Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

⚠️SPG  "Bulag na Pagmamahal: Ang Kwento ni Rheana Belmonte" Si Rheana Belmonte, 20 taong gulang—bulag, ngunit marunong magmahal. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ibinuhos niya ang buong puso sa lalaking inakala niyang tagapagtanggol niya... si Darvey Gonsalo. Pero ang pag-ibig na inaakala niyang kanlungan, unti-unting naging impyerno. Nang dumating sa buhay nila si Cindy Buena, unti-unting naglaho ang halaga ni Rheana. Sa mismong tahanan nilang mag-asawa, nasaksihan niya—harapan—ang kababuyang ginagawa ng kanyang asawa’t kabit. Sa harap ng lipunan at ng pamilya ni Darvey, ibinaba siya sa pagiging isang katulong—walang karapatan, walang boses, at lalong walang dignidad. Ang masakit? Hindi lang siya binulag ng kapalaran, kundi pati ng pag-ibig. Hanggang kailan mananatiling martir si Rheana Belmonte? Lalaban ba siya sa sistemang sumira sa kanya—o mananatili siyang bulag habang tuluyang nilalamon ng karimlan ang kanyang mundo?
Romance
101.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.

Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.

Steven Zabala
Matapos mamatay ang tanyag niyang amang si Elias Y. Alison, kilala bilang isang magaling na paranormal expert sa bansa. Ipinasa kay Entice Y. Alison ang responsiblidad na ituloy ang tradisyon ng kanilang pamilya sa pagtataboy at pagpuksa ng mga masasamang espiritu. Ngunit sa kawalan niya ng kakayahan makakita ng mga hindi nakikita ng normal na tao, naging isa siyang "parang normal lang expert" kung saan nang loloko siya ng mga tao para sa pera. Hanggang sa isang chinese family ang nakabisto sa kanilang modus kaya ngayon nabaon sila sa utang na 200 Million. Dahil sa utang na iyon napilitan siya pumunta sa isang sinumpang Haunted Mansion kung saan niya makikilala si Acezekiel Asmodeus, isang Incubus na nag alok sa kanya ng isang deal, deal kung saan ipapagamit ni EYA ang katawan niya kay Acezekiel kapalit ng pag kalaban nito sa mga kaluluwang kailangan niyang mapuksa. Maibalik kaya ni EYA ang reputasyong nasira niya at paano niya mababayaran ang 200 million na utang niya?
Paranormal
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
From Rivalry to Rings

From Rivalry to Rings

Mula sa mahirap na pamilya si Natalie De Ocampo ngunit dahil sa kanyang pagtatyaga ay nagawa nyang makapagtapos ng pag aaral upang lumuwas ng maynila para mag apply sa kanyang pinapangarap na kompanya. Naging maganda ang resulta ng kanyang interview ay agad itong natanggap bilang secretary ng matandang chairman. Hanggang sa tumagal ay naging malapit ito sa chairman at lalong naging pabor ito sa kanya. Ngunit biglang may humadlang ng magkasakit ito at kinakailangang may pumalit sa kanya, Si Timothy McVeigh—ang tagapagmana ng McVeigh Company. Nalamang pinapaburan ng kanyang ama itong secretary kaya biglang naisip na baka kabit ito at gustong palitan Ang pwesto Ang kanyang ina kaya naisip na pahirap Hanggang sa magkainitan Ang dalawa. Sa di inaasahan, ang huling hiling ng chairman bago ito yumao ay maipakasal si Timothy at magkaroon ng apo. At ang kanyang mapapangasawa ay si Nathalie. Matatanggap ba ng dalawa ang isa't isa? O magpapatuloy parin ang pag iinitan dahil sa singsing na mapag Isa sa kanila?
Romance
10204 viewsOngoing
Read
Add to library
Arrangement Between Strangers

Arrangement Between Strangers

EMRLDX
"I-I just married a stranger!" Isang kasunduang kasal ang naganap sa pagitan ng mga estranghero, maisakatuparan lang ang kanya-kanyang layunin. Ang negosyo ng pamilya Alvarez ay unti-unti nang nalulugi na siya ring dahilan ng unti-unti nitong pagbagsak. Isa nalang ang paraan upang maisalba lahat ng pinaghirapan nila, iyon ay ang ipagkasundong ipakasal ang anak nilang si Elle, sa anak ng mag-asawang Martinez. Si Ashton Klyde ang natatanging binata na ipinagkalooban ng naipong mana mula sa angkan ng Martinez. Ngunit, makukuha lang nito ang lahat kung siya ay ikinasal na. At sa kagustuhang maipasa sa kanya ang mana, pumayag siya sa isang kasunduang labag rin sa loob niya... Ang kasunduang ikasal sa taong wala siyang pagkakakilanlan. Dalawang bagay lang ang kailangan nilang gawin upang magtagumpay, ang tumira sa iisang bubong at magpanggap bilang mag-asawang nagmamahalan. Ngunit, may mabubuo kayang pag-ibig sa kasal na wala namang pagmamahal? At, pauusbungin pa ba nila ang mga nararamdaman nila sa oras na malaman nila ang tunay na pagkakakilanlan ng taong pinakasalan nila?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Romance
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand With my Professor

One Night Stand With my Professor

Almaxx
"Kung pananagutan molang ako dahil nabuntis moku wag munang ituloy, Dahil pareho lang tayong masasaktan, Ikukulong mo yung sarili mo sakin dahil nabuntis mulang ako! Kahit hindi moku mahal? At ayukong mangyari yun!" -MJ. Dahil sa isang pagkakamali ni MJ na hindi naman nya sinasadya napa aga syang nabuntis sa kanyang professor. Ang pagkakamaling iyon ba ay kanyang pinagsisisihan o isang blessing dahil mahal sya ng taong nakabuntis sa kanya? Kung ikaw ang nasa posisyon nya gugustuhin moba? Paano kung ang pagkaka maling iyon ay maging sanhi ng paghinto nya sa pag-aaral? Matatanggap ba iyon ng pamilya nya? Susuportahan ba sya o mas gugustuhin nilang ipalaglag ang batang dinadala nito upang ang kahihiyan na idinulot nya sa pamilyang meron sya ay hindi madungisan.
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

Plano lang ni Helga Louisse Palma na ipamukha sa ex niya na okay na siya — kaya nag-hire siya ng escort para plus one sa party. Simple, di ba? Pero hindi niya inasahan na ang “escort o gigolo” ay si Damian Caius Avelino, isang bilyonaryong CEO na hindi lang gwapo, kundi sanay din sa drama at sinabayan pa ang plano niya. Bigla rin silang naging trending online bilang new couple, at kahit ang pamilya ni Damian kumbinsido na sila nga. Wala na si Helga choice kundi sumabay sa palabas at maging fiancée ni Damian. Ang problema? Habang tumatagal ang palabas, hindi na acting ang kilig na nararamdaman ni Helga. Pero handa ba siyang magtiwala ulit, o isa na namang heartbreak ang naghihintay sa kanya?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Grace - A Mother's Cry

Grace - A Mother's Cry

Nakilala ni Grace si Wilfred sa isang club at pinaibig siya nito. Ang hindi alam ni Grace ay kasal na si Wilfred. Naging sila at di kalaunan ay nabuntis siya, pero noong sasabihin na niya iyon kay Wilfred ay doon niya nalaman na may asawa pala ito at hindi siya nito paninindigan. Paano na ang pangarap niya para magkaroon ng buong pamilya?
Romance
10573 viewsOngoing
Read
Add to library
POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)

POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)

Jessica Adams
WARNING: (R18) STORY WITH MATURE CONTENT: Si Aria ang kahulugan ng buhay para kay James. Mahal na mahal niya ang asawa niya at alam niya na kapag nawala ito ay guguho ang mundo niya. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya at iyon ang pinaka-hindi niya gustong mangyari. Pero paano kung ang kinatatakutan niyang iyon ay biglang mangyari? At paano kung sa muli nilang pagkikita ay hindi na siya kilala ni Aria? Paano na ang pamilya nila at ang ikalawang bata na dinadala sa sinapupunan ng kaniyang asawa?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status