My Zillionaire Husband begs for a Second Chance
Padabog na naglakad palayo si Aslan papunta sa bar para kumuha ng inumin.
Nang makalayo si Aslan, muling humarap si Mr. Solomon kay Kasumi. Nawala ang pang-aasar sa mukha nito at napalitan ng seryosong ekspresyon.
“Likas na mga gago ang mga lalaki, Kasumi," seryosong panimula ni Mr. Solomon, hindi alintana na kasarian din niya ang tinitira niya. "Kapag ang isang bagay ay madali nilang makuha, mabilis din nila 'yong binabalewala. 'Yan ang ginawa niya sa'yo noon, 'di ba? Wag mong hayaang mawala ka ulit sa sarili mo. Focus on the Paris competition. Ito ang chance mong patunayan kung sino ka talaga."
ตอนยอดนิยม