Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

Lumaki sa saktong pamumuhay si Nessa Villego, siya ngayon ay 25-taong gulang na at isa ng lisensyadong engineer. Tanging ang nakababata na lamang niyang kapatid na si Tasha 20-taong gulang, ang mayroon siya nang mamatay ang mga magulang nila 5 years ago sa hindi inaasahang trahedya. Dahil dito ay mas lalong naging malapit ang dalawang magkapatid na halos siya na ang tumayong ina at ama para kay Tasha. Naghangad si Nessa ng magandang pamumuhay upang matulungan ang kapatid. Hanggang sa isang araw ay labis siyang nabanas nang mapansin niya na tila unti-unting nagsisilipatan ang mga dati niyang kliyente. Si Engr. Veos Dimitre, ang lalaking labis na nagdala ng pagbabago kay Nessa dahil naging kakompentensya niya ito dahil sa pagkakapareho nila ng propesiyon. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon ni Nessa kapag nalaman niya na palihim na minahal ng kanyang kapatid na si Tasha si Veos? At paano kung ang damdamin ni Veos ay hindi pala nakalaan kay Tasha? At sa ibang babae ito mas nahuhumaling. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay nina Nessa, Veos at Tasha. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang propesiyon o tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan dahil sa hindi nila palaging pagkakaunawaan.
Romance
9.914.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
Romance
10425 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?
Romance
1022.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Billionaire Surgeon

Taming The Billionaire Surgeon

Blurb: She Leslie Laurice Bueno Dela Constancia a surgeon na may matigas na puso at hindi naniniwala sa salitang pagmamahal. Pero sa kabila ng pinaniniwalaan ay niya pa rin ang sarili sa isang sitwasyon na hindi niya alam kung paano matatagalan at iyon ay ang maging kasintahan ni Ethan. Ethan Lim ay isa rin surgeon gaya niya, labis ang pagmamahal nito sa kaniya na umabot pa sa puntong napilitan nalang siyang sagutin ito. Maayos ang pagsasama nila ni Ethan hanggang sa makilala niya ang magiging pasyente niya na si Alisson Luigi Aballe a bad boy na anak ng isa sa mga mayamang negosyante sa bansa at walang ibang alam kung hindi ang mangulit at magpapansin at mangbabae kaya naman labis niya itong kinaiinisan. Paano mapapaamo ng isang Alisson Luigi ang isang babae na itinanim na sa isip ang salitang walang forever at paano niya ito mapapaamo kung mayroon na itong kasintahan?
Romance
1013.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

Handa akong tumakbo sa kahit saan maitago ko lamang ang katotohanan na nagkaanak ako at ang ama ay walang iba kundi ang boss ko. Ginawa ko ang lahat maitago lamang ang anak ko sa mga katrabaho ko hanggang sa manganak ako. Nagresign ako sa trabaho upang maalagaan ang anak ko at nang makalaki na ito ay agad akong nag-aplay ng trabaho. Sinong mag-aakala na babalik din pala ako kung saan ako nagsimula at muli kaming magkita. Umakto ako na paranng hindi kami magkakilala noon at nanatiling nakadistansiya rito. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko? Handa ba akong lunukin ang takot ko para ipagtapat ang katotohanan? O Magpapadaig na lamang ako sa takot ko at hahayaan na ang tadhana na lamang ang magdikta ng aming kapalaran? Paano kung dumating ang araw na kailanagan ko ng tulong sa ama ng anak ko upang maisalba ang buhay nito. Handa ko bang guluhin ang tahimik nitong buhay kasama ang bago nitong minahal at magulo ang tahimik na buhay na nais ko para sa anak.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding the Engineer's Twins

Hiding the Engineer's Twins

Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier that she's pregnant. Labis ang kabang nararamdaman niya noong araw na iyon. Maayos pa ang pag-uusap nila noong una pero nang isingit na ni Elara ang tungkol sa dinadala niya ay labis itong ikinagulat ni Xzavier. Pero sa kabilang dako ay sobrang ikinatuwa ni Xzavier ang sinabi ni Elara. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang kaniyang ina. Ito ang dahilan kung bakit niya nasabi ang hindi niya dapat sabihin. At dahil nga sa sinabi ni Xzavier ay labis na nasaktan si Elara kaya napagdesisyonan niyang magpakalayo-layo at buhayin na lang mag-isa ang bata. Sa paglipas ng panahon ay paano na lang kung ang anak niya na mismo ang humiling na gusto nitong makita at makilala ang kanilang ama? Itutuloy pa ba ni Elara ang pagtatago sa kanila o gagawin na lang niya ang kagustuhan ng anak alang-alang sa kaligayan nila?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Dearest Villain

My Dearest Villain

Hiraeth Faith 2
"Wala kang pagpipilian kundi tanggapin ang alok ko, Estelle," sabi ni Raziel na namumula ang mga mata. Ang tanging hangad lang ni Lady Vienna ay makasama ang lalaking bida ng kuwento. Hanggang sa lumitaw ang isang salamangkero at inabot sa kanya ang isang libro isang araw. Ang libro pala ay naglalaman ng daloy ng kanyang buhay! Ipinagpalagay pa nga niya na siya ang pangunahing babae, ngunit siya ang kontrabida sa kuwento! Nang malaman niyang papatayin siya ng kontrabida, si Duke Raziel, sa edad na 22, ginagawa niya ang lahat para maiwasan ito! Lumapit siya sa kontrabida at nalaman ang sikreto nito, na naging dahilan upang imungkahi niya sa kanya ang isang kontrata ng kasal kapag natuklasan niya ang katotohanan tungkol sa aktwal na katangian ng lalaking lead. Sa karamihan ng mga kuwento, ang mga kontrabida ay pinapatay, ang lalaki at babae ay nagpakasal, at sila ay nabubuhay nang maligaya magpakailanman; gayunpaman, tinututulan ni Lady Vienna "Estelle" Thaleia Xaviera ang pattern na ito. It’s up to Vienna na pigilan ang mga pagkalason, pagbabanta sa kamatayan, pagkakanulo, at pagpatay na mangyari bilang resulta ng aklat. "Mas mabuting magmahal ng kontrabida dahil alam naming gagawin niya ang lahat para sa iyo. Ang bida, sa kabilang banda, ay handang isuko ang iyong buhay para sa ikabubuti ng lahat.”
Fantasy
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage for Granted

Marriage for Granted

Sunflower
Dahil sa utang na loob ni Solemn sa pamilyang umampon sa kaniya ay pumayag siyang magpakasal sa lalaking hindi niya pa nakikilala. Gayun pa man ay pumayag siyang ipakasal upang makabawi sa pamilyang umampon, nag-aruga at nagmahal sa kaniya. Gusto mang umayaw ng kaniya isipan ngunit ang kaniyang puso ay nakakaramdam ng kilig at pananabik. Kahit na gano'n ay hinayaan niya lang hanggang sa nakita niya ang lalaking papakasalan at nasabi niya lang sa kaniyang sarili "Gagampanan ko ang responsibilidad bilang asawa niya pero hindi ibig sabihin no'n pag-aari ko na siya. Magiging isa kami ngunit magiging malayang ibon pa rin siya. Gagawin niya ang kaniyang gusto at ako ay may limitasyon na, 'di na katulad ng isang malayang paru-paro. Pagsisilbihan ko siya upamg hindi mapahiya ang pamilyang nagpalaki at nag-aruga sa akin sa loob ng dalawang put apat na taon. This is my way of paying my debt of gratitude to their sacrifices and cared for me."
Romance
676 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

Dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Freya at iyon ay ang ipagkaloob ang isang sarili sa estranghero. Handa na sana niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya lang ay muling nagkrus ang landas nila ng lalaking iyon dahil siya pala ang CEO ng kanilang kumpanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya roon. Ang masakit pa ay tandang-tanda siya nito at hindi lang iyon, kinuha siya nitong personal na sekretarya ngunit front lang pala nito iyon para mapalapit sa kaniya. Mukhang wala itong balak na basta na lang kalimutan ang gabing namagitan sa kanila. Sa likod ng pagiging boss at sekretarya ay may isang relasyon ang mabubuo sa pagitan nila. Pero paano kung sa kalagitnaan ng relasyon nila ay bigla na lang silang subukin ng tadhana dahil maaksidente si Dalton at hindi na siya maaalala? Paano niya magagawang harapin ang sitwasyon lalo pa at buntis siya?
Romance
1032.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status