One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler
It was Sienna and Clyde’s second-year anniversary, at nagplano na isurprise ni Sienna si Clyde sa pamamagitan ng isang dinner sa isang restaurant, at nakaplano na din siyang ibigay ang virginity niya dito na matagal na nitong hinihingi sa kanya. Pero hindi siya nito sinipot at hindi sumasagot sa mga tawag niya. Para hindi masayang ang gabi, naisipan niyang pumunta sa isang bar para mag-enjoy. Tinawagan niya ang bestfriend niyang si Valentina, and just like Clyde, hindi niya rin ito makontak. At sa bar na iyon ay nakilala niya ang isang estranghero na nagligtas sa kanya sa pambabastos ng mga lalaki noong nalasing siya. Nauwi sila sa isang one-night stand at ito ang nakakuha ng virginity niya. Wala na sanang problema dahil hindi na sila ulit magkikita. Ang problema, ninong pala ito ni Clyde. Hindi niya alam kung paano haharapin ang ninong ng boyfriend niya lalo na’t sinabihan din ito ni Clyde na siya din ang maging ninong sa kasal nila.