One Hot Summer with the Billionaire
Matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, nagpasya si Iya na lumayo at magtungo sa isang island resort upang pansamantalang kalimutan ang sakit na iniwan ng lalaking minahal. Inasahan niyang ang tunog ng hampas ng alon at ang init ng araw ang magiging lunas sa sugatan niyang puso.
Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Sa resort na iyon, nakilala niya si Troy — isang gwapo at misteryosong estranghero na may kakaibang dating.
Hindi pa sana siya handa sa presensiya ng lalaki. Ngunit paano niya tatanggihan ang init na dala nito sa kanyang puso at buong sistema?
And with his one look and soft touch, Iya’s summer heat turned into fire. Hanggang sa halos gabi gabi na niyang natatagpuan ang sarili sa kanlungan ng lalaking maging pangalan ay hindi niya kilala.