That Frigid Mafia!
[AL MONLEON SERIES #1—EVAN CHRAYSTLER AL MONLEON]
Nang ipapatay ni Lord Amanncio Al Monleon, ang kilalang mafia king, ang mga magulang ni Andrea Maureen “Ada” Salvegas, inakala niyang tapos na ang lahat—hanggang sa ginawa siyang pambayad sa utang ng mga ito at pinasok bilang lingkod sa mansyon ng mga Al Monleon.
Sa ilalim ng marangyang bubong ng kasamaan at lihim, nakilala ni Ada ang limang anak ni Lord Amann. Ngunit tanging ang pang-apat na si Evan Chraystler Al Monleon, o Young Master Evan ang nagpatibok ng kaniyang puso.
Itinaga ni Ada sa sarili, na kailanman ay hindi siya magpapasalamat sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong mabuhay. Dahil para sa kaniya ay mas nakakabuting namatay nalang din siya.
Ngunit paano kung ang mismong anak ng halimaw na iyon ang maging dahilan ng muling pagtibok ng kaniyang puso?
At paano kung matuklasan niyang si Evan ay bahagi pala ng isang nakaraan na matagal nang binura ng kaniyang alaala?
Handa ba siyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Frigid Mafia Prince, o pipiliin niyang kalimutan ito kapalit ng hustisya at galit na matagal na niyang pinanghahawakan?