Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Hidden Mafia Don

Hidden Mafia Don

Docky
"Knowing my real identity means DEATH." - Mafia Don Daven Verrano Costello **** Mahigit pitong taong naging consigliere ng Mafia Don sa bansang Italy si Daven Costello. Siya rin ang misteryosong CEO ng Philippines Bank Corporation (PBC) na may paid-in capital na 20 Billion Pesos. Nang mamatay ang boss ng kanilang mob ay nahirang siya bilang bagong pinuno. He's protective when it comes to his family's safety so he decided to keep it a secret. Ang akala ng marami ay isa lamang siyang hamak na secretary sa sarili niyang kompanya. Elera Luciano - ang nakamaskarang lider ng Asian Assasins at nagtatrabaho bilang General Manager sa PBC. Pinasok niya ang magulong mundo ng mafia para hanapin at pagbayarin ang taong pumaslang sa kaniyang tunay na ina. Dahil sa kalasingan, kalituhan at kapusukan, nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nina Daven at Elera. It was indeed a marriage before love set up dahil kapwa infatuation lang naman ang nararamdaman nila sa isa't isa bago pa may mangyari sa kanila. Nang magpakasal ang dalawa, naranasan ni Daven kung paano maliitin at ituring na parang basura ng kaniyang mga biyenan. Inalipusta, inapak-apakan at inalila. Maging si Elera ay itinuring na isang malaking kahihiyan ng kaniyang mga magulang. Hanggang isang araw, hindi na natiis ni Daven ang lahat. Nagimbal ang mundo ng angkan ng Luciano nang malaman nila ang tunay na katauhan ni Daven.
107.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 290 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Something Borrowed

Something Borrowed

SELCOUTHLOVE
Nakauwi si Misha sa pamilya at fiance niya pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog dahil sa coma. Sa pagbalik niya, kasabay ng pagtuklas ng katotohanan na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang ay nalaman din niyang engaged na sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya. Pero isang bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na nag-udyok para hiramin niya ang buhay ng isang babaeng kamukha niya. Hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya? Kakatok ba ang pag-ibig sa puso niya habang nagpapanggap siya?
1.7K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 48 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
HUSBAND'S CAGE

HUSBAND'S CAGE

Ito ay isang madilim at nakakapanabik na kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti. Ikinasal si Ashera at Jeorge dahil sa isang kasunduan ng kanilang mga pamilya upang mapalakas ang kani-kanilang kompanya. Subalit, ang tunay na pag-ibig ni Jeorge ay nakalaan para sa kay Zebyana- Ang nakababatang kapatid ni Ashera. Sa loob ng malaking bahay na kanilang tinitirhan, dama ni Ashera ang pagkakulong, hindi itinuturing na espesyal, at para lamang siyang isang utusan. Sa kabila ng sakit na dulot ng pagsaksi sa relasyon nina Jeorge at Zebyana, nananatili siyang tahimik at nagdurusa sa isang sulok.
10655 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 20 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Ang Bad Boy Sa Tabi

Ang Bad Boy Sa Tabi

“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
1020.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 832 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?
108.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 219 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
10641 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 24 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Divorcing the Devilish Billionaire

Divorcing the Devilish Billionaire

Muli siyang nabuhay, ngunit iba na ang pangalan niya. At para mas lalo pang lumala ang sitwasyon, may malupit pa siyang asawa. Mas pipiliin ni Lanie Gravidez na mamatay na lamang kaysa mabuhay kasama ang mala-demonyong asawa nitong si Ivo. Marami ang dapat gawin ni Lanie upang mabigyan niya ng hustisya ang tunay na may-ari ng katawan: ang pagdi-divorce sa kanyang asawa at ang pagbawi sa mga ninakaw ng pamilya niya. Magiging matagumpay kaya siya, lalo na’t nararamdaman din niya ang pagmamahal ng dating may-ari ng katawan para kay Ivo?
104.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 157 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
The Scumbag’s Regret: I Married a Trillionaire

The Scumbag’s Regret: I Married a Trillionaire

Akala ni Riona, ang pagtulong sa kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Magnus ay mauuwi sa isang "Happily ever after" pero wala pa nga ang kasalang nagaganap, doon niya natuklasan ang masakit na katotohan--- ginamit lang pala siya ng lalaki at ang masaklap, hindi lang siya nito iniwan, ninakaw pa nito ang perang nakalaan sana sa kanilang kinabukasan. Sa halip na magmakaawa, pinili niyang magpakatatag, tinalikuran niya si Magnus at bumalik sa tunay niyang mundo. Doon, pumasok siya sa isang arranged marriage sa tinaguriang Cold King ng bansa na si Ezequeil Arguijo.
1.9K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 76 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Playful Destiny

Playful Destiny

Anim na taon nang nabubuhay si Lalaine sa impiyerno—bugbog, pasa, at araw-araw na paghihintay ng kamatayan matapos mapagbintangang pumatay sa sariling asawa. Pero sa araw na muntik na siyang tuluyang wasakin, isang lalaking mula sa kanyang nakaraan ang bumalik—ang lalaking minsan niyang minahal at sinaktan. Si Atty. Jeric Fuentebella. Ngunit huli na ba ang lahat? Dahil ngayon, may iba na sa puso ni Jeric—at si Lalaine ay may lihim na handang ipagpalit ang sariling kalayaan para protektahan ang mga taong mahal niya. Sa larong itinadhana ng kapalaran, hanggang saan ang kayang isugal ng pag-ibig? At kapag ang tadhana ay naging mapaglaro… sino ang tunay na mananalo?
831 DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 29 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
1018.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 669 kali sebagai tunay na diyos
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
1415161718
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status