LOGINBlurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
View MoreMATAPOS ang pagtatalo at sagutang 'yon, ilang linggo na ang lumipas ay natagpuan ni Richard ang sarili na nakaupo sa balkonahe ng tinutuluyang Condo sa New York. Tahimik at tanging malakas na pagbuntonghininga lamang niya ang kaniyang naririnig, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Sa kaniyang pag-alis tangan n’ya ang bigat nang kaniyang dibdib, umalis at hindi man lang s’ya nagpaliwang sa totoong dahilan sa kaniyang kasintahan. “Hindi ba’t ito ang gusto nila? Umalis ako. Magtago sa gulong ginawa ko raw,” mahina niyang bulong sa sarili habang nilalagok ang basong may lamang alak. Nakailang lagok pa siya nang maramdaman ang paglapit ni Jen, sa kinaroroonan niya. “Hindi ka ba napapagod, Chard? Ilang araw na magmula nang dumating tayo rito Wala a sa sarili atlagi ka na lang nagmumukmo sa isang tabi,” anito na ikinangiti niya. "Pagod? Napagod na ako matagal na, Jen," malamig niyang sagot. At saka tumayo at hinarap ito saka tinitigan nang deretso. "Ikaw ba? Hindi ka ba nap
PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H
SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang
HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore