mga mayayaman lahat ay naaareglo ng pera. Kaya naman ng magdalaga at magka-isip ay galit na siya sa mga nakakaangat sa buhay at wala siyang balak makipagmabutihan sa mga ito. Pero dumating si Erwann Vallejo para ipamukha sa kanya na hindi lahat ng mayaman ay ganoon. Tanggap nito kung ano siya at ganoon rin ang kapatid niya. He has everything and he's willing to give it to her. But one unfortunate event will ruin her life and what they have.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

Lumaking independent si Kalina, babad sa trabaho at walang ibang gusto kundi ma-promote at mapatunayan ang kaniyang kakayahan. Sa rami ng plano niya para sa sarili, wala rito ang matali sa kung sinong lalaking hindi naman niya mahal. Kaya naman nang malaman niyang niloloko siya ng kaniyang mapapangasawa, isa lang ang naisip niya—to runaway. Si Cain Valvares, ang anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Kalina. Malupit na amo at laging seryoso kaya naman kinatatakutan ng lahat sa opisina. Para maging CEO, may binigay na kondisyon ang ama nito: kailangan niya munang magpakasal. Isang kasunduan sa pagitan ng dalawa. Isang sikretong kasal na pareho silang magbebenepisyo. Sa pagitan ng CEO at secretary, imposible nga bang may pag-iibigan na mabuo?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ESCAPE From My Estranged Husband

ESCAPE From My Estranged Husband

Mahirap lamang si Cory Luna. Isang singer sa High End Bar. Nang makilala niya si Eliseo Andrew. Ang unang pagkikita ay naging isang gabi na nagpabago sa buhay ni Cory. Umalis si Cory para maiwasan si Ely. Dahil para sa kanya hindi sila nababagay. Isang mahirap at isang mayaman. Malayong malayo ang kanilang agwat sa buhay. Gaano ba kahirap ang magmahal? Hanggang kailan ko tatakasan ang taong minahal mo dahil lang sa pagkakamali? Mamahalin mo pa kaya siya kung palagi ka na lamang iiwan niya?
Romance
1012.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status