Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Third Vow

The Third Vow

tinerites
Kontento na si Avaeh sa kaniyang pagiging mag-isa, ngunit hindi ang kaniyang mga magulang. Sa kagustuhang ilayo siya sa posibilidad na tumandang dalaga, ang mga ito na mismo ang nag-ayos ng kasal para sa kaniya. Subalit sa isang iglap, mababago ang kaniyang kapalaran. Nagising na lamang siyang kasama si Colt sa iisang kuwarto at pareho silang walang maalala. Paanong sa isang gabi lamang na iyon ay naging asawa niya ang lalaking unang beses niya pa lang nakita sa beach trip na iyon? Hindi naman siya papatol sa isang lalaking ikakasal na rin at hindi niya minsan man pinangarap ang maging isang kabit. Paano kahaharapin ng dalawa ang kani-kanilang kasal na plinano ng kanilang mga magulang kung sila na mismo ang naunang ikinasal? Pipiliin ba nilang baguhin ang iginuhit ng tadhana?
Romance
920 viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Playboy's True Love

Playboy's True Love

Calix is a civil engineering hot and bachelor in town. Kilala sa pagiging playboy dahil kabi kabilaan ang kanyang naikama at hindi na rin mabilang sa kanyang daliri ang mga babaeng dumaan sa kanya. Ngunit ang lahat ay magbabago sa pagdating ni Clarissa ang babaeng kanyang kinaiinisan ng siya'y bata pa lamang. Lalo na't ng malaman niyang gusto ng kanyang mga magulang na pakasalan ito. Mababali pa ba niya ang kasunduan ng bawat pamilya o tatanggapin na lamang niya ang kapalaran sa babaeng kanyang kinaiinisan.. Paano kung dumating ang araw na ang babaeng iyong kinaiinisan ay siya pa lang bibihag ng palikero mong puso..
Romance
10741 viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Short Story · Campus
662 viewsCompleted
Read
Add to library
Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Isang babae na pilit pinag-aagawan ng magkapatid. Buong akala ng kanilang magulang na isang disente at nakapag-aral ang babaeng kinababaliwan ng kanilang anak. Ngunit isa itong bayarang babae na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa White Coast Stripper’s Club. Maria, tunay na mahinhin ang itsura ngunit may nakakaakit na labi at mga mata na pumukaw kay Victor at Vladimir. Dalawang binata mula sa bigating pamilya sa Pilipinas ngunit magkaiba ang pananaw sa buhay. Tila nag-iisang babae sa mundo ang turing kay Maria kung pag-agawan siya ng dalawang magkapatid na handang magpakamatay para sa kanya. Pero paano kung nagpakabulag si Maria sa pera at tunay na tinalikuran ang lalaki na kaya siyang mahalin kahit may pagkukulang ito sa pera? Pagsisihan niya ba ito, o ito ang hudyat upang mailagay ang buhay niya sa peligro?
Romance
1071.4K viewsCompleted
Show Reviews (24)
Read
Add to library
Lauv Lany
I have read a lot of stories here pero this one's captivating, that I'm too excited what's gonna happen next. Really a good read - the plot, it's twists and turns, the characters, and all. Keep it up. Looking forward for more updates, and more stories to read from you, Author.
Mharieyah Mhaeyou
isa na naman ito sa mga gawa ng manunulat na hindi nakakasawa at nakakaumay basahin. Hindi makompleto ang araw na hindi ito mababasa.. naging parte na rin ng buhay ng mambabasa ang pangalang Vic,Maria at Vlad
Read All Reviews
Behind The Mafia's Mask

Behind The Mafia's Mask

Lucianna lived in a faraway island in the South with her parents. Masaya ang pamilya nila, hanggang sa dumating ang isang malagim na bangungot sa kaniya. Pinatay ang walang kalaban-laban niyang mga magulang sa harapan niya mismo, kaya nangako siyang hahanapin ang may gawa niyon. Habang nagluluksa, natagpuan niya ang isang lalaking duguan at sugatan sa may dalampasigan. Inalagaan niya ito hanggang sa bumalik ang malay. Nagpakilala itong si Victor Rodriguez at unti-unti'y nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Subalit wala siyang kaalam-alam na ang lalaking ito ay napakarami palang lihim. Mga lihim na magbubukas sa bagong kabanata ng buhay niya at dudurog nang husto sa kaniyang puso. Paano kapag nalaman niya ang totoo sa likod ng mapakunwaring maskara nito? Iibigin pa rin kaya niya ito? O hahayaan na lang niya ang sariling kamuhian ito nang tuluyan?
Mafia
102.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Secret Guardian

Her Secret Guardian

Duchess GN
Biglang nagulo ang tahimik na pamumuhay ni Anastasia nang dumating ang bago niyang kapit-bahay na si Crisanto. Tuwing gabi, nagdadala ito ng babae sa kabilang kwarto na dahilan para mabulabog hindi lang ang pagtulog niya kundi maging ang kanyang nananahimik na virginity. Hanggang sa bigla na lang siyang naipit sa nag-uumpugang mga bato nang sapilitan siyang gawing nobya ni Crisanto, ang brusko at dominante pero hot niyang bagong kapit-bahay. Ngunit sa pagdating ng binata ay kasabay rin ng pagdating ng malalaking pagsubok at trahedya sa kanyang buhay. With her life at stake, love was the last thing on her mind. But then, how can she afford to love Crisanto kung malalaman niyang sangkot pala ito sa pagkawala ng kanyang mga magulang? Who is Crisanto at bakit ito biglang sumulpot na lang sa kanyang buhay?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
In The Hands Of The Mafia Boss

In The Hands Of The Mafia Boss

Hindi akalain ni Hannah na sa pagbalik niya sa bisig ng kaniyang mga magulang ay mapapalitan na ang kanilang pagmamahal dahil lang sa isang ampon ng kanilang pamilya. Kung sa mata ng iba, itong ampon ay napaka bait at di makabasag pinggan pero ang katotohanan ay malayo sa alam nila. Pero sa pagpasok ni Raymond Olivarez sa buhay niya, naramdaman niya ang pagmamahal na di nasusukat. "Iwan ka man ng iba, but I will not do the same thing to you, Hannah," nakangiting sabi ni Raymond. Hindi niya din akalain na ang business man na si Raymond Olivarez pala ay may itinatagong ibang katauhan bilang boss ng "Black Eagle" na isang Mafia sa pilipinas. Siya na nasa kamay ng Mafia Boss, magiging maganda ba ang kaniyang buhay pagkatapos makamit ang hustisya na gusto niya o pasimula lamang iyon bago mahukay ang isang deep rooted sydicate na salot sa lipunan?
Mafia
242 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status