Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Woman's Unparalleled Love

A Woman's Unparalleled Love

"Ganyan ka ba talaga kadesperada, Airith? Pati kapatid ko ay pipikutin mo para lang guminhawa ang buhay mo? Pera lang ba talaga ang habol mo sa isang lalaki?" Iyan ang katagang dumurog sa puso ni Airith sa muli niyang pagbabalik sa bahay ng pamilya Vergara, lalo pa't nagmula mismo ang mga salitang iyon sa dati niyang asawang si Sebastian. Anak ng pinakamayamang negosyante sa kanilang syudad si Airith Almazan, pero inilihim niya ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Vergara. Kaakibat ng kontrata nilang kasal ni Sebastian ay itrinato lang siya sa pamamahay ng pamilya nito na higit pa sa isang katulong sa loob ng isang taon, hindi bilang isang manugang. Hindi lang iyon, napagdesisyunan pa ni Sebastian na makipaghiwalay sa kanya sa parehong araw na ibabalita niya sana rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Makalipas ang dalawang taon, isang araw ay ipinadukot siya ni Stephen, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Humingi ito ng tulong sa kanya at inalukan siya nito ng isang pekeng kasal upang tuluyan na nitong manahin ang kumpanya at maisalba sa nagbabadyang pagbagsak. Nalaman niya mula rito na mayroong makapangyarihang tao ang umaatake sa kumpanya ng pamilya Vergara kaya ito nalagay sa ganoong sitwasyon. Saka niya lang din nalaman na kagagawan pala mismo iyon ng kanyang ama, upang kaparusahan sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Vergara noon. Sa kagustuhang ayusin ang ginawa ng kanyang ama, napagdesisyunan niya na tulungan si Stephen. Kasama ito ay muli siyang nagbalik sa bahay ng pamilya Vergara. Kalaunan, ang akala niyang pekeng kasal nila ni Stephen ay unti-unti na palang nagiging totoo kasabay ng unti-unting pagkahulog ng kanyang loob dito.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Chosen One

The Chosen One

Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?
Paranormal
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
499 viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy (Eyes Series #1)

Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy (Eyes Series #1)

Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan itong may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. Queen yan ang tawag sa kaniya ng karamihan sa mga estudyanteng nasa pinapasukan nitong eskwelahan. Isa siyang spoiled brat princess ng kanilang pamilya at yan ang pagkakaalam ng mga estudyante doon. Sa Campus nila ay maraming takot sa kaniya, walang nakakahawak sa kaniya (maliban sa mga kaibigan nito) dahil sa angking nitong taray at pagiging matapang, wala itong kinatatakutan dahil siya ang kinatatakutan. Pero sa kabila nang ganyan niyang ugali, may mabuti rin naman itong puso. At dahil sa business ng kaniyang pamilya ma-a-arrange siya sa isang kasalan na minsan ay hindi niya ginusto at hindi niya lubos na maisip na mangyayari. At ang masaklap pa, sa nerd siya maikakasal. Ano na lang kaya ang sasabihin ng iba kung malaman nila iyon? Na ang isang sikat at hinahangaan ng lahat ay maikakasal sa isang nerd a si EFRAIM CARTER.
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Lost Acceptance [Tagalog]

Lost Acceptance [Tagalog]

Ang tunay na nagpapatawad ay taos-puso, bukal sa loob, at hindi pilit. Ang pagtanggap sa patawad nang walang pag-aalinlangan ay magpapalaya sa masakit na nakaraan. Ngunit paano kapag nabulag siya sa galit? Galit na nakalalason, galit na mapanganib, at galit na patuloy kinukulong sa pagkatao. Makakalaya kaya siya? Sinong magtutulak? Sa anong pagkakataon?
Urban
107.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Captive by Lust Lover

Captive by Lust Lover

Tungkol sa isang mayaman at maimpluwensyang lalaki na na-inlove sa isang lady stripper. Si Mariel ay isang stripper sa gabi nilang kaniyng partime at full time job niya ang maging housekeeping sa hotel sa umaga. Nag do-double job siya para matulungan niya ang nanay niyang may sakit. Malaki ang kaniyang medical bills kaya niya naisipang mamasukan bilang lady stripper. Mas mabilis ang pera , mas madali siyang makakaipon para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Babayaran ni Jacob ang kaniyang puri sa halagang 5million. Pumayag siya alang alang sa kapakanan ng kaniyang ina. Dahil sa pagkahiya niya ay tumayo kagad siya papunta sa banyo. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Jacob sa kaniyang likuran. Anong mangyayari kung malalaman ni Marielle na ang taojg kaniyang sinipa ang pagkalalaki ay siya pang may ari ng kaniyang pinagtatrabahuhan. Pano niya matatakasan si Jacob?!
Romance
1029.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Naging ampon ang isang batang babae nang dahil sa mapaminsalang plane crash. Gayundin, ang isang lalaki na babago sa buhay niya.Sa kasamaang palad, kasalanan ng tatay ng batang babae kung bakit naulila ang lalaking ito. Eight years old pa lamang siya nang dalhin siya sa Tremont Estate ng lalaking sampung taon ang tanda sa kanya. Akala niya noong una, dinala siya dito ng lalaki dahil sa kabutihang puso nito, hindi niya alam na nandito siya para pagbayarin ng kasalanan ng kanyang ama.Sampung taong inisip ng babaeng ito na may galit sa kanya ang lalaki, dahil mabait at maingat ito sa ibang tao pero masama ito sa kanya... Ipinagbawal sa kanya ng lalaki na tawagin siyang 'kuya'. Kailangan niyang tawagin ang lalaki sa pangalan nito - Siya si Mark Tremont, paulit-ulit niyang sasambitin ang pangalan na Mark Tremont hanggang sa tumatak ito sa kanyang isipan...
Romance
9.7475.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Manugang kong Hamak

Ang Manugang kong Hamak

Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Mysterious Baby

My Mysterious Baby

Sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa kanyang kalasingan naibigay niya ang kanyang katawan sa isang misteryosong lalaki na hindi niya kilala. Naglasing siya dahil sa walang kwenta niyang kasintahan na matagal na niyang boyfriend. Nagbabalak na rin silang magpakasal sana pero dahil sa natuklasan niya itong nakikipagtalik sa kanyang kababata. Hindi niya akalain na magagawa nila ito sa kanya kaya sa galit niya nag bar siya at doon niya naibigay ang kanyang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Inalok siya nito na magpakasal sa kanya na kanyang tinanggihan pero dahil sa lagi siyang inaabangan ng kanyang dating kasintahan tinanggap niya ito. It's a contract marriage na kanilang napagkasunduan. Isa itong kwento na magpapatawa at magpapaiyak sayo. Lot of thrills in this story.
Romance
1023.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

P.P. Jing
“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?!" "J-Jett, minahal kita. Pero si Gia na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---" "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo!" umiiyak kong sigaw at tumalikod. "No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako. "NOOO!! JEEETTT!!!" Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck. "JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck.  Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo. "CARCEL!!!" Na-comatose si Carcel sa loob ng limang taon, at nagising siyang may-amnesia. Nakalimutan niya si Gia, at ang pagmamahal sa akin lamang ang naaalala. Ngayon ay umaakto siyang parang hindi siya nagloko at halos magmakaawa sa akin na mahalin ko siyang muli kasama ng four-year-old naming anak na babae.
Romance
8.53.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status