The Billionaire's Accidental Fiancee
Matapos mahuli ni Liana Soliman ang kanyang fiancé na may ibang babae sa hotel suite na siya mismo ang nagbayad, aksidente pa niyang na-blackout ang pinakamahalagang charity gala sa bansa.
Sa dilim ng backstage, nabangga niya si Razael Galvez—ang mailap at striktong billionaire CEO. Pero imbes na demanda, isang kontrata ang inalok nito sa kanya.
Kailangan ni Raz ng asawang panakip-butas para takasan ang isang arranged marriage, habang kailangan naman ni Liana ng paraan para mabawi ang lahat ng perang ninakaw sa kanya ng kaniyang ex.
Mula sa hirap ng Pasay tungo sa karangyaan ng Forbes Park, kailangang panindigan ni Liana ang papel bilang "future Mrs. Galvez." Ngunit sa mundong puno ng plastik na ngiti at mapanganib na lihim, ano ang mas nakakatakot—ang mabisto ang kanilang pagpapanggap o ang tuluyang mahulog sa lalaking bawal mahalin?
Handa ka bang maging asawa ng isang bilyonaryo kapalit ng iyong kalayaan?