Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

Kagaya ng ibang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan sina Hunter at Athana. Maging si Athana ay hindi rin makapaniwalang nauwi lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nang umalis si Athana sa puder ni Hunter, hindi niya alam na buntis na pala siya sa kanilang kambal na anak ni Hunter. Sobrang sakit para sa kanya tuwing iisipin niya na hindi na niya mabibigyan pa ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad, naaksidente si Athana. Ngunit, safe naman ang kanyang kambal na anak. Ang malaking epekto lang sa kanya ay pansamantalang nawala ang kanyang mga ala-ala. Ayon din sa doktor, himala nga raw ang nangyari sa kanilang mag-iina, dahil mabilis din na naka-recover ang katawan ni Athana. Nagulat din siya nang malaman niyang may kambal na anak pala siya. Pagkalipas ng ilang taon, napalaki naman ni Athana ng maayos at mapagmahal ang kanyang kambal na anak na sina Ather at Thana. Sa pagpasok ni Athana bilang isa sa mga pinuno ng gang ng mga magnanakaw. Muling magtatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Hunter, ang kanyang dating asawa. Ano kaya ang mararamdaman ni Hunter kapag muli niyang nakita ang kanyang dating asawa na kabilang na ngayon sa isa sa mga pinuno ng mga magnanakaw?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
132 viewsOngoing
Read
Add to library
THE GAME MAKER (SPG)

THE GAME MAKER (SPG)

BLACK MAFIA SERIES Warning: Hard SPG ️ The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, drugs and money. He drawn by a lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kan'ya ng mga kaibigan niya. Ang bilyonaryong walang kinatatakutan kung sino man ang kan'yang babanggain pagdating sa mga illegal na negosyo. Pinasok niya ang negosyo sa pagbibinta ng mga matataas na klaseng mga baril, pagbibinta ng iba't ibang klase ng drugs at pagpapatayo ng mga sugalan. Matalino, tuso at magaling maglaro pag dating sa mga kalaban niya sa negosyo. Pero paano kung ang katapat niya lang ay ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa mundo. Si Kath Antonio, na nagtatrabho sa kompanya ni Lewis Kingston. Naging magulo na ang mundo niya nang makilala niya si Tristan Geller dahil sa kanyang katangahan na akala niya boyfriend ng kaibigan niya nagtaksil, kaya sinampal niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi niya lubos akalain na sobrang yaman ng lalaking ipinahiya niya. Pinakidnap siya at doon nagsimula ang kan'yang miserableng buhay.
Romance
10301.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1022.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Alpha's Keeper

The Alpha's Keeper

Sa mundo kung saan ang mga kalalakihan ay maaaring manganak, isang mangangaso na ang ngalan ay Felix Laureano ang mapupunta sa lugar na kung tawagin ay "The Alpha's town" o mas kilala sa tawag na hilaga. Nang makuha ang misyon na hindi inaasahan ay siyang pagdating ng kasagutan sa mga katanungan na nakaukit sa kaniyang nakaraan. Isang misyon na magsisilbing ilaw, misyon na magsisilbing gabay upang mabuo ang mga kasagutan sa mga katanungan matapos ng digmaan.
Other
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
SHE'S MY BODYGUARD

SHE'S MY BODYGUARD

RRA
Blurb: Matagal nang may mga nagbabanta sa buhay ni Mathew, kaya naman naghahanap siya ng isang batikan at magaling na bodyguard, kaya lang ay hindi siya makakuha ng taong mapagkakatiwalaan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang babaeng misteryoso para sa kanya. Nakita niya ang angking galing at tapang nito nang ipagtanggol siya niyo sa mga nais pumatay sa kanya. Kaya lang hinahabol ito ng mga alagad ng batas, at nagtatago sa mga di kilalang tao. Ano kaya ang mangyayari sa pagsasama ng isang serius type girl at clamsy and clingy type boy na CEO? Maipagkakatiwala kaya ni Matthew ang buhay niya sa babaeng isa pa lang Assassin?
Romance
102.7K viewsCompleted
Read
Add to library
IN HIS ARMS (A BxB Story)

IN HIS ARMS (A BxB Story)

IN HIS ARMS (A BxB Story) BOOK 1 Cloude David Aristotle, isang mayaman at sikat na CEO ng isang sikat na kompanya. Tinitilian siya dahil sa kagwapuhan niya ng mga babae at ng mga bakla, mapabata man o matanda. Pinapangarap siya ng mga kababaihan dahil na rin sa angking talino at husay nito sa pagpapatakbo ng kompanya. Masungit ito ngunit malapit ang puso sa mga bata na nasa orphanage at mga bata na walang tahanan. Ngunit sa likod ng kaniyang mga tagumpay sa buhay ay nariyan ang mga magulang niya na nagdadala sa kaniya ng pressure. Ianne Rain Demillo, isang masipag at matalinong anak. Hindi sila mahirap at hindi rin mayaman, katamtaman lang ang buhay na mayroon sila. Hindi maikakaila na may kagwapuhang tinataglay ang isang Ianne Raine Demillo. Tinitilian din siya ng mga kababaihan sa kanilang lugar at sa kanilang eskwelahan. Maraming nagkakandarapang babae para lang mapansin niya, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang tinatagong tunay na katauhan ni Ianne. Paano kung magtagpo ang kanilang landas? Paano kung magising sila isang araw na mahal na nila ang isa’t isa? Paano nila haharapin ang mapanghusgang mata at bibig ng mga taong nasa paligid nila? Itatago na lang ba nila o lalabanan ang sasabihin ng iba? What if Ianne is wanted to be IN HIS ARMS?
LGBTQ+
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10839 viewsOngoing
Read
Add to library
Protect The Kingdom

Protect The Kingdom

Gaellos Academy is a dream school of all the creature in Altera Avila people. Ang lugar na Altera Avila ay siyang pinakamahina ng lugar sa Ravos Realy. Palagi silang pinupuntirya ng mga kalaban dahil sa hindi kalakasang depensa ng kanilang lugar. Namuhay sa takot ang mga Altera Avila at pinapangarap na makapasok sa Gaellos upang mahasa ang abilidad na tinataglay at maprotektahan ang kanilang lugar na Altre Avila sa mga kamay ng kalaban.
Fantasy
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
596 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status