The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Oleh:  EijeleichaaaaOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
19Bab
207Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

("Chai, baka pwede mo naman akong padalhan ng pera? Naputulan kasi kami ng tubig e.")

"Kakapadala ko lang, Ate, noong isang araw. Wala akong pera ngayon."

("Nagastos kasi namin. Baka pwedeng makahingi 'uli. Pasensya ka na, Chai.")

"Sorry, Ate. Wala talaga ako ngayon. Pasensya na."

("Sige, okay lang. Hahanap na lang kami ng ibang paraan.")

Napahawak ako sa sentido ko nang ibaba na ni Ate Jane ang linya. Ito ang unang beses na tumanggi ako tuwing hinihingian nila ako ng pera, at hindi ko alam kung bakit sobrang nakukonsensya ako ngayon.

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga at ibinalik ang pansin ko sa laptop. Kailangan kong matapos ang ine-edit kong video vlog ng client kong vlogger. Kapag natapos ko ito ngayon, makakapagpahinga naman na ako bukas.

Habang nakatutok ako sa laptop, tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Ate na naman, pero si Jillian pala, ang kaibigan ko noong high school.

"Hello," sagot ko.

("Sunduin kita later, okay?")

"Bakit?"

("Come on, Chaira. Lumabas ka naman d'yan sa comfort zone mo. Ayoko nang pumunta sa coffee shop para makita ka. Ikaw naman ang mag-adjust.")

Alam ko na ang ibig niyang sabihin, gusto niyang sumama ako sa kanila mamaya sa club na palagi nilang pinupuntahan.

"Sige, anong oras?"

Laking gulat niya nang pumayag ako sa unang pagkakataon matapos ang ilang beses nilang pangungulit. Hindi ko rin akalain na mapapapayag nila ako. Ayoko sa maingay at maraming tao, pero naisip ko, bakit hindi ko subukan? Baka naman maging masaya rin ako tulad nila.

"Ew, ano 'yang suot mo? Manang?" natatawang sabi ni Jillian, dahilan para magsalubong ang kilay ko.

Maganda naman ang suot ko, ah. White t-shirt, black jeans, at white rubber shoes.

"Alam mo, ang ganda-ganda at sexy mo, pero hindi mo alam kung paano gamitin," umiiling niyang sabi habang hinawakan ang kamay ko. "Pero dahil kilala kita, alam kong hindi bagay sa club ang susuotin mo. Buti na lang, nagdala ako."

"Ha? Pwede na 'to," sagot ko, pero hindi niya ako pinakinggan.

Hinatak niya ako pabalik sa condo, inilapag ang maliit na bag niya, at may hinugot na itim na fitted dress.

"Charan! OMG! Super sexy and pretty! Paano na ako makakahanap ng boys nito sa club kung sa'yo lang mapupunta lahat?"

Hawak niya ako sa balikat habang pinagmamasdan ang itsura ko.

"Eh, ano ba 'to. Hindi naman ako kumportable. Paano ko mag-e-enjoy kung ganito?" reklamo ko, sabay hatak pababa sa laylayan ng damit na halos kalahati lang ng hita ko ang natatakpan.

"Mag-e-enjoy ka kasi lalasingin kita. Kilala kita kapag lasing, nawawala ang sobrang tahimik na Chaira." Inirapan ko siya at lumabas na ng condo.

Kaya nga siguro gusto kong mag-isa kapag umiinom, dahil sa ugali kong pinagsisisihan ko rin kinabukasan.

"Cheers!" sigaw ni Jillian. Sabay-sabay kaming nagtaas ng baso at tinungga ang laman nito.

"Huy!" Napatingin ako kay Eloisa, isa sa mga kaibigan namin noong high school. "Tingin nang tingin sa'yo 'yung mga boys. Halos lahat na sa'yo ang atensyon. Panahon na siguro para ibigay na ang kepyas, baka mabulok," sabi niya, sabay tawanan nilang lahat.

"Baka sa inyo kamo ang mabulok, gamit na gamit ba naman."

"Gag*, 'wag mong ipagsigawan kung gaano kami kalandi," sabi ni Jillian habang tumatawa.

"Nalalasing na 'yan si Chaira. Ganiyan na sumagot, halatang tinatamaan na," sabi ni Eloisa, dahilan para tumawa na lang ako.

Hindi ko naiwasang mapatingin sa paligid. Marami ngang tumitingin sa akin, ang iba ngumingiti, ang iba kumikindat, at parang lahat interesado sa akin. Siguro dahil sa suot kong maiksi. Pero kahit hindi ako kumportable, pakiramdam ko magiging masaya ako ngayon.

Magiging masaya ako nang hindi na nag-iisa.

Dumating ang oras na marami na akong nainom. Nakakaramdam na ako ng hilo, at dito na nga lumalabas ang tinatago kong kat*ngahan. Bigla na lang lumalakas ang loob ko na magsalita ng kung anu-ano at sumayaw. May mga lalaking lumalapit, pero umiiwas pa rin ako.

"Mga p*kpok, iihi lang ako," sabi ko sa tatlo kong kaibigan. Naiwan sila sa table namin dahil ang tatlo pa naming kasama ay may nakilala nang mga lalaki.

Tumayo ako, pero gumegewang ako sa bawat hakbang.

Habang papunta sa banyo, nakasalubong ko si Jillian na natigil sa pakikipaghalikan sa isang lalaki nang makita niya ako.

"Mag-taxi ka na lang pauwi, Chaira, ah. Hindi na kita mahahatid. Sorry," sabi niya.

"Alam ko, bago pa ako sumama sa'yo dito," inirapan ko siya. Dahil sa irap ko, lalo lang akong nahilo kaya napahawak tuloy ako sa dingding. Bakit pa kasi ako umirap?

Nang malapit na ako sa banyo, kapit na kapit na ako sa dingding. Banyo pa lang, hirap na akong puntahan, paano pa kaya ako makakabalik sa condo nito?

"Need help?" tanong ng isang lalaki sa likod ko habang hinawakan ang braso ko.

"No-no tha-thanks." Aalisin ko na sana ang kamay niya pero napahinto ako nang humarap siya.

"I me-mean, ye-yes, I need help," nakangiti ko nang sagot.

Tatayo sana ako nang maayos pero biglang napasubsob ako. Napasubsob ako sa kaniya, sa dibdib ng isang seksi at pogi na lalaki.

"I need your help. I want you to make me happy tonight," sabi ko. Yumakap ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya.

Kamukha niya ang crush ko noong high school, ang kaisa-isang lalaki na nagustuhan ko noong teenager pa ako.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
19 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status