Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Billionaire Enemy Is My Lover

My Billionaire Enemy Is My Lover

Labis na nagtaka si Seraphina nang bigla siyang mailipat sa ilalim ng pamamahala ng bagong boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi siyang pinapahiya at minamaliit nito. Alam niya sa sarili niyang magaling siya sa trabaho, pero para sa bagong boss niya, isa siyang walang kwenta. Galit sila sa isa’t isa. Ngunit ang matinding galit na iyon ay nagbunga ng isang di-inaasahang pangyayari—isang gabi ng matinding pagnanasa na bumalot sa kanilang dalawa. Matapos ang nangyari, mananatili pa rin ba ang poot sa kanilang mga puso? O ang galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting magliliyab bilang pag-ibig?
Romance
9.9383.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Seduction (Tagalog)

Sweet Seduction (Tagalog)

Gumuho ang mundo ni Margaux nang hindi siputin ng kanyang boyfriend sa kanilang kasal. Lester was her first love-her first boyfriend, first kiss, and first heartbreak. Kung kailan handa na niyang ibigay rito ang lahat ay saka pa siya iniwan sa ere. Samantala, handa namang lumuhod ang lahat ng babae kay Lawrence kung gugustuhin niya. Isang antipatiko, mayabang, at womanizer na tinaguriang "Destroyer Casanova." Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, makaya kayang buoin ni Lawrence ang nawasak na puso ng babae? Kaya pa ba ni Margaux ang magtiwalang muli? Will they find the true meaning of trust? Will they take risk for what they call love?
Romance
10400.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Three Month Agreement

Three Month Agreement

“Tatlong buwan na kasunduan sa isang Aroganteng Bilyonaryo." Dalawang bagay lang ang mahalaga kay Zehra: ang kapatid niya at pera. Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ngunit isang dagok ang siyang susubok sa kaniyang katatagan—nagkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang minamahal na kapatid. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon; wala siyang malapitan at wala rin siyang ideya kung saan kukuha ng malaking halaga. Sa gitna ng kaniyang pakikipagsapalaran, isang kilalang tao ang lumapit sa kaniya sa pinagtatrabahuhan niyang bar. Ito ay si Thauce Arzen Alessandro Cervelli. Isang bilyonaryong negosyante. In-offer-an siya nito ng limang milyon kapalit ng tatlong buwan. Kailangan niyang kuhanin ang atensyon at mapaibig ang pinsan nito na si Errol sapagkat ito ang napupusuan ng babaeng minamahal ni Thauce. Ngunit sa loob ng tatlong buwan na kasunduan, aayon kaya ang lahat sa plano? Mapapaibig nga kaya ni Zehra si Errol o sisingit ang mapaglarong tadhana at iba ang mahuhulog sa kaniya?
Romance
9.9195.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
Romance
9.8236.1K viewsCompleted
Read
Add to library
SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|

SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|

[MATURE CONTENT] Not suitable for young audience. R-18 Lumaking sunod sa luho si Adrianne Cueva. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Pero paano kung malaman niya na ang lahat ng tinatamasa niya pala ay hindi naman pala sa kaniya at sa mga magulang niya? Kundi sa isang taong hindi niya pa nakikilala. At sa pagtungtong niya ng labing-walong taon ay isang rebelasyon ang nagpaguho ng mundo niya. She was sold to be a billionare's wife. Siya ay bayad ng utang ng kaniyang mga magulang. Pero paano siya ngayon dahil tila wala itong balak na gawin siyang asawa, instead she will be a SLAVE, but not only an ordinary slave but His SEX SLAVE.
Romance
10350.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secretary Owns Me (Tagalog)

My Secretary Owns Me (Tagalog)

Si Kendra Buenavidez ay maganda, simple, masipag, matalino, madiskarte at mapagmahal sa pamilya. Ganyan inilarawan ng magulang ang sekretarya sa kanya. Hindi naman siya interesado dahil may nobya na siya. Pero hindi niya akalaing mai-inlove agad siya sa unang pagtatagpo. Unang pagkikita pa lang nila ng sekretarya ay nagkaroon agad ng apoy sa pagitan nila. Apoy na hindi na niya kayang iwasan. Pero kahit ganon, pilit niya pa ring tinatatak sa isip na mas mahal niya si Darlene, pero bakit ganon, iba ang sinasabi ng puso niya. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan niyang pumilli. Sa pagitan ng nobya at ng dalaga...
Romance
10336.8K viewsCompleted
Read
Add to library
MY SON'S DADDY is a MAFIA

MY SON'S DADDY is a MAFIA

WARNING ⚠️ SOME SCENES CONTAINS WORDS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS..!! READ AT YOUR OWN RISK ...!!! Dala ng matinding bugso ng damdamin sa pagdadalaga Amber Rizalyn Joy got pregnant at the age of seventeen, without knowing who is the man she slept with on that night. Paano kung isang araw ay makakaharap niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng kan'yang anak? Would it be possible that the man in front of her is the father of her son? Paano kung bigla na lang itong sumulpot sa kan'yang harapan kasama ang kanilang anak at yayain s'yang magpapakasal? Kaya n'ya bang tanggihan ang alok nito sa kabila ng nasaksihan n'yang pagmamakaawa ng kan'yang anak sa ama nito na pakasalan s'ya at buoin ang kanilang pamilya. Ano ang naghihintay na buhay sa kanilang mag-ina sa piling ng isang mafia? Magiging reyna kaya s'ya sa puso ng lalaki o magiging asawa lang dahil sa anak nila? Paano kung isang pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama? Pagsubok na s'yang sisira sa tiwala nila sa isat-isa kasama na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mananaig kaya ang nabuong pagmamahalan laban sa tiwala na nasira at nawasak?
Romance
10257.3K viewsCompleted
Read
Add to library
YAYA MOMMY (TAGALOG)

YAYA MOMMY (TAGALOG)

BLURB Si Jossa San Pedro ay masipag na dalagita na nagmula sa probinsiya. Nang mamatay ang mga magulang dahil sa isang trahedya na nangyari sa dagat ay napilitan siyang lumuwas ng manila para buhayin ang nag-iisa at nakababata niyang kapatid. Ngunit dahil sa hindi inaasahan na pangyayari, nakilala
Romance
10383.5K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

WARNING ⚠️ MATURED CONTENT ⚠️ READ AT YOUR OWN RISK..!! Paano mo sasabihin sa isang tao na mahal mo s'ya kung alam mo sa sarili mo na may malaki kang kasalanan na nagawa sa kan'ya sa nakaraan? Saan hahantong ang pag-ibig na nararamdaman sa taong manhid na ang puso dahil sa labis na sakit na naranasan at nararamdaman dulot ng ng masaklap na nakaraan? Magtatagumpay kaya ang tadhana na pagtagpuin sila?
Romance
10211.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Mistress

The Billionaire's Mistress

Heart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na iyon, na kahit ikabaliw niya ay kailangan niyang magawan ng paraan. Ilang linggo siyang magiging parausan ng lalaking hindi niya kilala, sa halagang two hundred fifty thousand pesos, dahil siya ay virgin. That was the offer of an unknown filthy man. Take it or leave it. Magpapagamit siya habang siya ay tulog para hindi siya magkaroon ng pagkakataon na makilala ang lalaking pagbebentahan niya ng sarili. Dahil sa sobrang kagipitan ay pumayag siya kaagad para sa amang nasa bingit ng kamatayan. Wala na siyang pagkakataon na alamin pa ang pagkatao ng lalaking makakatalik niya at aari sa kanya. She has to save her dying father, that's it! Kahit pa pinakapangit na nilalang sa mundo ang umangkin sa kanya ay papayag siya. Pero hindi pangit ang lalaki nang saglit niyang makita. He was so handsome and he's her boss, her billionaire boss, Deluxe Montesalvo, who was already married for three damn years!
Romance
10328.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status