Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Scorching Downfall (TagLish)

Scorching Downfall (TagLish)

Xiania Irish Flint, a wild and seductive twenty five year old woman who never had any boyfriends and boyfriend in her whole existence. However, it doesn't make her innocent though. It's actually the opposite. Dahil sa pananaw nito at mga prinsipyong ayaw tibagin tungkol sa mga kalalakihan, natutunan niyang mamuhay ng dalawamput-limang taon nang walang umaaligid sa kanyang lalaki. Well, aside from her cousins. Her life was simple—working on the Organization that was lead by her Family. An organization that helps people in a not so good and bad way. Iyon lamang ang pinagka kaabalahan niya, nang aakit ng mga lalaki bago ito papatayin. O kaya naman ay tutulungan ang mga kababaihang wina-walanghiya na ng iba. Career is way better than Men. That was her Motto. Mas yayaman daw siya doon, mas matututo, mas sasaya, mas may mapapala, not until her parents suddenly pushed her to marry someone she doesn't even know. Ang mga prinsipyong matagal nang hindi natibag nino man ay siyang susubukin nito. She badly wants to disobey her parents, but the Commander of the Organization, which is her Uncle —would never let her. Aalisin raw siya nito sa Organisasyong minahal niya kapag hindi pinakasalan ang lalaking naipakilala. And just like in some cliche stories, her principles were successfully broken by her soon to be husband, none other than Vraxx Caldwell. But well, that's what she thought.
Romance
1011.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Wonderful Mistake

A Wonderful Mistake

LiCaixin
Nagplano ng suprise bachelorette party ang kapatid at kaibigan ni Anya para sa kaniya, isang gabi bago ang nakatakda niyang kasal. Hindi tinanggihan ni Anya ang surpresa nilang one night stand dahil sa sobrang atraksyon sa inakala niyang simpleng escort. Nang malaman ng fiancé ni Anya ang tungkol sa one night stand ay iniatras nito ang kasal. Itinakwil din siya ng pamilya niya. Ilang linggo matapos ang trahedya nalaman ni Anya na siya ay nagdadalang-tao. At kung akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya, muling nabuhay ang lihim ng nakaraan nang hindi inaasahang magkita ang anak niya na si Althea at ang bilyonaryo nitong ama na si Trevan Cervantes. Ang isang gabi ng pagkakamali na sumira sa dapat ay masaya niyang buhay ang babago sa kasalukuyan niyang kapalaran. “Some mistakes are wonderful”
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

Calut qho
Blurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire’s Successors

The Billionaire’s Successors

ManitaMeenara_
Jaxton Ricafrente came from a rich family and 'cursed' family. In able for them to inherit what rightfully is for them, they have to bear a child before they reach the age of 25. Pero hindi ganoon kadali ang lahat ng iyon dahil karamihan sa pamilya nila ay baog, na minana pa nila sa mga ninuno nila. They have to do everything; professionally, medically, traditionally. Lahat gagawin nila upang maging posible ito. And there is Cindy Gamboa. His long-time friend, who fell in love with him unexpectedly. She's aware of their family's background and don't want to be involved regardless on how much she loves Jaxton. Until one night came, they're both dr*gged and drunk. The unexpected thing happened. Hindi tanggap ng pamilya ni Cindy ang nangyari at gusto ng mga ito ipalaglag ang batang dinadala niya. Wala ring alam si Jaxton tungkol dito at wala siyang balak ipaalam sa binata. Just like the other girls he's been with, she'll be thrown out once he finds out that she's bearing his child. At ayaw niyang mangyari 'yon, so, she left Manila for good. Nandoon ang pangamba ni Cindy na kapag nalaman ni Jaxton na anak niya ang dalawang bata ay ilayo niya ang mga ito sa kanya at maiwan siya. Hanggang kailan maitatago ni Cindy ang katotohanan? Ngayong nakita niya muli si Jaxton, nanaiisin kaya nito na maging parte ito ng kanilang tahimik na pamumuhay?
Romance
10483 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

nhumbhii
Apat na taon ang nakalipas magmula noong ikasal si Eris Vanya Geisler kay Blaze Martell nang malaman niyang nakabuntis ito ng iba. Lumuhod pa siya sa harap ng asawa nang sabihin nito na makikipag-divorce na sa kanya, pero walang silbi lang iyon dahil buo na ang desisyon ni Blaze na makipaghiwalay. To make matters worse, napag-alaman din ni Eris na buntis din siya at nang balakin niyang ipaalam kay Blaze ang tungkol dito, isang litrato niya na hubo't hubad kasama ang lalaking hindi kilala, ang kumakalat. Tinakwil siya ng sarili niyang pamilya at pinagtangkaan pa ng father-in-law niya na patayin siya dahilan ng pagkaka-aksidente niya at mawala ang anak sa sinapupunan. Akala ng lahat ay namatay siya sa aksidente, ngunit ang hindi alam nila alam ay buhay pa ito. Lumipas ang ilang taon, at sa kanyang pagbabalik, sisiguraduhin niyang magbabayad ang dapat na magbayad.
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Alpha's Runaway Mate (Tagalog)

The Alpha's Runaway Mate (Tagalog)

Prideful, conceited and loves to look down on Omegas like him. That's what Nexus's thought about Alphas. And he thought that they are all the same. Ngunit nagbago ang pananaw niyang iyon nang muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Maximino, ang dati niyang kaklase na isang Alpha, and is now claiming to be his fated pair.
MM Romance
1010.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status